Five.
There are times when I don't really want to go out of the school, even if I'm drained, marahil dahil kahit ibang environment 'to sa akin, dito ko pa rin nahahanap ang maayos na paghinga. Gano'n naman 'yon... may mga pagkakataon na mapapagod ka sa bagay na 'yon, ngunit ayon din ang magbibigay sa 'yo ng pahinga.
This place is an escape for someone like me who has a toxic environment in their house. Kung puwede nga na rito na ako tumira, gagawin ko. Besides, all of my duties were here. Nabubuhay naman ako rito. Isa pa, masiyadong mababait ang ibang kaklase ko. They were sharing their food with me.
"Mine Yukio's autograph! 250!"
I smirked when I heard the price for Eliezer's autograph. It just an autograph but their fans put a value on it. Pinagkakaguluhan ako dahil kumalat na may hawak akong autographs ng mga members ng Zeref. They were hesitant at first, but my classmate bought one and they confirmed it through scanning it. Sayang nga lang, dahil nagduda sila noong mababa pa ang presyo ko sa autographs nila kanina kaso tinopak ako, kaya nagpa-bid ako.
"Last price na 'yan. Okay na 'yon..." I said, looking at Yukio's autograph. Malinis ang kaniyang penmanship. Maganda rin ang pirma. It really says his personality.
I put it of inside of a small plastic. The customer handed me her payment. Sobrang laki ng kaniyang ngiti nang iaabot ko na sa kaniya 'yon.
"Legit nga..." she whispered while staring at it.
I understand why they doubt me at first. Sabi nila, bihira lang daw magpa-autograph ang Zeref, kaya nang malaman nila na mayroon nga ako, hindi sila naniwala noong una, kaya sabi nila ay reasonable daw kung tataasan ko ang presyo nito.
I gave the remaining autographs for free for those who purchased Zeref's autograph from me. Nakokonsensya na ako dahil masiyadong malaki ang kinita ko kahit na papel lang 'yon na may autograph ng Zeref.
"Hindi kayo nasasayangan sa perang ginagamit n'yo para sa kanila?"
Umarko ang kilay ng babae sa akin. "Bakit naman kami masasayangan?"
Right. Bakit sila masasayangan, kung hindi naman nila naiisip ang halaga ng isang pera? They aren't like me. Maganda ang buhay nila.
"May concert daw sila, ah? Pupunta kayo? Nakabili na kayo ng ticket?" wala sa wisyong tanong ko.
"Huh? May concert sila?! Kailan daw?!"
My forehead creased in confusion. Biglang umangat ang tingin ko sa kanila.
"Months from now daw... " mahina kong sagot, hindi sigurado sa aking sinasabi.
"Weh? Updated naman ako pero bakit hindi ko alam?! Saan mo nalaman, Paris?"
I bit my lower lip. Nagsisinungaling ba sa akin si Eliezer?
"Pero may rumor na magkakaroon nga raw sila ng concert kaso wala pang announcement kaya wala pang ticket-selling," wika ng isa sa kanila.
Namilog ang aking mga mata. Ibig sabihin... ako pa lang ang mayro'ng ticket?
"Are you sure? Dapat pala nag-iipon na ako!"
"Rumor lang naman 'yon. Knowing Zeref, baka hindi totoo 'yon."
Hindi na lamang ako nagsalita dahil kahit ako ay hindi rin sigurado tungkol doon.
Magmula noong nagsimula ang bagong semester, ramdam ko ang katamaran. May mga iilan kasi sa aming nga guro ang hindi nagtuturo. Naiinis ako dahil nadadamay ako. I can't sense their passion for teaching. They are those type of teachers who have a high standard when it comes to your works, but can't even teach her subject properly.
BINABASA MO ANG
Ocean of Fears (Panacea Series #2)
RomansaPanacea Series #2 Paris Franz Allende is the breadwinner of their family. Her parents died when they were young and ever since that day, she lived a sad life. Her heart is full of fears about life and that fear in her heart won't let her live peacef...