X - I wanna be friends with you.

2K 25 0
                                    

Selena

Pagkauwi ko ng bahay ay nagpahinga lang ako.


Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko para kumita ng pera.


Wala pa rin kasi akong stocks ng pagkain. Bumibili lang ako ng lutong ulam gamit ang perang inipon ko.


Hayy, dapat makahanap na ako ng pagkakakitaan as soon as possible. Ano naman kaya ang pwede?


Naisip ko kasi na hindi ako pwedeng magtrabaho dahil hindi ko kakayanin.


Masyado na akong maraming pinagkakaabalahan sa pag-aaral ko. Baka hindi ko na sila mapagsabay.


Tinignan ko yung wallet ko, kakaunti na lang ang laman nito. Hindi pa kasi nagpapadala si Mama kaya pagkakasyahin ko muna 'tong ipon ko.


Itatabi ko na sana yung wallet ko pero may nakita akong papel na nakaipit dun.


Naalala ko sila Tracy & Tiffany. This is their phone numbers.


I have decided to take their offer. I want to give it a try. Who knows baka makatulong din saakin ito at maging masaya pa ako.


I reached my phone and tinype ko yung number ni Tiffany.


Ilang ring lang at sinagot na niya agad yung call.


"Hello, Tiffany here. Who's this?" Sabi ni Tiffany. Sobrang ingay. Siguro nasa bar siya or something.


"Hi, Tiffany! It's me, Selena."


"Oh! Hi, Selena!" Halata sa tono ng boses niya na nagulat siya. "Have you decided?"


"Ah, yes."


"So, what is it?" Ngayon ay tahimik na sa pwesto ni Tiffany. Siguro ay lumabas na siya sa bar o kung nasaan man siya.


"Hey, Selena! Hello!" Sabi ni Tracy. Magkasama pala sila.


"Hi, Tracy. So uhmm, i want to take your offer."


"Really?!" Sabay na sabi ni Tracy at Tiffany. Mukhang nagulat and at the same time ay natuwa sila sa narinig nila mula sakin.


"Yes! I wanna be friends with you."


Then hindi ko na maintindiham ang sinasabi nila Tracy at Tiffany dahil sabay na silang nagsasalita.


"Oh my god! Thank you! You will never regret this!"


"No. Ako dapat ang mag-thank you dahil sa offer niyo."


"Aww. There's no problem with that. We're here at 22 Club! Come join us!" So that explains kung bakit maingay sa pwesto nila. Nasa club pala sila.


"Uhm, no thanks. Hindi ako sanay sa club eh." Sabi ko dahil ayokong pumunta sa mga club o saan man na maraming tao. Pakiramdam ko ay hindi ako safe at hindi ako komportable.


"Ang KJ mo naman! Masaya dito!"


"Sorry tiffany pero hindi talaga e. Hindi kasi ako nagka-club."


Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon