Perspektibo ni Jonathan
___________Mahal kong kaibigan,
Pag nabasa mo ito ay malamang patay na ako. Ang magiging laman ng kasulatang ito ay ang bahagi na hindi ko nasabi sayo sa ating huling pag-uusap.
Ang bahagi na hindi ko kayang sabihin sayo nang harapan...
Kaya minabuti ko na lang na isulat ito nang sa ganoon ay makapagbigay ako sayo ng mas wasto at detalyadong kasagutan sa kung paano nangyari ang lahat.
Ngunit bago yon, humihingi ako ng kapatawaran sayo sa mga nagawa ko—mula pa noong pagkabata hanggang ngayon. Siguro naman ay nabanggit ko na sayo kung saan tayo nagmula at paano tayo nakarating dito. Walang araw o gabi na hindi ako nagsisi sa lahat ng ginawa ko, kaya sana ay mapapatawad mo pa ako.
Nagsimula ang lahat noong June 9, 2018, 3:15 ng hapon, dalawang buwan bago mawala si Teresita...
Kakaalis ko lang ng opisina matapos ang isang nakakapagod at produktibong araw. Kahit na ganoon ay mapayapa naman ang araw para sa akin. Walang hassle sa trabaho at napaaga ang pag-uwi ko dahil agad namang natapos ang trabaho ko. Araw ng Biyernes kaya talagang makakapag-relax ako saglit, kahit ilang bote lang.
Pero pagtungtong ko palang sa parking lot ay nakaramdam agad ako ng hindi maganda. Yung tipong parang hindi ako mapakali sa 'di malamang dahilan.
Parang nararamdaman kong may mga nagmamasid o may sumusunod sa akin noong oras na yon—kahit na alam kong mag-isa lamang ako.
Dahil sa hindi ako mapakali ay nag-manman muna ako sa paligid para siguraduhing wala akong kasama, pero wala akong makitang ibang tao bukod sa mga empleyadong labas-masok sa opisina na may kalayuan naman sa parking lot.
Pilit kong iniisip na ako lamang mag-isa ngunit hindi ko matukoy kung ano ang nagpapagababag sa akin kaya dali-dali akong pumasok sa loob ng aking sasakyan at nilock ang mga pinto dahil hindi ko na gusto ang mga nararamdaman ko.
Hindi 'to maganda...
Agad kong inandar ang kotse para makaalis na ako dito ngunit hindi ito umaandar. Sumasabay na ang sobrang pagkainis sa mga kabog ng dibdib ko kaya pinupukpok ko na pati ang dashboard'.
"Bilisan mo na, tangina naman oh!" Sigaw ko pa habang pilit na inaandar ang makina.
Matapos ang ilang ulit ay napaandar ko rin ang kotse. Nakampante naman ako dahil dito. Sa wakas, makakaalis na ako. At least, yun ang inaakala ko...
Dahil kitang kita ko sa rear-view mirror na biglang may umangat na lalaki mula sa backseat.
"Putang--" Nabigla ako sa kanyang paglitaw ngunit natigilan ako agad noong itinutok niya sa akin ang kanyang baril.
"Shh, shh...wag kang gumalaw, diyan ka lang." Bulong niya pa sa akin na may halong pang-aasar.
"S--sino ka? Ano ang kailangan mo?!" Tanong ko pa habang nakatingin sa baril na tinututok niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Tajemnica / ThrillerSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...