Kiel's Pov
Anong nangyari saakin? Bakit .. arghh di naman ako ganito!! Ganito ba talaga pag naiinlove? Sounds like a gay pero anong magagawa ko??
"Oh anak musta date?" Bungad na tanong ni Mama kapasok ko ng bahay
"Ayos lang.. Ay hindi date yun Ma pasyal lang!" Sabi ko at napangiti naman ako sa tuwing maaalala ko na kiniss niya ako
"Ano yan di pala date ha. Wagas makangiti" kulit talaga ng Mama ko! Parang si Ash lang!! Haha Ash naman? Bayaan na ngayon lang ako nainlove ng ganito. Kalalaki kong tao ang drama!
"Akyat muna po ako" tumango lang si Mama. Pumunta na ako sa room ko,tinago ko ang pictures namin.
"7:30 na pala" sabi ko at napangiti naman ako dahil tumatawag si Ash. Haha wag ko munang sagutin mag papamiss lang. Pumunta ako sa banyo para mag hilamos.. Pag labas ko tinignan ko ang cellphone ko
4miscall...
10 message...Bakit di mo sinasagot!!...
Uy natatakot ako!!
May mag nanakaw yata!!
"Oh shit!" Sabi ko tanga ko naman!! Tumakbo ako palabas hindi na ako nakapag paalam
Dialing...
Ashkulet"Hello" sabi ko bakit walang nag sasalita??
"Hello Ash!!!" Sabi ko habang tatakbo parin
"Pare wala yatang nakatira dito eh" sino yun??
"Pare alam ko may chix dito hahaha" oh shit di ko mapapatawad ang sarili ko pag may nanyaring masama sakanya
"Sniff..sniff" umiiyak ba ito?
"Ash kung naririnig mo ako mag tago ka papunta na ako" sabi ko,
Hindi ko parin pinapatay ang tawag hanggang makarating doon. Humanap ako ng magagamit na pamalo.. Pumasok ako..
"Yahh" sabay hampas ko sa isang lalaki
"Aba matapang ka ha!" Sabi ng lalaki
"Anong ginagawa nyo sa bahay ko!" Sabi ko para dina nila hanapin si Ash kung sakali
"Bahay mo? Haha nag papatawa kaba eh bakit puro babae ang naka display" sabi ng isa
"Girlfriend ko bakit" nakita ko si Ash na sumilip kaya sinamaan ko ng tingin..
"Witwit sexy ng gf mo ha" adik ata ito.. wait sila rin ang muntik makapatay kay Ash. Nakasilip parin si Ash kaya...
"Pag di kayo umalis dito tatawag ako ng pulis" sabi ko at na gets naman yata ni Ash. Nakipag suntukan ako. Aray ha!! One on two kaya yan! Patuloy kami sa pag susuntukan hanggang dumating si Ash
"Mamang tanod dalian nyo po" rinig kong sabi ni Ash mula sa labas. Saan dumaan yan?
"Lagot tayo pare!" Pumasok ang 3 tanod at hinuli ang mga mag nanakaw
"Kuya ikulong nyo yan ha sila din ang muntik pumatay saakin sa park" sabi ni Ash
"Kuya wag kang maniwala dyan" sabi ng isa
"Nakita lang naming bukas ang pinto para icheck kung may tao" sabi naman ng isa
"Kahit na trespassing yan" sabi ng tanod
"At mukha kayong naka drugs" isa pang tanod
"Kuya salamat po" sabi ko
"Sige mag ingat nalang kayo ha" umalis na ang mga tanod dala ang dalawang adik
BINABASA MO ANG
A Little Too Late
FanfictionHighest Rank: #10 "Everyone that we meet along the way they may not stay but they will leave you a lesson"