Chapter 27

205 4 0
                                    

Pagnanasa



"Ang ganda ganda mo!" sabi ni Crissel sa akin at inirapan ko lamang siya. Mas lalo kasing nakita ang ganda ko dahil dati natatakpan ng buhok ko yung mukha ko nuon.

Mas lalo pa ngang bumagay sa akin ang short hair ko, parang ganuon sa ibang mga korean na mga babae na short hair. Tapos 'yung Shen Yue raw. Sinearch pa nga ni Crissel at ipinakita sa akin pero hindi ko talaga kilala kung sino 'yon.

Kaya sa huli ay hindi na siya nangulit.

"Ang ganda mo nga! Ayaw mo kasing maniwala eh! Pati nga nag gupit sayong pinsan ko, gusto ka raw at ilalakad ko raw siya sa'yo, eh!"

"Wala pa sa isip ko 'yan, Crissel!"

May itsura naman ang pinsan niya pero syemre nadala na ako, hindi ko na uulitin 'yon. Hinding hindi na ako magpagago ulit. Kaagad kong kinunot ang kilay ko nang makitang malamlam na nakatingin si Crissel sa akin.

"Hindi ka pa ba nakakamove on?" tanong nito sa akin. "Sa bagay, mayaman, lawyer, pogi at masarap nga naman ang gusto mo."

Ginuguilt trip pa yata ako. Bwiset.

"Hindi sa ganon."

"Sa ganon 'yon. Bakit, hindi ba masarap si Sir Augustus?... katawan palang 'yun, paano pa kaya kapag nasa kama na. Masarap ba?"

Hindi ako nagsalita nang sabihin niya 'yon sa akin at tinuloy ko nalang ang pag aayos ng prutas sa lamesa para matinda na.

"Huy! Sagutin mo naman akong bruha ka!"

Ngumuso lamang ako at inirapan lamang siya.

"Nakita ko kasi ang suot niyang polo, nakabakat parin duon ang abs niya kahit natatakpan. Tapos yung ano niya, malaki ba?"

"Crissel!!" bawal ko.

Hindi ko sasabihin na malaki nga dahil baka bwisitin na naman niya ako kaya sa huli ay hindi na naman ako nagsalita ulit.

"Tinatanong ko lang! Curious lang naman ako eh, tyaka hindi naman talaga mahirap magustuhan ang lalaking 'yon. Pogi eh, tyaka mabango na lawyer at mayaman pa nga!"

"Dati naman 'yon!"

"Eh ngayon? Kung ayaw mo, edi sa akin nalang!"

"Sayong sayo!"

Nang maayos na lahat ng pares ng mga prutas ay tyaka kami nagtinda. Ngumingiti ako sa mga nagdadaan at napapansin naman talaga nila ako at minsan kahit hindi talaga bibili ay tumitingin pa sa akin.

"Prutas po?" tanong ko sa lalaking kanina pa nakatingin sa akin.

Siniko ako ni Crissel at sinenyasan na huwag siyang kausapin. May ibinulong pa, siya raw 'yung manyakis dito sa bayan.

Pero wala naman akong ibang suot kung hindi mahaba ang manggas at pantalon. Wala nang ibang makikita sa katawan ko. Naiilang akong ngumiti sa kaniya at ilipat ang tingins sa aking dibdib. Napatakip ako ng aking bandang dibdib habang naiilang na nag iwas ng tingin.

"Hoy! Umalis ka nga rito kung hindi ka bibili! May asawa na 'to, huwag kang makatingin na parang manyakis diyan!" sigaw ni Crissel dito.

"Bibili ako," saad pa nito.

Nakaramdam ako ng kaba nang lumapit pa ito sa amin at tyaka naman ako umalis duon sa tapat niya. Habang palapit kasi nang palapit nakatitig lang siya sa dibdib ko. Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib at napapansin kong lumalaki ito hindi na ito ang dibidib ko nuon.

The Culprit (De Viola #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon