49 - Dead

3.1K 49 2
                                    

Chapter Forty-nine

Charity

Postponed lang muna ang preparations para sa kasal namin ni Shaun. Nakatulala lamang ako habang nakatitig sa kabaong na nasa aking harapan. Today is the last day that I'll be seeing him.. kasi bukas ay ililibing na siya.

I still can't believe it! Kailan ko pa lamang siya nakilala, kinuha siya agad! Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong makilala siya ng lubusan.

Napalingon ako sa lalaking biglang umakbay sakin. "Cha, kumain ka muna. Tanghali na, hindi ka daw nag-almusal kanina sabi ni Shaun," mahinahong sabi sakin ni Kuya David.

"Mamaya na, kuya. Hindi pa ako nagugutom," tugon ko. Humilig ako upang sumandal sa kanyang balikat. Hinayaan niya lang ako.

"Papa died in peace, Cha. Nakamit niya na yong matagal niyang pinakaaasam.. ang kapatawaran ninyo ni Tita Fatima," he said to me. "He has been battling with cancer for 10 years now, kaya tanggap ko ng darating ang araw na to. He deserves this rest."

"Bakit hindi mo sinabi sakin noon, kuya? Nagkaroon sana ako ng mas mahabang panahon para makasama siya," may bahid ng pagtatampo kong tanong sa kanya.

"Kasi ayaw niya. Sa katunayan, hindi niya na ginusto pang magpakilala sayo. Gusto niyang manatiling si Tito Edgar ang kilalanin mong ama hanggang sa huli. Sa laki daw kasi ng kasalanan niya sayo, sa inyo ng mama mo, hindi niya deserve na magpakilala pa sayo bilang biological father mo," malungkot niyang sagot. "Pero nalaman mo na eh. I had no choice but to tell you the truth, kasi naisip ko din na deserve mong malaman ang katotohanan. Papa was so excited when I told him that we will see you and your mother."

"Alam kong si Tita Fatima talaga ang tunay na minahal ni Papa," pagpapatuloy niya. "Napaka-strict at controlling kasi ng mama ko, kaya siguro nawala yong pagmamahal niya dito. Palagi itong galit kay Papa at kahit maliit na mga bagay ay pinagtatalunan nila. I grew up in that setup."

"Pero mali pa din na pinagtaksilan niya ang mama mo, at ginawa niyang kabet ang mama ko," sabi ko.

He nodded. "He was going to file for divorce with my mother when he found out that your mother was pregnant. Pero tinakot siya ni mama na may mangyayaring masama sa inyo kapag hiniwalayan niya ito. Papa chose your safety. Since then, he became an alcoholic. Walang araw na hindi siya nag-iinom. Natauhan lang siya noong namatay si mama dahil sa sakit sa puso at naiwan ako sa pangangalaga niya."

"Atleast kahit hindi siya naging ama sakin, naging mabuti siyang ama sayo. Lumaki kang isang mabuting tao, kuya," I said that without a hint of bitterness. That's true. Hindi naman kasi ako kinulang sa pagmamahal ng isang ama. Kahit maagang namatay si Papa Edgar, binusog niya ako sa pagmamahal at kalinga ng isang ama.

"Nang mamatay si mama, mayroon na siyang pagkakataon upang magpakilala sayo. Pero hindi niya ginawa. Masaya ka na daw kasi, kayo ni Tita Fatima, sa piling ni Tito Edgar. Hindi niya na ginusto pang guluhin ang masayang pamilya ninyo," he said. "Noong namatay naman si Tito Edgar, doon niya nalamang may stage 2 liver cancer siya."

My forehead knotted. "Stage 2? Kaya pang gamutin yon ah!"

He smiled a little. "Yes, but he chose not to. Naisip niya kasing yon daw ang parusa sa kanya sa mga kasalanan niya sa inyo. Malala na yong sakit niya ng ma-convince ko siyang mag-chemo.. na itinigil din niya kasi hindi na daw kakayanin ng kanyang katawan."

Tama yong hinala ko, hindi sila pumunta sa abroad upang umattend ng business conference. I remembered the day I went to their house after our meeting with the wedding coordinator..

"Cha!" napanganga at nanlaki ang mga mata ni Kuya David ng makita akong nakaupo sa sofa sa receiving area ng mansiyon nila.

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon