Chapter 39 Promises

1 0 0
                                    

Chapter 39 Promises

One month later…

“Napakaganda mo naman, iha.” Tipid lang akong ngumiti sa baklang nag-ayos sa akin.  Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin at di makapaniwala sa ayos ko. I’m like a goddess of garden of Eden.

“Wow, sino ang napakagandang diyosa na ito?” napangiti ako sa sinabi ni Elisha na kumakain ng green apple. Ang ganda rin niya at bumagay sa maputi niyang kutis ang suot na green na gown.

“Ang weird mo magbuntis, green apple talaga? Hindi mangga?” natawa ako sa sinabi ni Kris. Eli is 5 weeks pregnant and as Kris’s said, Elisha’s craving is apple.

“Walang pakialamanan, kapag inggit pikit. FYI lang po karamihan ng buntis ay weird ang taste. Bitter ka lang dahil parang santo sa pagrespeto sa iyo iyang boyfriend mo kaya hindi ka mabubuntis ng maaga. Nagtataka nga ako bakit ganyan si Jason? Di ba kapag artista ay maraming karanasan sa sex? Baka naman may iba si Jason.” Natawa ako sa pairap na sabi ni Eli kaya inirapan din siya ni Kris, they are both my maid of honor dahil wala akong balak mamili sa kanila.

“Shut up, wala siyang babae dahil ako lang ang mahal nun. At isa pa ano ang kaiinggitan ko sa babaeng nabuntis ng di kasal?” nanlaki ang mata ni Eli sa sagot ni Kris.

“W-what?” sasagot pa sana si Kris nang pigilan ko sila, baka magsabutunan na sila.

“Tumahimik na kayo dahil kasal ko ngayon at baka magsabunutan pa kayo, sayang ang gown. Ayoko ng pangit na mga maid of honor na nagsabunutan.” Pareho silang ngumisi at humarap sa akin bago ako sabay na niyakap ng dalawa.

“We love you, Hera. You are the most beautiful princess bride.” Nakangiting sabi ni Elisha sa akin habang nakaharap kaming tatlo sa salamin.

“Thank you my beautiful pregnant bestfriend slash bestfriend.” Nakangiti kong sabi.

“Beautiful goddess.” Sabi naman ni Kris.

“Thank you my beautiful maid of honor bestfriend.” Sabi ko ulit kaya sabay sabay na kaming tatlo ang tumawa.

“Naiiyak ako, ako dapat una dahil buntis na ako pero dahil bestfriend kita sige ikaw muna, next month na lang kami ni Stephen para hindi ka umawat sa kasal namin dahil narealize mong mahal mo pala si Stephano.” Natawa ako sa sinabi ng baliw kong kaibigan.

“Silly bestfriend, of course kapag kinasal kayo ni Stephen ako na ang ang pinakamasayang bestfriend.” Nakangiti kong sabi.

“Hey, me too. I’ll be happy kung both of you have your own happy ending.” Napangiti kami sa sinabi ni Kris.

“Ikaw? Kailan kayo magpapakasal ni Jason?” tanong ni Elisha pero nagkibit balikat lang si Kris.

“Nah, busy pa kami pareho sa career namin. Maybe someday, darating din kami diyan. Hindi naman kami nagmamadali and we take it slow.” Nagtawanan na lang kaming tatlo at nagpatuloy sa biruan na pinangunahan ni Elisha. Para na kaming baliw na tatlo dahil kanina ay naluluha kami tapos ngayon naman ay tumatawa kami.

“Girls, baka masira ang make up niyo at maloloka ang beauty ko kapag pumangit kayo dahil baka tsombagin ako ng mga boylet niyo.” Natawa kami sa sinabi ng baklang make up artist namin bago ito lumabas. Nakita kong tumingin si Elisha sa phone niya.

“Let’s go at hinahanap ka na ng groom mo sabi ni Stephen at balak ka na raw puntahan dito.” Naiiling na lang ako sa sinabi ni Elisha.

Hindi ko siya masisisi dahil dalawang araw na kaming hindi nagkikita at tanging sa text na lang kami naguusap at sa tawag. Hindi siya sanay sa pamahiin sa Pilipinas kaya ganun na lang ang pagkabugnot niya ng sabihin ng mga kaibigan kong hindi kami pwedeng magkita at kailangan sa wedding na lang kami magkita.
Napangiti ako nang maalala ko na naman ang date namin sa Jeju Island at di ko akalain na magiging memorable ang unang punta ko sa Korea. Pagkauwi namin sa Pilipinas kasama ko siya at agad naming inasikaso ang kasal at sa tulong ng impluwensya ni kuya Mico ay napadali ang lahat.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon