-HIS.-
Halos walong oras kada araw, nagkikita tayo
Pero tatlumpong minuto lang kung kita'y makasama.
Kapag katabi kita sa klase minsan, seryoso ako, pero pag-uwian na at tayong dalawa nalang dahil sa pagsabay mo sakin pauwi, palabiro na ako.
Hindi ko alam kung bakit sa t'wing magkasama tayo na tayong dalawa lang kaya kong ilibre ka ng pamasahe, pero kapag may kasabay tayong iba na kaklase natin, ni mailibre o tabihan ka ay di ko na magawa, hindi ko alam kung bakit hindi ako nahihiyang tumawa ng malakas kapag nagkukwento ng kung anu-ano sakin kahit na pinagtitinginan na tayo ng iba, wala akong paki kung bigla mong hihigitin sa akin yung isang parte ng earphone para sabay tayong makinig sa musikang pinakikinggan ko, hindi ko alam kung bakit sa sandaling magkatinginan tayo sa loob ng jeep ay nagkakangitian nalang tayo ng walang dahilan.
Naaalala ko pa nung isang beses na hiniram mo yung isang parte ng earphone ko dahil nabobored ka na sa jeep sa sobrang traffic, ang tumutugtog non ay mga matatambol at maiingay na tugtog, sa paga-akala kong ayaw mo non ay nilipat ko, at laking gulat ko ng magalit ka at sinabing "HOY! Bakit mo nilipat?! Ang ganda na nung tugtog ee..!" hindi ko alam na ang nakikita kong makulit at may pagkabatang personality mo ay mahilig sa mga mauugong na tugtog "Mahilig ka rin sa mga ganyang klase ng tugtog?!" yan ang nasabi ko sa kanya ng may halong pagkamangha "Oo naman! Pierce the Veil, Sleeping With Sirens, Eyes Set to Kill, A Rocket to the Moon, Paramore, Yellowcard etc. etc... yan! Yan ang mga bandang gustong gusto ko ang musika, kaya pwede ba ibalik mo na don sa Caraphernelia yung tugtog" natuwa akong marinig na may pagkakapareho pala tayo kahit papano, alam kong mababaw, pero parang kahit ano basta may kinalaman sayo nagiging mababaw nalang ako ..
Kinabukasan, naabutan ko kayo ng mga kaklase natin na nakaupo sa harap ng classroom dahil sa hindi pa tapos ang klase nung bago sa atin. Tinabihan kita at isinalpak ko sa isang tenga mo yung earphone ko habang may tumutugtog kaya nagtaka ka sa ginawa ko at nagtanong ka "Oh bakit mo sakin binigay to?" habang nakaturo ka sa isang parte ng tenga mo kung saan nakakabit yung earphone "Wala, itatanong ko lang kasi kung narinig mo na ba yang version ng Gracenote ng When I Dream About You kaya ayan, pinaparinig ko sayo" sabi ko "Ah! Oo naman! Nakita ko to sa youtube ee. Ang astig nga ng version nila ee. Ganda!" nakangiti mong sabi sa akin, ang totoo niyan ay gusto ko lang na pakinggan mong mabuti bawat lirikong sinasambit sa kanta, dahil ang totoo niyan yan ang mga salitang gusto kong sabihin sayo, nahihiya akong diretsahin ka kaya kahit sa kanta man lang maipadama ko sayo. Nakaka-isang minuto na nating pinapakinggan yung kanta ng biglang nagsalita yung kaklase nating katabi mo na sinasabi nilang may gusto sakin "Ang daya naman! Ba't kayo nagshe-share sa earphone?" nakangusong sabi ng kaklase natin sa atin "Hala! Haha.. may nagseselos oh! Waah! Kunin mo na nga tong earphone mo, mamaya magalit yan sa akin" bulong mo sa akin habang inaabot mo sa akin pabalik yung isang earphone "Eh, ano naman? Hayaan mo siya, may gusto lang siya sa akin, di ko siya girlfriend kaya bat ka natatakot? Makinig ka na lang uli dyan" sabi ko sayo "Loko! Mahirap ng may nagagalit sayo noh! Ayoko ng ganon! Di mo nga siya girlfriend pero may nararamdaman sayo yung tao kaya nasasaktan yon malamang" Bulong mo pa ulit sa akin "Hindi ko na kasalanan yun, okay? Wala akong sinabing umasa siya, kusa niya yong ginagawa, kaya kung nasasaktan siya, hindi ko kasalanan yon, kasalanan niya yon, intindi?" sabi ko "Psh!" yan nalang ang naisagot mo sa akin at ibinalik mo sa tenga mo yung earphone "Alam niyo, ang cute niyong dalawa tignan. May bulungan pa kayong nalalaman hihi. Sweet! :P" sabi nung kaklase namin "Psh! Akin na nga yan!" inagaw ko sa kanya yung earphone "magta-time na wag ka na makinig." Inis na sabi ko sayo "Hala ka! Ibinabalik ko na nga sayo kanina diba? Pero sabi mo hayaan ko sila at bumalik nalng ako sa pakikinig tapos ngayon bigla mong hihilain sa akin yung earphone at sasabihing wag na ako makinig ng tugtog. Hala sya! Weird ah.. Tss!" singhal niya sa akin. Natakot lang ako na baka mapansin nilang iba ang trato ko sayo. Natatakot akong mas una pa nilang malaman 'ito' kesa sayo. Natatakot ako na baka pag nalaman mo 'ito' ay yon din ang ikaguguho ng mundo ko. Natatakot lang naman ako na baka may magbago, pangit na pagbabago, kaya sana h'wag muna ngayon, sakana na kapag handang-handa na ako.
BINABASA MO ANG
Musikang Tulay (One Shot)
Teen Fiction"Musika ang naging tulay ko para masabi ko ang nararamdaman ko para sayo"