Chapter 14 - Crush

5 0 0
                                    

How to differentiate crush from love? Crush is paghanga. But what is Love?

--CynethIsTheName

HINDI ako makatulog. Naalala ko yung conversation namin kanina ni Sandro sa park. I somehow feel grateful about my family. We are not perfect but we are not broken.

Bumaba muna ako sa kusina para kumuha ng gatas. Naabutan ko si Daddy na nagtitimpla din.

"Nagtitimpla ka din po ng gatas Daddy? Hindi ka din po ba makatulog?" Tanong ko kay Daddy.

"Hindi anak. Hot chocolate ito. Masakit daw kasi ang ulo ng Mommy mo. And hot chocolate helps to reduce headaches" nakangiting sagot ni Daddy.

Pinagmasdan ko lang siya at halatang masaya siya sa ginagawa niya. I guessed my Mom is so lucky to be loved by this man. And I hope to find a man like my Dad to love me in the future.

Gusto kong maranasan ng magiging mga anak ko ang nararanasan ko ngayon. Ayokong maranasan nila ang sakit ng broken family. Ang sakit na nararanasan nila Sandro ngayon.

"Gusto mo bang ipagtimpla na din kita ng gatas mo anak?" Tanong ni Daddy. Napansin niya sigurong hindi pa rin ako kumikilos.

Lumapit naman ako sa kanya at humawak sa braso ko.

"Okay lang po ba Daddy?" Nagpapacute kong sabi.

"Sus. Ang baby girl ko naglalambing pa. Syempre naman. Ikaw pa ba? Prinsesa kita e" natatawang sabi ni Daddy saka kumuha ng isa pang tasa.

Natawa naman ako. "Kapag narinig ka ni Ate. Magtatampo yun sayo" pang aasar ko.

"Wala naman ang Ate mo dito. At saka kung nandito naman siya at ikaw ang wala. Siya naman ang baby at prinsesa ko" tumatawang sagot ni Daddy. Alam ko namang nagbibiro lang siya. Pantay ang tingin niya sa aming tatlong magkakapatid.

Natawa na lang din ako sabay inom sa gatas na tinimpla niya. Hindi naman mainit kaya okay lang na inumin ko agad.

"Sige na anak, baka lumamig na tong hot choco ng Mommy mo. Matulog kana agad pagkatapos mo diyan. May pasok ka pa bukas" paalam ni Daddy.

Tumango lang ako at ngumiti. Pagkatapos ay binitbit ko na ang baso ko ng gatas. Sa kwarto ko na lang uubusin.

Nahiga na ulit at tumitig sa kisame. Nagflashback sa utak ko ang pag uusap namin ni Sandro kanina.

Flashback.

"Paanong hindi kayo ang original family? Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong.

"My Mom doesn't know that he's already married when he met him" sabi niya habang nakatingin na naman sa kawalan.

Tinitigan ko lang siya ulit. Naghihintay ng iba pa niyang sasabihin, dahil wala akong masabi. I'm so speechless right now.

"When my Mom got pregnant with me. Doon niya lang nalaman na may pamilya na pala si Daddy. May 2 siyang anak. Malaki na ngayon ang Kuya ko. May sarili na ding pamilya." He paused a second.. kita kong namumula na ang mata niya. "At yung isa niya pang anak 5 years old pa lang ngayon, si Cathy"

Hinawakan ko siya sa balikat para icomfort.

"My Dad refused to leave his family for my Mom. Pero dahil sobrang mahal ng Mommy ko ang Daddy.. pumayag siyang m-maging k-kabit" garalgal na ang boses niya.

Ipinagpatuloy niya pa ang pagkukwento.

"Noong bata ako. Hindi ko pa naiintindihan kung bakit minsan lang umuwi si Daddy. Pero nung nagkaisip na ko saka ko lang nalaman ang totoong dahilan. Galit na galit ako Daddy ko nung nalaman ko yun.. lalo na ng nalaman kong buntis ulit ang asawa niya kay Cathy. Dahil doon pa lang kitang kita ng pinagsasabay niya ang asawa niya at Mommy ko"

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon