Dedicated to Klarime20
Eonnie! Pangalawang dedication ko na to sayo! Haha! Keep on requesting! Ahaha! Lol. Hope you enjoy reading this story kahit na matagal akong magUD. :)) Pasensya na nga pala kasi ang tagal kong hindi nakapag UD. Mianhae.
Salamat! Komapsumnida!
--
Christine's pOv
"Anong ginagawa mo nung last saturday, Zy?" tanong ko sa kanya habang inaalagaan namin sila twins. HIndi na kasi ako makapigil eh. Kanina pa ako napapaisip.
"Huh? Eh diba sinabi ko na sayo? Na nakipag kita ako sa mga long lost friends ko nung elem hanggang highschool? Tss. Nakalimutan mo na?"
O.O
Ano nang next na sasabihin ko?
Sana lang talaga hindi totoo yung mga sinasabi sakin ni Kate. OKay lang naman kung niloloko niya lang ako eh pero ayoko lang na si Zyren ang hindi magsasabi ng totoo sakin. Mag asawa na kami eh... Magulang na. Tsaka mataas ang level ng trust ko sa kanya at ayokong mabawasan yun. Pero sa mga nangyayari, baka...
Hindi maiwasang mabawasan ang tiwala na binibigay ko sa kanya at ng mga ibibigay ko pa.
"Ah... Hehe. Oo nga pala. Sige, tatandaan ko na yun." sabay kamot ko ng ulo ko.
"Bakit parang naging wierd ka nitong mga past few days? May sakit ka ba ha?" hinawakan niya yung noo ko tsaka yung leeg ko.
"Wala naman eh... Ano ba? May problema ka ba sa school?" binaba na niya si Ayeshi kasi nakatulog na. Tulog na sila twins at time naman ngayon para makakwentuhan namin ang isa't isa. Palagi naman kaming may ganito eh... Gabi-gabi meron. :))