𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 20

447 7 0
                                    

[Unedited]

PROBLEMADONG naka-upo si Carry sa kaniyang swivel chair ng malaman apat sa kaniyang client ang nagback out. Tinanong niya ang mga ito kung anong mali at problema ngunit pare-pareho ang sagot nito.

“I’m sorry but I deal to someone who offer me an special treatments and good benefits.”

Every client have a special treatments and good benefits. Sinisigurado niya na lahat ay maayos pero bakit ganito? Bakit nagsisialisan ang client niya? May mas maganda pa ba sa offer niya? O talagang may balak lang na pabagsakin siya?

Her tears drop. Hindi niya matanggap! Okay lang kong isa o dalawa pero apat na ang nawala sa kaniya. Hinawi niya ang kaniyang buhok at tinuyo ang pisngi niya ng maalala na mayroon siyang meeting with the client. Kailangan niyang makuha ito lalo pa’t big event ang isang kasal.

Sa lahat ng client niya ang pinakagusto niya ay ang paggawa ng wedding gown. Ngunit mas marami ang client na birthday gown ang pinapagawa lalo na pag debut. Anniversary ng company, ng mag-asawa. Lahat ay mayroon siyang unique design and theme.

Humingga siya ng malalim at kinalma ang kaniyang sarili ng marinig ang katok sa pinto ng kaniyang opisina.

“Come in,” Sambit niya at bumaling sa pintuan. Pumasok doon ang kaniyang secretary. Alam niya na ang sasabihin nito na may meeting siya, ”Ma’am, I have a bad news,” Nakayukong sambit nito.

Sana ay mali ang kaniyang iniisip.

“Ms. Wong cancelled the meeting, just now ma'am.” Napako siya sa kaniyang kinauupuan. Lumabas na ang secretary niya ng hindi siya nagsalita.

She's so frustrated.

Ang sakit lang isipin na alam mo sa sarili mong kaya mong gawin lahat pero hindi ikaw ang pinili kahit na matagal mo na silang nakasama. Nasasaktan siya dahil umasa siya na ang meeting niya kay Ms. Wong ang makakapawi sa lungkot na nararamdaman niya ngunit dumagdag pa sa lungkot na nararamdaman niya ang pag cancelled ng meeting. Nagkataon lang ba ang lahat ng ito o sadyang may taong gusto siyang bumagsak?

Kung mayroon man ay isang tao lang ang alam niya na kayang gumawa nito sa kaniya ngunit ayaw niyang magbintang ng walang sapat na pruweba. Sa ngayon ay iisipin niyang nagkataon lang ang lahat ng ito.

Napatingin siya sa kaniyang cellphone ng umilaw ito. May tumatawag na unknown number. Sa una ay nagdadalawang-isip siya na sagutin ang tawag dahil baka wrong number lang ito o kaya scammer ngunit ng tumawag ulit ito ay kinuha niya na ang kaniyang cellphone sa iisiping baka emergency ito kaya sinagot niya ang tawag.

[“How are you, Carry? Do you like my surprise?”] Boses ng isang babae iyon.

Kilala siya nito at hindi niya alam ang surprise na sinasabi nito dahil wala siyang na tatanggap na regalo.

“Hello? Me I know who's speaking, please?” She formally said as she answer her phone.

[“Oh, come on, Carry... Tumawag lang ako para sabihin na nagsisimula na ang karma mo, kaya namnamin mo habang sariwa pa. Siguro naman makikilala mo na ako?”] Wala akong ka away maliban na lang sa babaeng nagpapainit ng dugo ko — Katya!

“Katya...”

Namuo ang galit sa loob ni Carry. Sinasabi niya na nga ba! Hindi siya basta-basta iiwan ng mga clients niya dahil maayos ang trabaho niya. Sigurado siya na kagagawan iyon ni Katya, hindi nga siya nagkamali!

“Hindi mo ba kayang makipaglaban ng patas? Katya, ano ba talaga ang gusto mong mangyari?”

[“Mawala ka sa landas ko. Sagabal ka sa lahat ng plano ko, masyado ka ng namimihasa sa pagiging buhay reyna.”]

Marriage To Mr CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon