Chapter 18

10 5 0
                                    

Ditch

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang tigas talaga ng ulo mo Zb! Kung hindi pa ko nagtanong-tanong hindi ko malalaman!" puno ng frustration na sabi ni Doc Galvez saakin. Siya kasi ang naka assign para tumingin saakin. Sa kung ano na ang kalagayan ko.

Napa yuko nalamang ako dahil walang kahit na anong salita ang lumalabas sa bibig ko.

"Paano kung mas lumala yang sakit mo dahil sa pinag gagagawa mo, huh? Zb naman . . . Alagaan mo naman yang sarili mo kung gusto mo pang mabuhay! Almost..."

"Doc..." my voice crack.

"Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang mo kapag nalaman nila 'to, huh?" mariin at galit nitong tanong na ikina angat ng tingin ko sakanya.

Umiling ako.

"D-doc . . . Please po, huwag niyo pong sabihin kahit kanino-" naputol ang sanang sasabihin ko ng sumabat kaagad si Doc.

"Kung ayaw mong sabihin ko pwes sundin mo ako! Sundin mo lahat ng bilin ko. Yes Zb, we have already discussed this. We talked about something, you talked to me and I'm trying to fulfill that even though I want to share everything we know with your parents. But neglecting your health is not part of the conversation!"

"Pumayag ako sa pakiusap mo kasi nangako ka! Nangako ka na hindi mo susuwayin lahat ng ibinilin ko. Pero nalingat lang ako saglit ito na yung bubungad saakin?" hindi makapaniwalang aniya.

"Zb, hindi ito ang napag-usapan natin..."

Tumigil siya saglit upang bumuntong hininga na tila sobrang disapointed sa nagawa ko, bago siya tumingin saakin ng mariin at puno ng pagbabanta. Sabagay talaga nga namang nakaka dissapoint ang ginawa ko, at hindi ko tinatanggi iyon.

"Kapag nalaman ko na inulit mo ulit itong mga pinag-gagagawa mo." puno ng pagbabanta niyang sabi.


". . . Hindi ako magdadalawang isip na ipaalam itong lahat na nalalaman ko sa mga magulang mo."

Ayukong malaman nila. Hindi pwede.

Kaya walang pag-aalinlangan akong tumango bilang sagot.

"No, Zhannayah Blaire. I don't need your nod as an answer. What I need is an answer from you. A clarification that you will never do this stunt again."

Napabubtong hininga nalang ako sa pagkakadismaya. Dismaya na para sa sarili.

I sigh defeatedly.

"Pangako po d-doc..."

"Then we're good."

Yun ang huling pag-uusap namin ni Doc Galvez bago ko napagpasiyahan na pumunta sa kabilang hall para sa chemo.


Nakakatawang isipin pero sa palagi kong ginagawa na paglalakad dito, parang naging mall na siya para saakin. Kakaibang mall nga lang. At dahil sa kaisipang iyon hindi ko maiwasan ang matawa.


Pagkarating ko sa loob hindi ko inaasahan na nandito siya. Teka nga lang.. Bakit ba kung nasaan ako nandoon din siya?!

Ano ba naman 'to oh!


"Ahh..." paninimula ko na dahilan ng paglingon niya sa kinaroroonan ko.

Sinulyapan niya muna ako saglit bago muling ibinalik sa ginagawa ang attention. Kita ko mula dito kung gaano siya kaseryuso sa ginagawa. Sinulyapan ko saglit ang ginagawa niya at nakita ko na mukhang yung record ko yun.

Bigla akong tinubuan ng kaba at . . . Takot.

Malalaman niya. Hindi, alam ko alam na niya.

Back To The Ocean [ EDITING ]Where stories live. Discover now