Chapter 9: Back to reality
"Ang layo-layo namang ng tinitignan mo, e nandito naman ako." Napalingon ako sa likuran ko. Hanggang ngayon ay magaling parin siyang pahintuin ang puso ko. Hanggang ngayon ang galing parin niyang paglaruan ang puso ko. Hanggang ngayon ay patuloy parin itong tumitibok sa tuwing naririnig ko ang boses niya. Sa pag-harap ko ay sinalubong ko yung matamis niyang ngiti sa akin. Umupo siya sa tabi ko't hinawakan ang kamay ko. Ang init ng kamay niya, pinisil-pisil pa niya ito. Lagi niya kasing ginagawa ito. Tuwang-tuwa siya sa maliit kong mga kamay. Samantala sa kanya ay parang daliri ng kamag-anak ni Golayat. Maya-maya ay ina-ngat niya ito at dahan-dahang idinikit sa kanyang labi. Ramdam na ramdam ko ang pagdikit ng kanyang mapula-pulang labi sa aking malambot at pawisang kamay dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.
"Wag ka na ulit umalis, please." Pag-mamakaawa ko pa sa kanya. Muli isang ngiti na naman ang iniwan niya sa akin. Isang nakaka-gagong ngiti. Isang ngiti na hindi ko alam kung oo ba o hindi ang sagot. Isang ngiting nag-iiwan sa akin lagi ng tanong. Importante ba ako sa iyo? Kung gayon, bakit kailangan mo akong iwan?
Isang malakas na yugyog ang siyang gumising sa akin ng umagang iyon. Noong imulat ko ang aking mga mata. It was kuya na naka-tayo sa harapan ko't naka-cross ang arm at naka-taas ang kilay. Tumingin ako sa alarm clock ko't nakita ko na alas diyess palang naman. Halos mapa-talon ako ng maalala ko na alas diyes na. Tanghali na! Late na ako! Langya! Noong halos palabas na ako ng kwarto ko ay doon naman hinawakan ni Kuya ang braso ko at pinaharap ako nito sa kanya.
"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Hinila ko ang kamay ko upang pakawalan ako nito. Saka tinaasan ko siya ng kilay.
"Maliligo, I know it's my fault. Late na ako sa school, I'm sorry huh!" sarkastikong wika sa harapan niya. Ngunit ngumisi lang siya. Ano bang problema ng isang ito. At ang ngisi ay napalitan ng malakas na tawa. Sana kabagan ka sa ginagawa mong iyan. Hayup ka!
"Anong nakakatawa?" di ko mapigilang alamin kung ano nga ba ang nakakatawa sa gagawin ko? Tumingin ako sa suot ko, tapos tumingin din ako sa mukha ko sa may salamin wala namang kakaiba sa akin pero bakit kailangan niya akong pagtawanan?
"Anong nakakatawa?" ulit kong tanong sa kanya. Huminto na siya sa pagtawa, at humawak sa tiyan niya. Sumakit na marahil ito sa pag-tawan niya ng malakas at walang humpay na parang akala mo ay wala nang bukas.
"Wala ka naman kasing pasok ngayon, linggo ngayon. Hindi ba?" tumingin ako sa kalendyaryo at tama nga siya. Linggo nga ngayon. Langya! Na-paglaruan na naman ako ni Kuya ah? Hinila ko siya palabas ng kwarto ko't sinarado ito. Nagkakatok pa siya ngunit di ko na siya pinapasok muli sa loob ng kwarto ko.
"Baby girl, bumaba ka na pagkatapos mong mag-muk-mok ah. Sabay tayong kumain ng umagahan," I heard him chuckled. Buwisit siya! Buwisit siya forever! Arghhhh bakit ba kasi nakalimutan kong Linggo ngayon?
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin noong bumaba ako galing sa kwarto. Pagkatapos kasi naming kumain ay muli akong bumalik sa kwarto ko't nagbihis ng damit.
BINABASA MO ANG
Mister Smile
KurzgeschichtenIsang Frustrated Girl-Writer, isang makulit na Kapatid na lalaki, isang mayabang at maangas na kapit-bahay, at isang Weird na commentator sa wattpad. Magkakaroon ba ng happy ending ang isang bidang kontrabidang si Queen Dawn? kung lahat ng mga lalak...