The sky was dark and gloomy that anytime soon the rain would fall. The cold breeze makes it even more lonely and the silent sobs and cries made us realize that this day is indeed heartbreaking.
Sa sementeryo kung saan ililibing si Rayleigh ay nagsama-sama ang mga mahal sa buhay ni Riley at ibang kaibigan niya. Even my family came with me to pay respect to Riley's son.
"We pray for the soul of a little brave warrior Rayleigh as he comes back to the arms of our Lord Jesus Christ." The priest said and we all closed our eyes as he uttered a prayer for Rayleigh. Umakbay ako kay Riley nang mas lumakas ang hagulgol nito habang yakap yakap ang kabaong ni Rayleigh. Raim was standing beside her as he cried silently.
"Rayleigh, I'm sorry...sorry anak..." Paulit ulit na saad ni Riley. Sa mga nagdaang araw ay ni minsan ay hindi to umalis sa tabi ng kabaong ni Rayleigh. I know how much pain she feels right now and I want to be by her side no matter what. Comfort is what she needs most and I will give it to her.
"Riley..." I whispered and let her sit in a chair. Pinapaypayan naman siya ni Rosalie dahil hindi na siya makahinga sa sobrang pagiyak. Lalo pa tong humagulgol nang simulang ibaba ang kabaong ni Rayleigh sa lupa.
Nang matapos ang libing ay nanatili kaming nakaupo sa silya. Tahimik pa ding umiiyak si Riley ay inabutan ko naman siya ng tubig. Mom was comforting Riley too beside her.
"Kung nasaan man si Rayleigh ngayon, alam kong masaya na siya." Saad ni Riley at pinunasan ang luha niya, "I regret everything I did. Siguro kung hindi ko siya iniwan noon, hindi mangyayri to. He won't get sick and maybe if he did, I could've stayed beside him and taken care of him."
"Shh, wag mong sisihin ang sarili mo Riley. Lahat ng bagay ay nangyayari ng may dahilan. Maybe this is challenge to you and God wants you to be stronger." Saad ni mom pero umiling lang si Riley at muling umiyak.
"I think this is a punishment for me. Sa sobrang dami ng kasalanan ko noon, eto ang kabayaran."
"No, it's not your fault." I whispered and hugged her, "Everything has a reason, okay?"
"Condolence Riley." Singit ng mga kaibigan ni Riley at yumakap sa kanya, "Kaya mo to, girl. Ikaw pa. Alam namin na kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay mo malalagpasan mo to."
"Salamat." Ani Riley.
"Nandito lang kami palagi para sayo. Tawagan mo lang kami okay?" Ani Pamela at pinunasan ang mga luha ni Riley, "Just remember that we're here for you."
"Gaga. Inenglish mo lang yung sinabi mo." Saad ni Susie na kinatawa ni Riley. I smiled and caress Riley's hair. Iniwan ko naman siya saglit at nilapitan si Raim na nakatayo sa harap ng puntod ni Rayleigh.
"You had a great son." Saad ko at tumingin din sa puntod ni Rayleigh. Hindi naman sumagot si Raim, "I want to talk to you after this Raim. Tungkol kay Riley."
"I knew you'd say that." Sagot niya nang di ako tinitignan, "I'll tell you the place." Dagdag pa niya at lumakad palayo. Sinundan ko na lang to ng tingin at muling bumalik sa tabi ni Riley. Kasalukuyan naman siyang kinakausap nila Jupiter.
"Don't worry ate Riley, willing to donate sperm na raw si kuya Mico sayo." Pangungulit ni Jupiter, "Tigang na tigang na kaya yan. Puro si Jack and Cole lang kasama niyan sa limang taon."
"Gago." Sagot ko dito.
"What kuya? I'm just making ate Riley happy." Usal pa niya. Ngumiti naman si Riley sa kanya.
"Magsi-uwi na tayo." Singit ni mommy at hinila si Jupiter palayo samin. Natahimik naman kami ni Riley nang kami na lang dalawa ang nandito. Wala ni isang nagsasalita samin at ramdam ko na gustong umiyak ni Riley.
BINABASA MO ANG
TRADING INNOCENCE ✔️
Ficção GeralMontenegro Series 2nd Generation Book 3 Love can make you do anything. Even if it means trading your innocence. Original story by greeeeeen Published 2018