Ayow!! Hello!! :)) Another one shot po, sana magustuhan nyo kahit parang revived lang po ito sa mga ibang stories!! :D Thank you po sa mag nagbasa, nagbabasa at babasa pa lang po!! :">
Btw, dedicated po ito kay @TomomieAying, request po eh! :))))
~~~~
Hi ako nga pala si Sophie, Sophie Alcantara. Isa lang akong normal na college student, isang normal na mamayang Pilipino na nabubuhay sa mundo!! Haha!! xD Dejoke! Pero isa lang talaga akong tao na nagsisikap mag-aral para maabot ko ang mga pangarap ko sa buhay.
May bestfriend ako, sya si Josh Vargas. Pero hindi sya kamag-anak ng artista ha? xD Mabait siya, kaya nga bestfriend ko eh! Close din sya sa pamilya ko, Mama at Papa na nga din ang tawag nya sa parents ko! Alam nyo elementary palang kami magbestfriends na kami, lagi nya nga akong pinoprotektahan at inaalagaan, kaya nga mas lalo akong napamahal sa kanya eh!
Oo, mahal ko siya bilang bestfriend pero sa tingin ko, may mas higit pa don ang nararamdaman ko. Siguro nga mahal ko na sya pero hindi ko kayang sabihin kasi baka lumayo siya sa akin, mag-iba yung tingin nya sa akin at higit sa lahat, takot akong mareject.
Alam nyo kung bakit?? Kasi maraming nanliligaw sa akin. Maganda daw kasi ako, matalino, mapagmahal at lahat na daw ng qualities bilang girlfriend nasa akin na! Pero alam nyo ba na kahit isa, wala akong nagustuhan sa kanila kasi nung time na yun, gusto ko na si Josh.
Nagdaan ang mga araw, linggo, buwan at taon ay mas nahuhulog pa ang loob ko sa kanya pero sa tingin ko wala naman siyang nararamdaman para sa akin na espesyal katulad ng nararamdaman ko para sa kanya. Siguro hanggang ganito nalang talaga ako, hahayaan ko nalang siya kahit pa mahirap at masakit sa akin, hindi ko nalang sasabihin sa kanya.
~~
Sophie's Pov
Nandito ako ngayon sa mall. Nagyaya kasi ang spoiled na BFF ko sa akin! xD Oo, spoiled sya pero sa akin lang. Sabi nya pasyal nalang daw muna kami kasi Saturday naman bukas at walang pasok, kaya ayun pumayag na din ako.
Naglibot-libot kami, tapos nilibre nya ako, nag-arcade kami at kung anu-ano pa! Sobrang enjoy ako dun!! :D Tapos nagyakag na ako pauwi, then hinatid nya na ako sa bahay namin.
" Best, salamat nga pala sa paghatid ha? Pati narin sa libre't lahat-lahat!! :)" sabi ko sa kanya.
"Wala yun! Basta para sa bestfriend ko!!" sabi nya sabay kurot sa magkabilang cheeks ko. Ouch ha?! xD
BINABASA MO ANG
Text (One-Shot Story)
Short StoryKwento ng dalawang mag-bestfriends. Ano kaya ang mangyayari kung pareho silang may lihim na pagmamahal na nararamdaman para sa isa't-isa na higit ba sa Bestfriends??