Chapter One

3 0 0
                                    

-ALEXIS-

"Maam Lex nandiyan na po yung maghahatid sa inyo." My butler said.

Ang aga naman nun. Kainis, 11:25 palang oh!

"Sige, bababa na ako." Sabi ko nalang.

By the way, My name is Alexis Chloe Clifford, 19 years old. And ngayon nga, pupunta ako sa Laguna para makasama yung bwiset na fiancee ko daw. Seriously? I'm only 19 then magiging asawa na agad ako ng kung sino lang?

"APO! DALIAN MO NAMAN ABA!" Naputol yung pag-iisip ko nang biglang sumigaw si Lolo. Nakakatakot yan 'pag sumisigaw e.

Dali-dali kong kinuha yung dalawa kong maleta at isa kong bag.

Pagkababa ko sa hagdanan, sinalubong agad ako ni Lolo. "Carlo, please carry her bags in the car." Utos niya sa butler ko.

"Lo!? Kailangan ko po ba talagang pumunta?!" naiinis kong tanong. Bigla kasi akong tinamad.

"Aba! Oo naman apo! Saka wag kang mag-alala, kasama mo naman ang mga pinsan mo dun." He said then patted my head. Duh! I'm not a dog.

"Talaga Lo?! Nandun sila?" Excited kong tanong. Tumango lang siya.

Meron kasi akong 6 na lalaking pinsan. Solong anak lang kasi ako, kaya super close ako sa mga pinsan ko. Ako kasi yung bunso sa family.

"Okay"

Sumakay na ako ng kotse. I waved to my grandpa then he did the same. Sigh! Ano kayang mangyayari?

Few hours Later

Ang bilis lang pala ng byahe from Manila to Laguna. May 2 kasi kaming resort dito sa San Pablo.

"Kuya Carl, 'sang resort tayo pupunta?" Tanong ko sa driver. Kambal sila ng butler ko.

"Sa resort niyo po Maam Lex." Sagot niya.

Omo! Sa resort ko talaga? Napalaki ang maliliit kong mata sa narinig ko. Ang alam ko kasi maraming turista dun! Madaming may mga abs *drools* Charot! Hahaha.

Nakarating na kami. Pinark lang ni Kuya Carl yung kotse. Nagpaalam na rin siyang ilalagay yung mga gamit ko sa hotel.

Nag-gala gala muna ako. Waaa! Andami ngang abs. Megash! Ahihi. Ayy! Ang landi ko.

"Hi Miss" Nagulat ako ng may biglang tumabi saken. Parang kilala ko 'to?

"Hala!? Ikaw nga Lorrence!" Masaya kong sabi sabay yakap sa kanya. Nung napagtanto ko yung ginawa ko, humiwalay agad ako. He smirked, sapukin kita diyan e!

"Si Lexi madaya, si Lorrence lang yung niyayakap. Naku, 'di makamove on? Biglang sumulpot si Drei. Anong pinagsasabi nito?

"Grouphug!" Sabay-sabay na sabi nina Jerome,Alex,Kris at James habang natakbo papunta sakin. Sila yung mga pinsan ko.

Bigla nila akong niyakap lahat. Sabi naman sa inyo eh, close ko sila. Haha!

Si Jerome at James kambal sila, si Jerome yung mas matanda. Mas matanda naman si Alex kesa kay Kris, magkapatid din sila. Tapos sina Drei at Lorrence magkapatid din pero may twist. Hindi ko sila kinu-kuya, ayaw nila. Magmumukha daw silang matanda. Psh! Baliw yang mga yan eh.

"Fvck you Drei! Ang sakit mo mangyakap!" Reklamo ni Alex. Siya yung hot temper sa kanila.

"Aba kasalanan ko bang macho ako kaya ka naipit?" Panloloko ni Drei sa kanya. Siya naman yung maloko at joker sa amin. Lagi kasing nang-aasar saka nagbibiro.

"Ang yabang talaga nito! Uy chicks mga pare!" Tulo laway na sabi ni Kris. Haha. Playboy yan. Halata naman.

"Mga gago! Mas macho pa kaya ako sayo Drei. Tanga ne'to." sabi ni James sabay taas ng middle finger niya. Nako! 'Wag kayong gagaya diyan. Bad Influence yan sa magpi-pinsan. Lagi kasing nagmu-mura.

"Tangna mo James! Ako kaya pinaka macho." Isa pa 'yang si Jerome, ang hilig magmura. Naimpluwensyahan na ni James. Bad influence nga talaga.

"Shut up! All of you! Tch!" Ayan! Galit na po si Lorrence o mas kilala bilang si Rence. Seryoso lagi yan. Pms always hahaha.

"Wooo! Ang pacool na si Rence nabuhay--Aray!" Buti nga binatukan. Epal kasi ni Drei.

"Ehem!" Napatingin naman ako dun sa umubo. Ohlalala~ Y-yung Abs. "Aray kupo!" Epal talaga 'tong si Drei, bigla bigla nalang nangba-batok. Nagde daydream pa ako e.

"Ano?!" Singhal ko.

"Yung laway mo tumutulo. Pvta!" Mura pa James! Mura pa! Tsk! I automatically wipe my chin nang tumawa sila ng malakas. Mga baliw!

"Ewan ko sa inyo!" Sigaw ko sa kanila. Tumingin ulit ako kay Mr. Abs sabay ngiti na sweet "Hi!" Ngumisi lang siya. Ohmyg! Wafuu! /le dies/ Joke!

"Hello" Sabi niya, naglahad siya ng kamay sakin na agad ko namang tinanggap. Megesh! Ang lambot ng hand!

"I'm Alexis, and you are?" Tanong ko

"I'am Ashton Vergarra, your soon to be husband." Sabi niya sabay kindat at smirk. Nanigas ako bigla.

"Hala?" "Tangna!" "Fvck dude!" "Yey! May asawa na siya! "Ah! Congrats!" Narinig kong sabi ng mga pinsan ko.

O___O

WHAT THE HELL!?! HE'S MY FIANCEE?! FVCKING NO!

Love For One WeekWhere stories live. Discover now