Crush at First Sight

15 5 0
                                    

"Hayy! Tagal naman, gutom na ako." Bulong sa akin ni Ivy habang nakaupo kami at nanunuod ng clown show.

"Pareho lang tayong gutom na, pero nakahiya naman kung kakain na tayo at di pa tapos ang palabas." Bulong ko rin sa kanya habang nakamasid at baka may makarinig sa amin, nakakahiya naman baka pagkamalan pa kaming patay-gutom.

Nagtataka ka aba kung nasaan kami? Nandito lang naman kami sa birthday party ng best friend naming si Abby. Kakatapos lang ng klase naming ng imbitahan niya kami, wala na naman kaming gagawin kaya pumunta na kami.

Dalawa lang kami ni Ivy ang nakaupo sito sa table naming, dahi umalis muna si Abby at tumulong sa paghahanda ng pagkain.

"Oo na." nakasimangot na sabi niya.

Talaga tong babaeng to, kung di ko lang siya mahal kanina ko pa tong sinabunutan. Palibhasa, kakabreak lang nila ng boyfriend niyang si Raffy kaya palaging bad mood at sa pagkain tinuon ang kanyang atensyon.

At pagkatapos ng 123456789 years ayon kay Ivy, natapos na din ang palabas at kakantahan na nila ng happy birthday ang birthday girl at pagkatapos ay kainan na.

Pagkatapos nilang kantahan ay tumayo na kami ni Ivy at lumapit sa pila ng mga pagkain.

"Salamat at natapos din." Sabi ni Ivy habang naglalakad kami palapit sa pila ng mga pagkain.

"Nakakahiya ka, di ko alam kung bakit naging kaibigan kita." Sabi ko sa kanya

"Pasensya na gutom lang at alam ko namang mahal mo ako eh." Ivy na nagbelat pa

Isang ngiti na lang ang sinagot ko sa kanya.

Ako ang nasa unahan at nasa likodan ko naman si Ivy. Kumuha ako ng pinggan, kutsara at tinidor. Una kong kinuha ay kanin at sinunod ko mga alam. Yung feeling na ang daming pagpipilian na masasarap na pagkain kaya naman kinuha ko nalang lahat, minsan lang to noh. Haha

Sa huli nandoon ang desert na macaroni salad at softdrinks. Kukuha na sana ako ng macaroni salad kaso ubos na, pero sabi ng nagseserve ng pagkain kumuha ulit sa loob at hintayin ko raw saglit, kaya hinintay ko rin.

Kasama ko si Ivy na naghihinaty. May tinatanong siya sa akin ng may biglang magsalita sa harap namin.

"Miss heto na yung macaroni salad na hinihintay niyo." Sabi ng di pamilyar na boses ng lalaki.

Pag-angat ng tingin ko, parang nag slow motion at tumigil ang paligid ko at parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Ang una kong napansin ay ang napakaganda niyang ngiti, grabe ang puti ng ngipin at napaka gwapo at nahiya naman ang height ko sa kanya. Mukhang hulog ng langit at ipinadala para sa akin.

Naka v-neck shirt siya na kulay blue na sinamahan ng dark jeans at naka vans rubber shoes lang siya. Kahit ganun lang ang dala niya mas umaapaw pa rin ang ka-guwapuhan niya.

"Miss? Miss?" Napatalon ako nang may magsalitang gwapo sa harapan ko.

"Ahh?" Napanganga na lamang ako at kung hindi pa ako hinila ni Ivy ay nakatayo pa rin ako sa harap niya.

"Kaw bes ha, alam ko yang mga tingin na yan. Naku, mukhang tinamaan ka na ni kupido." Sabi ni Ivy sa akin pag-upo namin sa table namin.

Mukhang nawala lahat ng gutom na nararamdaman ko at parang busog na busog na ako sa mga ngiti pa lang niya.Naputol ang pagpapantasya ko nang biglang dumating si Abby.

"Mga bes, ok lang ba kayo kaninang wala ako?" Tanong ni Abby

"Ok na ok." Wala sa sarili kong sagot habang nakatingin pa rin kay Mr. Gwapo

"Oh anyare sa'yo bes? Para kang baliw, Naka ngiti mag-isa." Abby

"Hayy naku bes, tinamaan siya kay mamang pogi." Natatawang sabi ni Ivy

Pag-ibig Nga NamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon