Chapter 1

5 2 0
                                    

Maaga akong nagising kasi kailangan maaga din kaming makakarating sa event ng school namin suot yung Fearless Instinct T-shirt namin na galing sa school atsaka need mag short or pants na white atsaka white shoes.

Pagkatapos kong mag ready ay nagpahatid lang ako sa sakayan ng jeep kasi mag cocommute lang ako papunta sa mall kung saan gaganapin yung event.

Habang nag hihintay ako nag chat na rin ako kay jillian at kiana kung nasan na nga ba sila, mahirap ng mauna lalo na kung ayaw mong mamansin HAHAHAHAHA.

Me: Where na kayo guys?

Jillian: Good moring Ciara, kasabay ko si kiana papunta na kami ng Mall.

Kiana: Ingat Cia! dun nalang tayo mag kita ha.

Me: okay, ingat din kayo.

Jillian: Wag masyadong isipin si Mr. Lead guitarist ha baka madapa ka niyan eh HAHAHHAHA.

Hayuf! bat ayaw nilang kalimutan yung guy na yun? Nagandahan lang ako sa porma at boses eh, nang asar na agad hayst.

Di ko na sila nireplyan pa dahil sasakay nako ng jeep at baka kung saan pa mapunta yung usapan. Ako na naman yung kawawa pag ganon.

Ng makarating ako sa venue ng event ay namangha ako sa design, halatang pinaghandaan ng school. Kita ko rin si jillian kausap yung isa namin na classmate kasama si kiana kaya nilapitan ko na.

"Hi guys!" bati ko sakanila

"Hi Ciara! meet Zywren classmate natin alam kong di mo pa siya kilala dahil di ka pala kausap hehehe" yeah that's true ayaw kong may kausap sa room lalo na kung hindi naman school related pero okay lang din naman makisalamuha sa ibang tao paminsan-minsan kaya binati ko na rin.

"Hii Zy" oh diba feeling close pinaikli pa yung pangalan.

"Btw guys hanap na tayo ng upuan dahil baka maubusan tayo kapag marami na ang pupunta rito." singit ni kiana na agad rin namin sinunod dahil baka nga wala na kaming maupuan later.

Pinili nila yung upuan na malapit sa stage para daw kitang- kita lahat ng magpeperform. Pagkasabi palang nila ng perform kanina yung tingin nila sakin sobra- sobra na eh.

"Zywren alam mo ba may crush si Ciara sa lead guitarist ng Strand natin!" eto yung isa sa mahirap kapag wala ng maitopic eh, pati yung sikreto lumalabas na. Although di naman siya secret dahil di ko naman crush yun, nagandahan lang talaga ako sa boses niya yun lang.

"Ha? STEM strand tayo eh? Bestfriend ko yun!" Shutangna eto na nga ba eh!

"Hala! really? so mailalakad mo ba bestfriend namin sa bestfriend mo?" sabi pa ni kiana, mailalakad? ano ako lalaki?

"Tigil-tigilan niyo ako, wala akong sinasabi na crush ko yun!"

"Wala ka ngang sinasabi, kita naman sa mata mo hehehe" Jilliannn!!!! maawa ka naman sakin, tigilan niyo na ko baka kung saan pato mapunta at baka magpalalamon na lang ako sa lupa!

"Pero single yun kaya okay lang. Add mo sa facebook sasabihan kong i confirm ka" ayoko nga baka kung ano pang masabi nun eh.

Umiling na lang ako sakanya pero si kiana at jillian ay mapilit talaga kaya yung nangyare ay kinuha nila yung phone ko at sila nag add. Nakakahiyaaaa magpalalamon na talaga ako sa lupa neto!

"Btw he's here guys!" sabi pa ni zywren kaya napatingin na rin ako sa kung saan sila tumitingin at yung nga naglalakad nga ito papunta samin dala yung guitara niya at kung anong ikina-angas ng suot niya nung audition ay mas maangas pa ito.

"I tikom ang mouth bebe" bulong sakin ni kiana kaya nahihiya naman akong yumuko at tinikom yung bibig. Shyt talaga!

"Hey bro!" kahit ba naman sa pag bati maganda parin boses? unfair na neto ah!

"Dyn upo ka muna"

"Wag na nakakahiya sa mga kasama mo" sus wag ka ng mahiya upo na, ipaghahatak pa ba kita ng upuan?

"No wag kang mahiya sakanila, classmates ko sila btw si Kiana, jillian at Ciara Diane nga pala" pagpapakilala samin ni zywren sakaniya kaya binati narin namin siya, actually kumaway lang ako at yung dalawa na yung nag entertain sakanya kaya napilitan siyang umupo.

Di ko alam kung ano yung na fefeel ko ngayon na kasama namin siya sa iisang table, gusto kong nandito siya pero ang sarap ding palayasin dahil nanginginig nako dahil baka dumulas yung mga kaibigan ko mahirap na.

Mahaba- habang usapan yung naganap at ipinasasalamat ko na naputol yun dahil need na mag start ng event kaya nagpapaalam na ito na bumalik sa mga bandmates niya.

"Bye guys! Bye ciara see you around!" hoyyy see you daw! kikiligin na bako neto? d joke lang acads boyfriend ko ngayon eh.

"Sus Ciara ilabas na yung kilig na pinipigilan, para kang timang diyan eh!"

"Ingay mo kia" tahimik lang akin lang yung kilig nato.

Unang nag perform ay yung mga sumali sa Quartet Vocal singing contest at lahat sila magagaling kaya alam nang mahihirapan yung mga judges at next naman ay yung Kpop dance medly na pinagkaguluhan ng lahat, kpop fans eh.
Habang nanunuod ay nagutom ako kaya tumayo ako at nagpaalam sakanila na bibili muna ng pagkain.

Pagkatapos kong bumili ay bumalik na kaagad ako sa pwesto namin at nakita kong nagsisimula na yung Band presentation kaya dali-dali nakong umupo at pinamigay yung pagkain na binili ko para sakanila.

"Thankyou Ciara!" sabay- sabay pa silang nag sabi nun.

"Eto na yung future hubby ni Ciara HAHAHAHA" wala na mang aasar na ulit to

"Btw nag chat yan sakin kanina sabay daw siya satin pauwi since iisang jeep lang naman daw yung sasakyan natin." what the? sasabay pauwi? lagot na naman ako sa dalawang to!

"Let's all welcome the representative of STEM!" sabi nung emcee at kasabay nun ang pagtugtog na nga ng band ng strand namin.

Two songs each strand kaya laking gulat ko na yung first song nila at yung I wanna grow old with you by Westlife.
Lahat nalang yata ng kanta ay bagay sakanya. Ba't kasi binayayaan ka ng ganyan kagandang boses? di ko na tuloy alam kung hulog na hulog na ba ako o paghanga lang to.

"He's wanna grow old daw with you oh yieeee kikiligin si ciara" di nalang ako umimik at nanuod nalang sa harap pero di ko inaasahan na mag tagpo yung mga mata namin.

Ba't naman kasi tumingin pa dito? pero wag tayong mag assume baka si tim yung tinitignan kaya nag iwas nako ng tingin.

"Ay may pa tingin- tingin pang nalalaman ah Hahhaha" sige jill mang asar ka lang

Pagkatapos ng first song nila ay yung second na kinanta niya ay yung Paraluman. Wala silang singer pero maganda parin dahil maganda yung boses niya kaya yung kinalabasan ay siya na nga yung lead guitarist siya pa yung singer.

Kung pakikinggan yung boses niya parang pwede nang mag concert, sa sobrang ganda ba naman mag dala ng emotion ng boses niya di nako magtataka kung bukas o makalawa ay may kukuha na sakanya.

Kaya kung sakali mang magkakagusto ako sakanya ay di nako umaasa na mapapansin niya yung nararamdaman ko dahil kahit ganito pa lang alam kong sa susunod mahirap na siyang abutin.

Rock of LoveWhere stories live. Discover now