It’s so hot outside. Nandito ako sa Starbucks ngayon, enjoying my ME TIME, iniintay ang order kong frappe. Tinapos ko na kanina ang pag-respond sa mga email. Tapos na rin naman ang case na hawak ko, nanalo as always.
“Attorney Blitarez! Here’s your order, Attorney!” The barista smiled at me as she gave me my order. Kilala na rin ako ng staffs dito, halos araw-araw ako umo-order bago pumasok sa firm.
Maya-maya ay nag-video call si Eyni, my best friend. “Hi, Mori ko!” She’s always the loudest. “I’m in public, Aveighnie Clymir. You should call me Attorney Blitarez.” Pang-aasar ko sa kan’ya. “Arte mo!” We both laughed.
“By the way, uuwi ka this Christmas?” Eyni asked. “Yes, pinapauwi ako ni mama.” I said. “Oh, ayos! Manifesting bonding ng Homies! Miss ko na sila!”
Homies homies homies, our circle since high school. My home. Kumusta na kaya siya? I mean... sila!
“Ako rin! Can’t wait to spend time with them!”
“Baka ‘yung isa lang miss mo du’n!”
“Akala ko interested ka lang sa mga bato, bakit kasing tigas ng bato ‘yang kawalanghiyaan ng face mo, sis?”
“Uy, grabe s'ya! Not so professional, ha!”
We laughed. Nag-usap lang kami about our past days at pinatay na rin namin ang call.
Lumabas na ako sa Starbucks dahil may kukunin pa akong papers sa firm bago ako umuwi sa condo. Medyo madilim na nang lumabas ako. Malapit lang naman ang Starbucks sa firm.
Sinalubong ako ng bati ng guard. “Good afternoon po, Attorney!” I smiled and greeted him as well.
Didiretso na sana ako sa office nang tawagin ako ng isa sa close kong colleague.
“Attorney Blitarez! Buti nakita kita!”
“Ha? Why, Attorney Leño?”
“Dinner tayo, treat ko! Papunta kami sa Japan, birthday gift ko sa kapatid ko. Baka ma-miss mo ako eh!”
“As in now na?”
“Yes, Attorney! Baka magbago pa isip ko. Just kidding, pauwi na rin kasi ako.”
“Let’s go then...”
Ngumiti s’ya nang nakakainis at tsaka lumabas na ulit kami ng firm para kumain sa isang restaurant. Pagdating namin doon ay inassist kami ng crew at dinala sa table for two, kinuha na rin nito ang order namin. Pasta at Steak ang inorder namin.
Pagdating ng order ay bumulong ako kay Sharyne, si Attorney Leño, dahil ngayon ko lang din naalala.
“Sister, bakit ‘di ka na lang nag-message sa ‘kin kanina para rito na lang sana ako dumiretso? Galing lang naman akong Starbucks kanina.”
“Tinawagan kita, nag-message ako sa ‘yo, huy! Sabi ko naka-silent at do not disturb ka siguro kaya hinanap na lang kita!”
“Ano ka ba eh kapag nasa loob ng court lang ako nagsa-silent ng phone!”
Gago! Teka, nasaan ang phone ko?
“Bakit ‘di ka nagre-respond?”
“‘Yung phone ko!”
“‘Yung phone mo ay? May lawyer palang gan’yan!”
“I think I misplaced my phone!”
“Let’s just finish this and go find your phone!”
How dare she laugh! Nawawala na nga ang phone ko! Binilisan ko na ang pagkain para balikan ang phone ko, baka nasa Starbucks ko ‘yun naiwan.
Nagbayad si Sharyne ng bill namin at lumabas na kami.
“I’m sorry, Mori! ‘Di na kita masasamahan maghanap ng phone mo, I promised my sibling to go shopping before our flight...”
“It’s okay, ano ka ba! Go na, ingat!”
“Ingat din, sister! Balita na lang sa phone mo, ha!”
Epal na lawyer ‘to oh! Naglakad na ako papunta sa Starbucks, may papers pa akong kukuhain sa office ko! Ano ba ‘yan!
Pagpasok ko sa Starbucks ay dumiretso agad ako sa counter.
“Hi, miss... I think nakalimutan ko rito ‘yung phone ko...”
“Ah, Attorney Blitarez po, right?”
“Yep...” I smiled with embarrassment!
“Doctor Firro Raceria found your phone po sa table n’yo kanina. I saw the lock screen and I recognized it was you. Sabi po n’ya, s’ya na lang magsasauli sa inyo... Hindi pa po ata siya nakakaalis...”
Nilibot ng barista ang mata niya.
“Ayun po! Sa table n’yo kanina...”
Lumingos ako sa direksiyon at nakita si Iro, I mean, Doctor Raceria. Mag-isa lang siya at nakatutok sa laptop.
“Thank you, miss!” Ngumiti ako sa kaniya at ganoon din siya.
Naglakad ako papunta kay Doctor Raceria.
Kinakabahan ako. Matagal na nu’ng huli kaming nag-usap. Kitang-kita sa kaniya na successful siya. I’m proud for him, as his “friend”.
“Uhmm... Good evening, Doctor Raceria...”
“Hey, Attorney Blitarez...” Tumayo siya sa kinauupuan at humarap sa akin.
“I just want to get my phone...” I smiled awkwardly.
“Oh, here!” Iniabot niya ang phone ko.
“Have a seat first...” Dagdag niya.
“No, sorry... I have to go, nagmamadali na rin kasi ako...”
“Alright... It’s been a while. Great to see you, Attorney Blitarez...”
“Nice to see you, Doctor Raceria. I need to go now, thank you...”
Ngumiti lang kami sa isa’t isa at naglakad na ako palabas, dala na ang phone ko.
Bakit kinakabahan pa rin ako? Matagal na ‘yun, Mori! Past is past!
YOU ARE READING
Kundiman
Teen FictionMori and Iro are bestfriends since high school, they are in a same circle. As they spend time together, they both develop feelings for each other. Their friends supported them about their feelings. But when the two of them needs to enter different w...