Seventeenth

389 12 0
                                    

A/N: Read, vote and comment. Enjoy!

17 - Lucky

"Uy, anong meron?"

Agad akong napalingon. "Huh?"

"Bakit parang mapupunit ang mukha mo sa sobrang pagkaka-ngiti mo diyan?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko, si Jaz.

Napahawak ako sa mukha ko. Hala?! Naka-ngiti nga ako na di ko man lang namamalayan. Anong nangyayari sa akin?

"Sus, Gale. Wag mong pansinin yan, inggit lang yan. Wala kasi yang lovelife." Sabat naman na isa pa kong kaklase, Lea.

Napatawa na lang ako at umiling kasi naman sa mga sinasabi niya na parang ewan lang.

"Sobrang swerte mo, Gale, diyan sa boyfriend mo a." Kumento naman ni Jaz."Ang consistent sa sweetness sayo. parating present."

"Tama, parating andiyan at mukhang super bait. Halata sayo e. Blooming ng bongga ang beauty mo, dear." Dagdag ni Lea.

Napatango na lang ako. I agree on what they said. Wala na nga akong mahihiling pa.

Simon proved to be the best boyfriend that a girl like me could ask for. He has this way of making a girl special kahit na simple ways lang, ayos na. Hindi yung sobrang grande ang gagawin nya.

Nope, he wouldn't do something like that.

And nope, he's not the prince that will sweep you from your feet.

He's real. He is not the kind of guy that will make you think he is a prince in modern times.

Bakit?

Kasi di sya perfect. Si Simon ay yung lalaki na di mo makikita sa libro. Kasi hindi sya mayaman, kuripot pa nga yan.

Di naman din sya sobrang ka-gwapuhan. Well, I don't really have this high standard na dapat sobrang gwapo ng maging boyfriend ko. Yung tipong gwapong parang alien na. Naku, wag na lang. Di naman ako ganun na kaganda. Normal lang.

Anyway, yun nga. He's not that dreamy na sobrang perfect nya.

One thing na I learned about him during our relationship is that super sya mag-effort para sa girlfriend nya. And I realized how lucky I was.

Naalala ko ang fail na naman na Valentine's Date. Grabe. Ano bang klaseng girlfriend ako?

The simple picnic turned out to be the best Valentine's date ever.

Okay, some might expect candle-light dinner, super duper mega expensive boquet of roses, and chocolates.

Nope. Walang ganun sa aming date ni Simon.

Nasa lilim lang kami ng puno ng mangga, naka-upo sa duyan at kumakain ng lansones, mangga, papaya, pakwan at kung anu-anong prutas pa na dala ni Simon. Ang background music namin? Ihip ng hangin, huni ng ibon, at ang pag minsan na pag-unga ng baka at kalabaw.

Hindi ko maiwasan ang mapa-iling sa kalokohan ni Simon na kailangan daw maisayaw nya ako. Wala naman kasi kaming grad ball.

"Wait. May music ako dito sa phone ko." Sabi niya at kinalikot ang phone nya. Nakatayo na ako at pinagbigyan na ang kalokohan nya, wala naman kaming ibang audience kundi ang mga hayop dito sa bukid e.

Nagsimula na ang music na sasayawin namin.

"Di ko naman marinig e."reklamo ko.

"Talaga? Wait lang." Sinubukan nyang palakasin ang volume pero mahina pa rin. Natatawa na ako sa frustrated na si Simon. "Ah, basta."

He cleared his throat.

Baby I will be loving you

I burst out laughing. "Seryoso yan? Chorus na agad?" Bigla na lang kasi kumanta sya ng Thinking Out Loud ni Ed Sheeran.

"Pag-tiisan mo na lang, tsaka yun lang ang alam kong lyrics."

His hand landed on my waist that brought shivers to my whole body. His voice husky pero wala sa tono. Hindi ko mapigilan na mapatawa. Nevertheless, it added more chills to me.

Tuloy-tuloy lang ang pagkanta nya na wala sa tono at unti-unti nya akong hinapit papalapit sa kanya hanggang sa magkayakap na kaming dalawa.

"Masaya ako na kasama kita." He said.

Tumango ako, "Ako rin."

May biglang tumapik sa braso ko na siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Huy! Andiyan na ang boyfriend mo. Wag ka nang mag-daydream pa." Okray sa akin ni Jaz.

"Oo na. Aalis na po ako." Agad akong lumapit kay Simon na naka-abang sa akin.

Bago ako, makalayo sa mga kaklase ko, hinila muna nila ako pabalik sa kanila.

"Ano na naman?" Natatawa ako sa mga kaklase ko. Parang baliw lang. Lapitin ba talaga ako ng baliw? Parang sina A at C.

"Wag mo nang pakawalan yan, kung ganyan ka-gentleman ang boylet na crazy in love sayong beauty dapat bantayan mong mabuti."

"Oo. Kaya ma-swerte ka, Gale. In love sayo si Kuya. Iyong iyo na sya kasi for sure madaming girls ang bet sya. Kahit ako nga, kaso nauna ka na."

Pagkasabi nila nun, kinaladkad nila ako papunta kay Simon at ipinagtulakan.

Napa-iling na lang ako at natatawa sa inakto nila. Baliw nga.

"Anong meron?" Curious na tanong ni Simon.

Tumawa na lang ako. Pero deep inside, maswerte nga ako pero di mawala ang maliit na boses sa utak na sinasabibsa akin.

Hindi totoo ito. Hindi naman talaga ako mahal ni Simon. Matatapos din ang lahat.

----

The Boyfriend Project (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon