Nung Nasa Jeep Kami

52 3 1
                                    

"Hi Dainee. May katabi ka na ba?"

OMG. Totoo ba 'to?! Nananaginip ba 'ko? Kung oo, please lang wag nyo ko gigisingin. Moment ko na 'to eh. Parang awa nyo na. LOL. :DD Is this for real? Tinawag nya ba talaga 'ko? Actually, nagtatanong sya! Oh my.. Edward.. Edward Cullen ko, sa wakas dumating ka na. :DD

"Ah eh.. Ha?" Di ko alam isasagot ko. Tulaley ako!! :3

"May katabi ka na ba?" Sabay smile talaga Edward?! Lalo akong nahuhulog-hulog sayo-oo.. Haha!

"Wala. Pa. E-Edward." Gosh. Thank you Lord. Makakatabi at makakasabay ko siya pauwi. Hihihi.

Nasa jeep kami ngayon pauwi samin at obviously katabi ko si crush. First time!! Kilala nya pala 'ko? Kelan pa? Hihi. I love it. :DD

"Dainee, nakatitig ka nanaman sakin. Lalo ka maiinlove sakin nyan eh. Halika nga dito.."

Oh my gulay.. Edward ano ba 'to? Bakit ka ganyan? Anong nangyari sayo? Ahuhuhu. Ayokong umasa please..

"Ok ka lang ba? May sakit ka ba? May masakit ba sayo? Kumain ka na ba? Tubig gusto mo?" Dire-diretso kong tanong sakanya. Di ko talaga ma-imbibe ang mga nangyayari.

"I love you Dainee.. Ang sweet mo talaga."

I LOVE YOU??! Nawindang ako teh! Ano ba talagang nangyayari?? Hello?? Nagkataon lang na magkatabi tayo ngayon Edward! Walang ibig sabihin yun ok?! Kahit sabihin pa nating patay na patay ako sayo, pero tama na! :D Shocks. Hinawakan pa kamay ko! Anebe!!!

"I love you Dainee.." With matching eye contact at kiss pa sa kamay ko. HANAP! Over chansing na yan ah! Haha.

"Edward will you stop this please? Di ka nakakatuwa." Pakipot? No teh. Keme lang.

"What are you talking about? I'm dead serious here."

"Tigilan mo na 'to.  Ayokong umasa sa wala pwede ba? Oo mahal kita, oo gusto kita, pero para sabihin mo sakin ngayon yang mga bagay na yan? It's so impossible of you Edward! This isn't happening ok? This can't be."

"Pero Dainee, can't you see? Andito na 'ko. Di pa ba malinaw sayo 'to? Di pa ba nagsisink-in sayo gusto kong sabihin?"

"Will you shut up? I don't want this. Di mo 'ko kailangang kaawaan ok? You don't have to do this. You don't have to say these things just to suit me fine. Alam mo kung ano yung masakit? Yung alam ko sa sarili kong lahat ng 'to kasinungalingan lang. Lahat ng 'to napilitan ka lang. Tama na Edward. Let's end this here."

LET'S END THIS HERE. How I hate this line. Hanggang dito lang kasi 'to eh. Hanggang dito lang kami. Dito lang kami close. Dito nya lang ako kilala at dito nya lang ako mahal. Haay. Pangarap parin kita Edward Padilla. :(

Direk: "Ok CUT!! Very good Dainee. Edward practice your lines more. Oh sige na 10 minute break muna tayo.."

Yun oh. Scene lang pala yun ng play namin. Akala ko totoo na. :D Pero ok na 'ko dun. Dun man lang nasabi sakin ni Edward na mahal nya ko. Oh diba?? KILIG MUCH! Hahaha. 

Bye Edward sa play, hello Edward in the real world...

Nung Nasa Jeep KamiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon