Chapter 19: Confrontation

247 10 0
                                    

"Kaiden, kumalma ka nga, baka mamaya mas malala pa dyan ang abutin mo e." Matinding pagpupumigil ni Edward sa kanyang kaibigan na si Kaiden na nag-aapoy sa galit matapos makuha ang evaluation mula kay Dra. Katlyn.






Ang inaasahan ni Kaiden ay maganda ang resulta ng evaluation na matatanggap niya sa doktora dahil aminado naman siyang tama lahat ng ginawa niya sa operasyon nila kanina. Kamalas-malasan lamang na natrigger siya kaya pumalya ng konti sa dulo. Naging maayos naman para sa kanya 'yong operasyon, hindi siya nagkamali kaya malaking pagtataka niya kung bakit ganoon ang binigay na resulta ng evaluation nito.






Napatayo si Kaiden sa pagkakaupo, padabog niyang inalis ang kamay ni Oheb sa balikat nito dahil sinusubukan siya nitong pakalmahin. Maski sina Oheb ay hindi inaasahan na ganoon ang makikita nila sa evaluation nito.






"Tangina! Ako, kakalma? Pocha, pre, binagsak ako sa evaluation ko oh. Dapat ba akong kumalma sa ganito?" Galit na galit na tugon ni Kaiden habang hawak-hawak 'yong evaluation result na binigay ng staff kanina sa kaniya. Halos magunaw ang mundo ni Kaiden pagkakita sa resulta non.






Muling nagsalita si Edward pero sa malumanay na tinig, ayaw niyang sabayan ang init ng ulo ni Kaiden. "Baka naman kasi may ginawa kang hindi niya nagustuhan kaya ganyan. Baka mali 'yong procedure na ginawa mo sa pag-oopera o natrigger ka. Matik, ekis ka kapag ganun, Dok."






Napasuklay si Kaiden sa kanyang buhok habang 'yong isang kamay niya ay nakahawak sa kanyang beywang. Makikita sa mukha niya ang maintinding pagkadismaya. Iyong inis niya sa pagpapahiya ng doktora sa kaniya ay nadagdagan dahil sa resulta ng evaluation nito. Para kay Kaiden, wala siyang makita na posibleng dahilan para ibagsak siya ng ganoon. Aminado siyang natrigger siya sa dulo pero nakaya naman niyang gawin ng tama ang kaniyang trabaho. Kaya naman malaking pagtataka sa kaniya kung bakit ganoon ang kinalabasan lahat ng pinaghirapan niya.







"Natrigger man ako o namali, hindi na 'yon importante, naisalba ko 'yong pasyente e." Depensa ni Kaiden at napahilot sa kanyang sentido. Pagkatapos ay naglakad siya pabalik-balik sa harapan ng kanyang mga kaibigan.






Napailing si Oheb at natawa ng mapakla dahil sa sinabi ni Kaiden. "Dok, tandaan mo, may rules tayong sinusunod sa ospital na 'to. Huwag mong balewalahin ang mga ganoong bagay katulad ng natrigger during operation o namali ng ginawang procedure. Nakasalalay sa atin 'yong buhay ng tao, kaya hangga't maaari, sa mga oras na sinasalba natin sila, kalimutan natin lahat ng mga personal issues natin."






Aware si Kaiden sa mga  rules ng ospital lalo na at hindi basta-basta ang trabaho nila bilang mga doktor. Maraming tao ang umaasa sa kanila. Nakasalalay sa kanila ang buhay ng kanilang pasyente. Pero kahit saang anggulo niya tignan, alam ni Kaiden na walang mali sa kanyang performance kanina. Ang mahalaga sa kanya ay naisalba niya pasyente at nairaos niya ng maayos ang operasron.






"Wala akong pakialam, Oheb." Nag-aapoy sa galit na tugon ni Kaiden at tumaas na rin ang boses nito. Kaya walang nagawa sina Oheb kundi ang mapakamot sa kanilang mga ulo't mapabuntong-hininga ng malalim. "Hindi ako papayag na kung kailan unti-unti na akong umaangat, doon pa niya ako ibababa."





Walang pasabi na lumabas si Kaiden sa kwartong kinaroroonan nila. Pabagsak niyang isinarado ang pintuan, nagpapahiwatig non na galit na galit siya't hindi tanggap ang naging resulta ng evaluation ni Dra. Katyln sa kanya. Mas uunahin niyang intindihin ang kapakanan ng kanyang residency kaysa sa personal issue niya sa doktora.





"Dra. Garcia." Pagtawag nito sa doktora na papasok sana sa may elevator papuntang 3rd floor ng ospital. Liningon siya ng ginang at laking pagtataka nito nang makita ang hindi maipintang mukha ni Kaiden. Napansin rin nito ang kakaibang boses nang tawagin siya nito.






HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon