Chapter 9

63 1 0
                                    

"Unsaid words"

Okay, pass your papers!" Sigaw ni sir Marvin.

Last subject namin siya at pagkatapos nito ay wala na kaming klase. So, balak kong pumunta nalang ng gym para mag workout and para narin-you know... coping mechanism.

Hanggang ngayon kasi, nasasaktan parin ako kapag nakikita ko si Luke.

Kagaya nalang kaninang umaga, nakita ko siya. Hindi manlang siya tumingin sakin, hays.

Diretso uwi kana ba?" Tanong ni Shunne sakin.

Nope." Tipid kong sagot.

Sabay kana kaya sakin" Anya niya.

No. Mag ggym ako ngayon eh, you know... workout" Sambit ko.

Wow. Sana all, ano yan? New habits? Haha" Nagbeso muna sakin si Shunne bago magpaalam.

Umalis narin ako ng classroom at naglakad papuntang 7eleven. Yes, nilakad ko lang kasi walking distance lang naman eh. Bumili narin ako ng Gatorade at K-style egg drop sandwich, pinainit ko muna iyon sa isang staff doon bago umalis.

Nag tricycle lang ako papuntang guaching-co gym. I've been there a few times before. So, nakakaexcite na makabalik ulit doon. 70 pesos ang per session and 1,000 naman kapag monthly.

Nang makarating naako ay walang tao sa loob. Ang swerte ko naman yata today. Hmm.. alas kwatro palang naman maybe baka umuwi ako ng 7 ng gabi.

Inilagay ko muna sa gym storage yung mga dala ko bago magsimula sa workout routine.

Pumunta muna ako ng banyo para maghubad ng uniform, bale naka nike sports bra nalang ako at naka loungewear na nike din. Naka medyas lang ako kasi nakalimutan kong magdala ng sapatos.

Bago ako magsimula ay inilatag ko muna sa density rubber mat ang yoga mat para hindi masakit kapag nag exercise ako doon. Nag start ako sa lean and punch exercise. Bale 1min lang 'yon. Pagkatapos nun ay leg extension naman within 2mins, and then sinundan ko ng leg up & down. Na halos inabot ako ng 3-5mins.

Pawis na pawis ako kaya nag water break muna ako. Since wala namang tao, nag take ako ng ilang mirror shots at pinost ko iyon sa ig ko with the caption of "No pain, no gain".

Habang umiinom ng gatorade na nakaupo sa Hammer strength machine ay napangiti ako sa dami ng nag heart reacts agad sa post ko sa instagram.

Napansin ko na naman ang message doon ni Jules, myghad. Pati ba naman dito sa instagram?

From Jules Chua: Hey.

Hindi ko alam pero nasa mood ako para replyan siya. So strange.

To Jules Chua: Yo.

From Jules Chua: It's a good day to lift something heavy huh.

Sinasabi nito. Tsk. Nag message ba siya para sirain ang mood ko? Mukhang double meaning kasi yung dating sakin.

To Jules Chua: What?

From Jules Chua: Nah, just kidding. Keep it up!

Traitor (R-18 Series 0.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon