#LAFK28- 1min and 21sec. kiss

182 8 1
                                    

Xyriel POV


"Good morning." Bati ni Ayn pagkalabas ng pagkalabas ko ng bahay tapos niyakap niya ako.. Napalunok lang ako sa ginawa niya. "Bawal kasi kiss kaya hug na lang." Bulong niya sa tenga ko at ang init nong hininga niya. Ilang sandali, inilayo narin niya sarili niya sa'kin..


"Tara na?" Sabi niya tapos hinawakan niya ako sa kamay at lumakad. "Biruin mo, nililigawan palang kita. Ganito na ako kasweet sa'yo? Pano na lang kaya kung naging boyfriend mo na ako?" Sabi niya tapos nagwink-wink pa siya..


"Ay sus! Yabang!" Sabi ko, natawa lang siya.


"Sagutin mo na kasi ako."


"Ayoko. may hinihintay pa kasi akong sign eh yung may gagawin ka para maging deserving ka na maging first boyfriend kita. At Hindi ko yun sasabihin." Sabi ko.


"What if.. Dumating ang araw na sinagot mo na nga ako pero di na kita gusto?" Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Tapos natawa siya. "Haha! Takot ka 'no?"


Tumawa din ako, sarcastic nga lang. "Haha ka rin." Sabi ko at lumakad na ako. Pero ilang sandali, nagulat na lang ako ng bigla siyang umupo sa harapan ko at bigla niya ako hinila dahilan para mapapasan ako sa kanya. "H-hoy, anong ginagawa mo?" Tanong ko at hinampas ko siya ng isang beses.


Tumingin siya sa'kin. "Baka isa kasi 'to sa mga sign na hinihintay mo para maging deserving ako na maging first boyfriend mo." Sabi niya at nagsimula ng maglakad habang pasan-pasan ako.


"H-hoy ano ka ba? H-hindi ito kaya ibaba mo na ako." Utal kong sabi pero di na niya ako pinansin. Nagtuloy-tuloy na siya sa paglalakad. Wala narin akong nagawa pa kundi ang ilagay ang dalawang kamay ko sa leeg niya at nailagay ko ang ulo ko sa balikat niya. Kasi naman nakakahiya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao! Huhu. Kung sa tingin ni Ayn natutuwa ako sa ginagawa niya. Pwes hindi!


Hanggang makarating kami sa tapat ng school at dun na niya ako ibinaba at hinampas ko siya. "Nasisiraan ka na ba Ayn? Nakakahiya kaya 'yun." Sabi ko at natawa lang siya.


Hinawakan na niya ang kamay ko. "Tara na." Sabi niya at lumakad. Napatigil lang kami sa paglalakad ng makasalubong namin si Lean.


"Tingnan mo nga naman. May paholdinghands-holdinghands pa kayong nalalaman ah?" Sabi niya habang nakacrossed arm.


"Bakit inggit ka? Uy ikaw Lean ah? Tumigil ka kung ayaw mong iuntog ko yang ulo mo sa pader." Pagmamatapang ko.


"Tapang mo ah?"


Magsasalita pa sana ako ng magsalita si Ayn. "Tama na Xyriel." Tapos tumingin siya kay Lean. "Wala akong panahong makipagtalo sa walang kwentang kausap. Tara na." Nang sinabi yun ni Ayn, pansin ko yung pagyukom ng kamao ni Lean at nakakatawa lang yung mukha niya parang anytime manunugod..


At matapos sabihin yun ni Ayn, lumakad na siya habang higit-higit ako at pagkatapat ng pagkatapat namin kay Lean. Benelatan ko pa siya kaya mas lalo siyang naasar..

Love At First Kiss (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon