Three years later..
"Mamaaa! Nakaw po ni kuya yong toy ko!"
Ang matinis na boses ng 3-year-old baby girl ko na si Ela o Maria Rafaela ay nag-echo sa loob ng kinaroroonan naming musuleo. Death anniversary kasi ngayon ng bioligical father kong si Papa Rafael kaya bumisita kami sa puntod nito.
"Noah! Paborito mo talagang tuksuhin yang kapatid mo," saway ko sa aking panganay na ngayon ay 7 years old na. Kaagad naman nitong ibinalik sa kapatid ang laruang bubbles na inagaw at itinakbo nito.
"Halika dito sa akin, apo. Tulungan mo nalang si mamita na mag-ayos ng mga pagkain dito sa table," aya ni mama kay Noah. Mabilis naman itong tumalima. Kapag kasi wala itong ginagawa ay palagi nitong napagdidiskitahang asarin at tuksuhin ang nakababatang kapatid.
I looked at my bouncing baby girl. Naglalaro na ito ng bubbles nito kaya napuno ng bula ang musuleo. She was literally bouncing kasi mataba ito at namumukol ang pisngi. She's so adorable. Kamukha parin ni Shaun, malakas talaga ang dugo ng mga Aldeguer. I named her after my biological father, kaya Rafaela ang pangalan nito.
"Hey, pamangkins! Nandito na ang pinakagwapo ninyong tito!" My children immediately ran to hug their Tito David. Kung napapansin ninyo, medyo corny na ang kapatid ko ngayon. Nagka-lovelife na kasi. After three years of being in a relationship, finally ay engaged na sila ni Chloe. Yes, si Chloe Pimentel na secretary niya at ex-girlfriend ng bestfriend ni Shaun.
After hugging Noah and Ela, kuya came to give me a kiss on the forehead. "Pinakagwapong tito ka diyan?! Eh ikaw lang naman ang nag-iisang tito nila!" pambabasag ko sa trip niya.
He just smiled naughtilly at me. "Sus, kunwari ka pa! Favorite brother mo nga ako eh!"
I rolled my eyes at him. "Natural! Wala naman akong ibang choice eh!"
He acted like he has been hit on the chest. "Ouch! Ganyan ka na ngayon, sis ha?! Para ka ng others!"
Napailing nalang ako sa kakulitan ni kuya. Nahawaan na siguro ito ng pagiging sinto-sinto ng asawa ko dahil palagi silang magkasama, parang silang dalawa na nga ang magkapatid eh.
"Hi, mahal!" Speaking of the devil! Shaun came to me and gave me a peck on the lips. Inutusan ko siya kaninang sunduin ang bestfriend ko sa bahay nito dahil nasa business conference daw abroad si Cholo at walang maghahatid dito.
"Oh, nasaan si Zari?" I asked him.
"Beeesss!" Nandito na pala! Humahangos itong lumapit sakin upang bumeso. "Hay naku, Charity! Napaka-walang modo talaga niyang asawa mo! Iniwan ba naman akong mag-isa dun sa kotse!"
I glared at Shaun. Itinaas naman nito ang dalawang kamay na parang magnanaka na nahuli sa akto. "Sabi mo kasi, sunduin lang. Hindi mo naman sinabing alalayan ko pa papunta dito." Nagtawanan sila ni kuya pagkatapos, at nag-high five pa! Mga loko-loko talaga.
Huminto sa pagtawa ang asawa ko ng bigyan ko siya ng isang makahulugang tingin.. sa guest room ka matutulog mamaya. "Sumbong kita kay Chloe, kuya, maligalig ka na naman!" baling ko naman sa kapatid.
"What is it?" Napaigtad si kuya ng makita ang girlfriend sa likod nito. "I heard my name?"
"Hi, bhe!" he greeted her. Kasama nito si Fr. Jordan. Iniwan din pala ang mga ito sa kotse ng magaling kong kapatid. Magkaugali na talaga sila ni Shaun!
"Magandang araw po, Father!" bati namin dito. He just nodded and gave us a faint smile. Inayos na nito ang mga gamit sa ginawa naming altar malapit sa puntod ni Papa Rafael. The mass started. It was very solemn. I still can't believe it, three years na palang wala si papa sa amin. Sana ay wala na itong nararamdamang sakit ngayon, sana ay payapa na ito saan man ito naroroon.
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETED
RomanceThe story of how young Charity dela Vega-Cruz fell inlove with her uncle, Shaun Ysmael dela Vega. WARNING❗: THIS STORY CONTAINS MATURE SCENES. Disclaimer: This is written in Taglish, or a mix of Tagalog and English. This is raw and unedited, so expe...