Chapter 1

1 0 0
                                    

Jen's POV:

No sweat, no sweet... Kaya heto ako, pawis na pawis kakapulot at kakawalis ng basura dito sa highway kung saan ako naka.assigned. kailangan ko tong gawin para makaipon ako at makapagpatuloy sa pag-aaral.. Konting tiis na lang naman din, malapit na akong gumraduate ng kolehiyo.. Sanay na naman ako sa ganito eh kasi every summer akong nag-aapply ng part-time job sa munisipyo.. Ayy! Jusmiyo marimar! Naalimpungatan ako mula sa malalim na pag-iisip ng biglang bumusina ng pagkalakas-lakas ang isang ten-wheeler truck. Bastos talaga! Muntik na akong himatayin.. At... At muntik na rin pala akong mapatay dahil ngayon ko lang napansin na nasa kalagitnaan na pala ako ng daan.. What a pokemon! Antanga lang. Tss.. Muntik na ako dun ah. Wew!

Anyway, san na ba tayo? Uhhmm, so yun nga, kailangan kong kumayod dahil wala na po akong parents, nasa ibang planeta na ata.. Lumaki po ako sa isang orphanage, though may umampon sa'kin pero tinakasan ko lang din naman kasi pinapakain nga ako ng marami sa gabi pero ginagawa naman akong pulubi sa araw.. Walang kwenta talaga.. Pinapalimos ba naman ako sa palengke. Jusme! Di ko ma-take ang ganon klaseng buhay noh? Tinuruan kaya ako ni mother Teresa ng good moral conduct nung nasa bahay-ampunan pa ako. Sa kanya ko nga nakuha yung mga katagang 'no sweat, no sweet' eh.. Si mother Teresa lang naman ang butihin kong mader maderan sa bahay-ampunan. Mabait sya, sobra! Ang dami mong matututunang aral sa kanya.. Hayy.. Namimiss ko na naman tuloy sya.. Tss! Next time na naman ako magkweto oyy.. Nakakaiyak na eh.. Ang hirap kaya ng ganitong buhay kung alam nyo lang.. Try nyo pah!

Hoy jen! Wala ka pa bang plano umuwi? 5pm na po, mag-time out na tayo. Tara! -yan po si Jireh, ang dakilang bestfriend ko. Laki ng utang na loob ko dyan. Sa kanya po kasi ako nakikituloy mula nung nilayasan ko yung umampon sakin na saksakan ng kadiliman. Bagay sa kanya pangalan nya kasi ibig sabihin daw ng Jireh ay 'provider'. Nice noh? Hehehe.

Hoy! Ano bang nginingiti mo dyang babae ka ha? Bahala ka nga kung ayaw mo pang umalis dyan, baka gusto mong padalhan pa kita ng unan at kumot, mukha kasing gusto mo nang dyan tumira eh! -hayy, si Jireh talaga, pikon. Tss.

Hehehe. Heto na nga! Susunod na poh! Ganda mo kasi eh, sarap mong titigan! Hahahah. -asar ko. Totoo naman kasing maganda sya. Hehe!

Eh kung ipasok kaya kita dyan sa basurahan? Haggard-haggard na nga ng beauties natin, nag-jojoke ka pa ng ganyan. Nakaka-conscious tuloy. Hayy.. -hahaha! Kita nyo nah! Loka talaga to minsan si Jireh eh.. Hehe.

Hahahaha! -ito na lang ang ginawa kong response. Mukha kasing pagod na pagod tong buddy ko eh. Hindi naman kasi sya sanay sa ganitong trabaho eh, sadyang makulit lang talaga sya at walang magawa sa buhay kaya mas ginustong samahan ako sa trabahong to kahit hindi nya naman kailangan ng pera. I really admire her. Hehehe.. Oyy! Hindi ko gusto yang iniisip nyo ha. Hindi po ako tibo. Babae po ako. Sadyang appreciative lang po ako. Hehehe..

---
Hayy! Room sweet room! -si Jireh sabay higa sa malambot naming kama. Hehehe. Opo, tabi po kaming natutulog. Para na rin kasi akong in-adopt ng mommy at daddy nya, hindi nga lang legal kaya hindi kami magkaparehas ng apelyido, pero tinuturing naman nila akong part ng family kahit papano. Pero, hindi ako nagpapagastos sa kanila kaya ako nagpapakahirap sa pagtatrabaho, ayoko kasing makidagdag sa pasanin nila kahit gustong-gusto nilang gawin yon kasi nga nag-iisang anak lang naman si Jireh. Maganda naman sana kaso baka isipin ng iba oportunista ako at abusada, palamunin na nga ako in the very first place eh. Pero hindi naman nila ako kinekwentahan, mababait sila at mabubuting nilalang. Pero syempre, bilang suki ko sa kabutihan nila, ako ang nagprisintang taga-linis ng buong bahay, mula kisame hanggang sa labas ng gate nila.. Hindi naman din gaanong kalaki tong bahay nila eh.. Saktong-sakto lang sa isang pang-maliit na pamilya. May-kaya po sila. Kayaaaaa, okay lang. Kering-keri ng powers ko toh! Hehehe.

Matapos kong mag-linis ng katawan at mag-ayos ng sarili ay dali-dali akong pumunta ng kusina, nakagawian ko na rin kasing tumulong sa kasambahay nila sa pagluluto kaya marami na akong natutunang gawaing-bahay. Hehe. Yey! Palakpak naman dyan! ^_^

Yo! Buddy! Gising dyan! Kakain na po tayo. -sabay alog-alog ko kay Jireh. Hehehe. Mukhang pagod na pagod talaga sya. Nakatulog agad eh. Hindi man lang nagbihis.

*kusot-kusot mata* hmm? Anong oras na ba jen, di pa ba tayo malelate sa work? Hmmm.. -pft, hang kyut talaga ng babaeng to oh, antok na antok pa talaga sya at akala nya umaga nah. Pft.

Gabi pa poh. Maghahapunan pa lang naman tayo.. Eto naman masyado ka yatang excited sa work? Hmmm.. Mukhang I smell something fishy ahh.. -that's me teasing Jireh. Pft.

O.O h-huh? Anong pinagsasabi mo dyan? Kaw talaga! Baka marinig tayo ni daddy! Sabunutan kita dyan eh! -hahaha. Gagang toh, jinojoke ko lang naman aba't napabalikwas ng bangon at kaninang pipikit-pikit na mata eh ang laki-laki nah, parang nabigla lang. Nawala ang bakas na antok sa pagmumukha nya. Haha.. Ano ba yan.. Shunga talaga. Haha.

Hehe. Eto naman binibiro lang naman kita. Affected mats? Aray! -hinila nya lang naman ang buhok ko.. Tss! Lokang to, pasalamat sya maganda sya, may pagkasadista nga lang minsan.. Hehe. Pero okay lang, sanay na naman ako eh.

Mauna ka na ngang bumaba, daldal neto! Magsho-shower lang ako saglit. -Jireh

Hayy.. Buti naman naamoy mo rin sarili mo. Hehehe. Awwts! -ayan na naman ang sapak nya eh. Makababa na nga. Psh. Ansaket na eh.

xxxxxxxxxxx

Author's Note:

Whoa! Eto po muna sa ngayon. Hehe. Pasensya na poh kung medyo hindi maganda, uhmm, actually po, this is my first time to create a series story.. Medyo nag-aadjust pa poh. Hoping for your kind consideration. Hehehe. Teynkyu biri mats por yur preysyus taym. Hehe. Vote, comment and like po sa may gusto. Teynkyu po ulit! ^_^

Stone Loves RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon