Nakita ko siyang nagbabasa ng dyaryo 'nung pumasok ako sa malaking classroom na 'yun na kayang umampon ng 225 na bilang ng mga estudyante. Alam ko, Pinoy siya.
Naglakas loob akong tumabi sa kanya dahil puro mga banyaga ang mga kaklase namin, at kaming dalawa lang ang sa tingin ko ay Pinoy sa klase na 'yun. Sabi ko sa kanya, "Hello po Kuya! Kamusta?" na may kasamang malaking ngiti at pang-Miss Universe na kaway. Tumingin siya sa akin ng mga tatlong segundo. Tapos tinupi na niya 'yung dyaryo at nilagay sa bag niya pagpasok ng prof sa classroom. Cute sana siya kaso, mukhang supladong adik. Inisip ko na lang, baka nga hindi siya Pinoy, mukha lang.
Nagsimula ang klase. Rock 'and roll lang 'yung prof. Matandang medyo kuba at kulot-kulot ang maikli niyang buhok. Infairness, naenjoy ko ang klase niya. Nagjoke lang ata siya ng nagjoke hanggang sa matapos ang klase. Tinignan ko lang 'yung katabi kong inakala kong Pinoy, hindi siya tumatawa. Nakatingin lang siya sa prof na wala man lang karea-reaksyon ang mukha. Inisip ko na lang, baka siguro hindi niya nagets 'yung mga jokes kasi English.
Uwian. Lumabas na lang siya bigla ng classroom. Pero malakas talaga ang kutob ko na Pinoy siya, kasi 'di ba, mararamdaman mo naman 'yun? Kaya naman sinundan ko siya at nakita ko dumiretso siya sa "The Bowl" na tinatawag nila, parang katumbas ng Sunken Garden sa UP-Diliman. Naupo siya sa ilalim ng malagong puno na katabi ng pine tree, inilagay ang headset niyang "beats", at muli.. nagbasa na naman ng dyaryo. Siguro nga hindi siya Pinoy, kutob ko lang. Inisip ko na lang na kung Pinoy 'yun, mamamansin naman siguro siya.
Hahayaan ko na lang sana, pero, hay! Pakiramdam ko talaga Pinoy siya eh. Tsk. Ang kulit ko naman. Pero kailangan ko ng kaibigan 'nu, ito ata ang unang pagkakataon na mag-aaral ako sa ibang bansa. Bad trip naman kung wala akong friends. Kaya ayun, umupo din ako at sumandal sa kabilang side ng puno na sinasandalan niya. Alam ko hindi niya napansin, syempre, alangan namang ipakita ko sa kanya. Mabuti na lang malaki 'yung katawan ng puno at hindi niya ako basta makikita sa kabilang side kahit medyo malusog ako. Naupo lang ako doon at nilanghap ang masarap na simoy ng hangin. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko 'nun. At isa pa, sa pagkakatanda ko, may 22 minutes pa bago dumating ang bus kaya ayos lang. Inisip ko na lang, namimiss ko lang siguro talaga 'yung mga kaklase ko sa Pilipinas kaya ganito na lang ako kadesperado magkaroon ng kaibigan na Pinoy.
Maya-maya, nag-ring ang cellphone niya.
"Hello?"
Sa isip-isip ko, sana.. sana.. mag-Tagalog siya.
"Yeah, I'll be there right away. Yeah, bye."
Tapos tumayo na siya agad at tumakbo papunta sa Marquis Hall, 'yung university library. Hindi nga siguro siya Pinoy. Ang galing ng English eh, parang Canadian na. Siguro taga ibang bansa sa Asia na dito na pinanganak at lumaki. Oo tama, baka nga Cambodian siya o Thai. Mga mukha kasi silang Pinoy eh. Inisip ko na lang, mukhang wala na ngang pag-asang magkaroon ako ng kaibigang Pinoy sa university na 'to. *buntong-hininga*
Pagkatakbo niya, pumunta agad ako sa pwesto niya dahil nakita ko hindi niya nadala 'yung dyaryo. Laking gulat ko lang na 'yung "Philippine Canadian Inquirer” 'yung binabasa niya, na obviously, pang mga Pinoy sa Canada na version ng "Philippine Inquirer". Pero mas nagulat ako 'nung may narinig akong nagsalita sa likod ko, ang sabi:
"Miss, kailangan ko 'yang dyaryo ko."
Straight ang pagkakatagalog niya, hindi pilit. Pero mukha pa rin siyang seryoso at walang reaksyon ang mukha.
Inisip ko na lang, ay mali.. wala pala akong naisip dahil sa pagkakatanda ko.. parang na-mental block ako 'nung mga panahon na 'yun.
--DOS--
BINABASA MO ANG
Inisip ko na Lang (Short Story-Complete)
Romance"Inisip ko na lang, minsan kasi hindi talaga dapat minamaliit ang sarili kahit sa tingin mo ikaw na ang pinaka-mukhang bakokang na nilalang sa mundo, kasi habang abala ka sa pang-iinsulto sa sarili mo, hindi mo alam.. may naghihintay na pala sa'yo...