Bakit Tamad Maligo ang Kuya Ko?
All Rights Reserve
**************************
Hi. Ang pangalan ko po ay Annika Gonzalez Saturnina Latika Perez. Yan kinumpleto ko na para iwas coincidental. :D
Im 16 years old. At syempre maganda rin noh! XD
Pero wag nyong papansinin ang pangalan ko dahil hindi naman yan magagamit dito sa kwento ko. Sa kwento ni Kuya. Hihihi. May iki-kwento ako...
Meron kasi akong Kuya. Kaka graduate nya lang sa Highschool. At sa pasukan ay College na sya. Ngayon bakasyon pa. Si kuya kasi napakatamad maligo, mag toothbrush at kung anu-anu pang dapat linisin sa katawan. Napakatamad nya kaya ambantot bantot nya. Well hindi naman sa mabantot, amoy pawis lang sya. Di man lang yan gumagamit ng Perfume o kahit man lang sana maligo ayus na yun. Lagi syang nakaupo tapos kukunin ang cellphone at maglalaro ng Clash Of Clans.
"Hoy! Maligo ka na nga! Lagi ka na lang nakaupo dyan! Di ka man lang gumagala sa labas. Masinagan ka man lang ng araw. Lagi ka na lang dito sa bahay, nagkukulong." Yan palagi ang sigaw ni mama. Samantalang si Kuya parang walang naririnig. Patuloy lang sya sa pagkalikot sa Cellphone nya. Tapos kapag lowbat na ang cellphone, haharap na sya sa Laptop nya at magbabasa ng mga stories sa wattpad at sa pantasya.com daw. Ewan kung anu ang mga yun. Basta ang alam ko lang ay napakatamad nyang maligo.
Ang dugyut dugyut!
Sa pasko kaya regaluhan ko to ng Perfume
"Kuya ito sabon oh." Sabay abot ko sa kanya. Ngunit imbes na hawakan, ay tiningnan nya lang ito. Sabay umalis na sya. Problema kaya nito? Sungit sungit. May dalaw ata. -_-
Natapos na ang mahaba habang vacation at sa wakas pasukan na. Kinuha ni kuyang kurso ay Business Ad.
At makalipas ang limang buwan nya sa kolehiyo ay may himalang naganap.
Kabaliktaran na.
"Oh anak, bat lagi kang mabango? Kakabili mo palang ng aficionado last week ah, tapos humihingi ka na naman?"
"Oh anak, san ka galing? Di ba sabi ko sayo wag kang nag gagagala ? Dito ka lang sa bahay!"
"Oh anak, tama ng paligo! Ubos na ang tubig! Marami na tayong babayaran!"
"Ang gwapo mo lagi anak ah."
"Kakaorder ko palang ng deodorant nung nakaraan ah? Bat ambilis maubos anak?"
"Antataas ng mga grades mo ngayon anak ah. Dati nung highschool ka halos puro bagsak. Anung meron?"
"Anak bat tumatawa kang mag isa habang nagtitext?"
"Anak naman, pagpawisan ka lang ng konti nagbibihis ka kaagad? Nakakailang damit ka sa isang araw?"
"Palagi kang may lakad anak ah?"
"Annika! Asan ang kuya mo? Bat palaging wala!? Wala namang pasok ngayon ah."
"Anak naman, naubos mo na agad ang allowance mo? Dati ang tipid tipid mo ah!"
"Anak naman eh, tama ng harap dyan sa salamin. Kanina ka pa nag po-pose na parang hunks dyan eh."
"Anak naman..."
"Anak..."
"Anak!!!!!"
"Anok..."
"Onok..."
"Anak?"
"Sino sya?"
At agad, iniharap ni kuya sa amin ang kasama nyang napakaganda at napaka kinis nyang babae. May taste din pala tong kuya ko.
"Ma. Girlfriend ko po. Si Hannah."
*********************
At ayun naman pala eh. May Girlfriend na si Kuya. Kaya pala lagi na syang mabango at nag aayos sa sarili. Masasabi kong bumabango pala ang isang lalaki kapag meron na itong lovelife. Kaya pala ang sungit sungit nya noon sakin. Ngayon ay ambait bait na nya. Kaya pala sya noon di gaano masyadong nag aayos kasi wala pa syang lovelife.
Ngayon kayo na po mag isip kung ano ang nadiscover ko sa mga lalaki. :D
Hoy pero mark my word, Hindi po lahat may attitude na ganto!! Si kuya lang ata. Haha peace :D
That's all. :P
————
PS: Bakit nga pala sinabi ko yung Full name ko dito sa kwento? Para saken 'Wala lang'. Trip ko lang guys, para naman mapansin nyo ang beauty ko. Hahaha echoss.