"Umakto ka na lang na parang 'di mo siya kilala. Mas mahihirapan ka kapag 'yang galit mo ang pinairal mo sa harapan niya." Makahulugang paalala ni Oheb sa kaibigan niyang si Kaiden na hindi mapakali na nagpabalik-balik na naglalakad sa harapan nilang tatlo nina Edward.
Napahinto si Kaiden at napahilot sa kanyang sentido. Ang mukha nito ay hindi maipinta at kahit anong oras ay sasabog siya sa galit pero pinipigilan niya ito dahil baka makarating sa head doctor. Matik na mapapahamak siya kapag gumawa siya ng gulo laban sa head doctor na kinamumuhian niya.
"Heb, paano ako kakalma? Seriously? Papakalmahin mo lang ako after kong malaman na makakasama ko ang taong 'yon sa isang operasyon? Nahihibang ka na ba?" Hindi maitago ang inis sa boses ni Kaiden na sumagot sa kanyang kaibigan.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Oheb, napatayp siya sa monoblock na kinauupuan at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang lab coat. "O sige, anong gagawin mo? Paprangkahin mo siya? Sasabihin mo lahat ng galit at inis mo sa kanya? Ganoon ba? Kaiden, kahit anong gawin mong pagtakas, dadaan at dadaan ka talaga sa mga kamay niya. Kaya kung ako sa'yo, umayos ka bago pa mawala lahat ng pinaghirapan mo."
Hinihiling ni Kaiden na kung gaano niya kadaling intindihin lahat ng paalala ni Oheb sa kanya ay ganoon rin ang pagpapatawad na kaya niyang gawin sa head doctor. Kung gaano kadali kay Oheb na sabihin na umakto siyang formal sa harapan nito ay hinihiling niyang ganoon din gawin ito. Pakiramdam ni Kaiden ay para siyang kandila na nauubos habang papalapit ang oras na makakasama na niya ang ginang sa isang operasyon na kailanman hindi niya inaasahan.
Nakisabat na rin si Edward sa usapan, nakakrus ang mga braso nito sa kanyang dibdib. Nakaupo siya sa harapan nina Oheb at Kaiden, katabi niya si Marco na noon ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang usapan.
"Makinig ka na lang kay Oheb, Kaiden. Wala namang mawawala kung lulunukin mo muna 'yong inis at galit mo sa kanya. Ngayon lang naman e, siguro naman kaya mong magtimpi, di ba?" Nagthumbs-up pa si Edward pero dinedma lamang siya ni Kaiden.
Padabog na naupo si Kaiden sa malapit na monoblock chair sa pwesto niya. Hindi maipinta ang kanyang mukha, salubong ang mga kilay nito't baluktot ang noo. Makikita sa mata nito ang inis at galit sa mapait na balitang nalaman at iyon ay ang makasama niya sa iisang operasyon ang babaeng iniiwasan niya.
Nagkatinginan sina Oheb at Edward dahil sa pagmamatigas ni Kaiden. Sinenyasan nila si Marco na tulungang kumbinsihin si Kaiden na umayos at huwag gawin ang binabalak nito. Parehas na inambangan ng suntok nina Oheb at Edward ito nang umayaw ito sa kanilang pakiusap. Sinabi nito na labas siya sa bagay na iyon kaya hindi siya mangingialam.
"Kaiden," napatingin sila sa bagong dating na si Dra. Mia, ang matalik nilang kaibigan sa ospital na 'yon. Tumayo si Marco para magbigay ng galang sa bagong dating na doktor. Binati nila si Dra. Mia maliban kay Kaiden na nakabusangot pa rin at malalim ang iniisip. Mukhang hindi niya narinig ang pagtawag ni Dr. Mia sa kanyang pangalan.
"Problemado siya, Dra." Bulong ni Oheb, sapat lamang na rinig iyon ng babae. Nakuha naman ng babae ang ibig-sabihin ni Oheb kaya linapitan niya si Kaiden. Inalok ni Marco si Dra. Mia ng upuan at doon siya naupo, saktong sa tapat mismo ni Kaiden.
"Uy! Ireschedule mo na 'yang pagmumukmok mo dyan. Maghanda ka na lang kaya para sa operasyon niyo bukas ni Head Doc. Pag ikaw nagkamali, sasabunin ka talaga sa tanungan non." Nagpakawala ng marahan na haplos si Dra. Mia sa balikat ni Kaiden dahilan para mapatingin ang binata rito.
Napasinghal si Kaiden at napailing ng bahagya, napansin rin ni Dra. Mia ang bahagyang paggalaw ng panga nito. "Asan ba 'yong papa mo? Bakit pinalitan ng ganon kabilis 'yong magpapractical sa'min?"
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...