Chapter 3

4 2 0
                                    

Dyn Marc Sanchez accept your friend request.

Huyyyyy ang ganda ng bungad neto ah. Biglang nag good yung morning ko ng dahil dito. Sino ba namang hindi kung yung nag iisang Dyn ang nag accept ng friend req mo? Although di naman ako yung nag friend request sakanya, acc ko yung gamit pero sina jillian at kiana yung gumawa.

Yung kaninang naka busangot ko na mukha ay nakangiti na habang naglalagay ng gamit sa bag ko. Hanep iba agad effect niya ah. Kahit yata mag pa surprise quiz yung teacher namin sa basic cal eh perfect ko na agad HAHAHAHHA.

Chineck ko ulit yung phone ko dahil baka namalikmata lang ako pero behhh nag message siya sakin. Hoyyy ang saya ng morning ko neto.

Dyn:Ciara if okay lang sayo... sabay tayo punta ng school.

Hindi okay eh kasi..... baka mahimatay ako sa kilig!! ikaw ba naman ayain na sabay pumunta ng school ng crush mo di ka mahihimatay sa kilig? pero syempre go tayo minsan lang to eh.

Me: sure, san ba kita hihintayin?

Dyn: Nandito nako sa harap ng subdivision niyo.

Ay hanep ba't ang bilis? pano pag di pala ako pumayag?

Di nako nakapag reply pa sakanya at binilisan ko na lang kumilos dahil mahirap na at baka mainip pa yun sakin. Pagkatapos kong mailagay lahat ng mga kailangan ko sa bag ko ay nagpahatid nako kaagad sa entrance.
Pagkarating ko dun ay nakita ko kaagad siyang nakaupo na naka yuko kaya nilapitan ko na.

"Hi, sorry natagalan" natagalan ako o nauna ka lang dito?

"No it's okay, tara na baka ma late pa tayo."

Hindi na kami nag tagal pa sa paghihintay ng jeep dahil nandun na kaagad kaya sumakay na lang kami. Hindi ko alam if awkward pa ba yung nararamdaman ko o kilig na.

"So Anong floor yung room mo?" dapat alam niya na to dahil bestfriend niya si Zywren. Siguro wala lang talagang matopic kaya nag tanong na HAHAHAHHA

"3rd floor, ikaw?" para naman madaan daanan kita later HAHAHAH kainis bakit bigla akong nagkaganito? May gayuma ba boses mo?

"Second yung malapit sa hagdan pababa ng canteen." uyy complete ah

"Buti naman yung inyo di masyadong nakakapagod bumaba at umakyat." yung amin kasi parang mapuputol na yung paa namin makaakyat lang.

"Sabay tayo mag lunch later?"huyy ba't ako palagi inaaya? umaasa nako dito oh baka biglang lumaho na parang bula, wag naman sana.

"Sige paalam lang ako later kay kiana dahil for sure si jillian ay sasabay kay Pres."

"Pres?"

"Yup yung president namin sa room si Jeremiah crush yun ni jillian eh." jill sawakas nakabawi narin ako HAHAHAHA

"Eh ikaw may crush ka ba?" ako? meron, ikaw.

Sarap sanang sabibin yun kaso wag delikado tayo Hahhaha

"Wala bakit may irereto kaba?" reto mo na sarili mo, nahiya kapa.

"What if ako nalang?" ha? mamaaaaaaaa

Di ako makapagsalita nakatitig lang ako sakanya dahil hindi ako makapaniwala na nasabi niya yun dahil biro ko lang naman yun eh.

"Hoyy HAHHAHAHA okay ka lang? Joke lang yun Cia" ay joke lang pala, kala ko totoo na eh

"Gsgi nabigla lang ako."  pero kung uulitin mo edi sige payag ako tayo na agad.

Rock of LoveWhere stories live. Discover now