"After laughter"
Tanghali na ng inihatid ako ni Shunne sa bahay. Pagkapasok ko ng bahay ay nakabukas lang ang tv pero wala namang nanonood. Kaya inikot ko nalang ang buong bahay. Para makasiguradong hindi kami napasukan ng magnanakaw.
Luminga-linga ako, pero mukhang maayos naman lahat ng gamit. Nakakapag-taka lang kasi, nakabukas ang tv tapos walang nanonood.
Nasan ba kasi si tita?
Pinatay ko ang tv bago pumasok ng kwarto at naghanap ng damit. Maliligo ako, kasi kahapon pa ako hindi naliligo.
Narinig kong bumukas ang pinto. Kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto at tiningnan kung si tita nga ba iyon. And there she is, at hindi nga ako nagkakamali.
Mukhang nag jogging si tita, kasi hingal na hingal siyang pumasok ng bahay at pawis na pawis. Pumunta siya sa bandang ref at kinuha ang vegetable salad at nilagyan ng tubig ang color pink niyang Aquaflask.
San po pala kayo galing tita?" Tanong ko.
Jan lang sa labas, nag walking at jogging" Sabi nito na hinahabol ang hininga. "Ow. You look different today." Dagdag ni tita na para bang nagulat siya nung nakita ako.
Pumasok na ulit ako ng kwarto at kinuha ang towel na nakapatong lang sa gaming chair ko. Napahinto ako at tumingin sa salamin na malapit sa study table. Umupo muna ako sa gaming chair at pinagmasdan ang kwentas na binigay sakin ni Luke.
Biglang kumirot ang puso ko.
Dali-dali ko iyong tinanggal kasama ng sing-sing na bigay niya din sakin, at inilagay ko 'yun sa maliit na box bago ipinasok sa drawer ng study table ko.
Gustohin ko mang itapon pero nanghihinayang ako. Sayang.
But yeah I'll keep it nalang siguro because it has a good memories of us. I will never regret or say I wish I'd never met him. Because once upon a time, he were exactly what I needed.
Now, all I want for him is to be happy. Iyon naman talaga dapat diba? Ang hayaan natin yung taong mahal natin na sumaya kahit na hindi na tayo yung dahilan.*sighs* I want to be his favorite hello at his hardest goodbye.
Pumunta nako ng banyo to take a shower. Ang lamig ng tubig, ang refreshing lang.
Nang matapos na 'kong maligo ay agad akong nagbihis. Balak kong mag review muna bago maglaro ng Lol.
Habang nag rereview ay hindi ako mapakali, kaya tiningnan ko muna ang cellphone ko at nakita ko doon ang mga chat ni Jules. Ni-long press ko lang since naka iphone 11 naman ako.
From Jules Chua: Mark my words. (Nag back read ako sa last convo namin)
Wow. Ganda mo naman miss.
Sana all namamansin.
Aw. Snob lang.Hindi ko alam pero, nireplyan ko yung isang message niya. Nagreply lang ako ng isang tuldok doon sa isang chat niya. Tapos sinundan ko yun ng isa pang reply.
To Jules Chua: ayan pinansin na kita.
Hindi siya online so ang ginawa ko ay inaya ko nalang sina Shunne at Neil na maglaro ng Cod instead of Lol.
Medyo wala pa kasi ako samood maglaro ng League of Legends eh.
Parevive parevive hahaha yudepota!" Gigil na sabi ni Shunne sa mic kaya nagtawanan kami ni Neil. Hahaha. Gigil yern?
BINABASA MO ANG
Traitor (R-18 Series 0.1)
RomanceStarted: April, 24, 2023 Ended: (On-going) 2024 𝐑𝐀𝐓𝐄𝐃 𝐒𝐏𝐆. 𝐍𝐨𝐭 𝐬𝐮𝐢𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐲𝐨𝐮𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫𝐬 𝐨𝐫 𝐬𝐞𝐧𝐬𝐢𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐦𝐢𝐧𝐝𝐬. 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐚𝐢𝐧𝐬 𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐢𝐜 𝐬𝐜𝐞𝐧𝐞𝐬, 𝐚𝐝𝐮𝐥𝐭 𝐥𝐚𝐧𝐠𝐮𝐚𝐠𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐬𝐢𝐭...