"Class dismissed" ganito ba talaga? sa sobrang excited ko napabilis yung oras. Diko namalayan uwian na eh.
"Hay nako Ciara tumayo kana diyan yung bebelabs mo nasa labas na nag hihintay!" tumingin ka agad ako sa may labas ng room at tama nga si jillian nandun si Dyn nakatayo dala- dala parin yung guitara niya.
"Pano ba yan, una nako Zy at Jill pakisabihan nalang din si Kiana."
"Enjoy sa date, sana bukas kayo na HAHAHAH" lakasan mo dasal mo jill para magkatotoo
Kumaway nalang ako ulit sakanila bilang paalam bago pumunta kay Dyn na naghihintay. Di ba to nabibigatan sa mga dala niya? parang ako yung nahihirapan eh.
"Tara na?"
"Lakas ng tiwala mo sakin ah, sasama ka talaga?" tinatanong pa ba yan? syempre naman kahit itanan moko sasama ako HAHAHAHA
"Oo naman, wala namang masama."
diko alam kung namamalikmata lang ba ako pero nakita ko siyang nag smile bago kinuha yung bag ko at nauna ng naglakad.Dahil di ko alam yung daan dahil halata naman na siya lang yung nakakaalam ay todo dikit ako sakanya, sorry naman takot lang talaga akong maligaw.
Maraming pasikot- sikot yung daan kaya di ko talaga alam kung nasa gubat na ba talaga kami o sadyang madamo lang dito. Pero pansin ko ha lahat ng dinadaanan namin ay nililinisan niya gamit yung paa niya, sheesh caring yarn?
"We're here." inangat ko kaagad yung tingin ko at......bakit ngayon ko lang to nalaman?
Bakit ngayon ko lang to nakita?
Kung ako si Dyn i sesikreto ko talaga ang lugar nato. Kaya pala tinawag niyang secret place. Gusto ko na tong akinin HAHAHAHA
Sobrang ganda....tipong gusto ko ng tumira dito. Hindi masyadong madamo at tama nga siya ang daming mga bulaklak at may puno rin na pwedeng pagsilungan. Mas gusto ko na dito,hindi maingay, hindi magulo at sobrang sarap sa balat ng hangin.
"Anong masasabi mo Cia?" masasabi ko? wala. Dahil hindi kaya ng salita ang lugar nato. Hindi ko kayang sabihin kung ano kaganda ang lugar nato dahil para sakin walang salita ang makakapaglarawan dito.
"Wala akong masabi..." nakangiti kong saad.
"Halika upo tayo" dinala niya ako sa may malaking puno at inalalayan niya rin akong umupo.
Habang naka upo ako ay hinahanda na niya yung guitara niya. Magsisimula na yata siyang mag practice, pero para saan?
"May sasalihan ka bang contest Dyn?"
" Nope." eh bakit nag papractice kung walang contest?
"Eh para saan yan?" bago siya sumagot ay tinitigan niya muna ako at umupo sa tabi ko
" May liligawan ako eh."
liligawan? eh ano ako dito? judge if maganda ba yung kanta? hayup sakit non ah.
Di ko na talaga alam yung nararamdaman ko, bigla akong natigilan ng sinabi niyang may liligawan siya eh. Feel ko yung sakit sa puso ko, oa man pakinggan pero gsgo ba't ang sakit? Pero kahit ganon ay pinilit ko paring ngumiti sa harap niya para ipakitang masaya ako para sakanya kahit hindi naman talaga.
"Talaga? Maganda ba?" sige ipakita mong di ka nasasaktan.
"Yup first day of school nung grade 11 niya nakuha atensyon ko eh." 11? eh grade 12 na kami at isang buwan nalang graduate na. May nauna naman na pala sakin eh, makikiepal lang pala talaga ako dito.
"Really? Anong kanta ba yung pinapractice mo?"bigat na sa dibdib ah.
"Pwedeng ikwento muna siya sayo? di rin kasi alam to ni Zywren eh." tumango nalang ako kahit alam kong masasaktan ako.
Oa no? Crush lang masasaktan na agad? Pero wala eh yung crush na yan nakasalalay parin diyan yung kasiyahan ng damdamin mo. Sa crush kasi minsan nagsisimula yung lahat eh.
"Nakita ko siya nun first day of school hirap na hirap sa bag na dala niya kasi halata namang sobrang bigat pero kinaya niya parin. Akala ko nung una ay nagandahan lang ako sakanya pero sa paglipas ng araw ay alam ko na sa sarili ko na nagugustuhan ko na siya." yung mga mata mo Dyn sarap tusukin! ba't ba kasi kumikinang habang nag kwekwento tungkol sakanya? at yung bibig mo sarap halikan! ay este sarap itikom.
"Minsan nga sinusundan ko siya ng palihim eh, kung san siya pumupunta ay palaging nasa likuran niya ako at nakasunod." stalker mo naman pala, pero kung ako yang liligawan mo kahit wag mo na akong i stalk iuupdate nalang kita palagi."Sa sobrang sunod ng sunod ko sakanya dun ko din nalaman na ang galing niya pala sa classroom nila, ang talino niya at puro libro na lang yung inaatupag niya. Naalala mo yung sinabi ko na hindi pwedeng mawala yung pangalan ko sa high honors?" tumango nalang ako bilang sagot. "Siya yung dahilan nun, dahil gusto ko kapag nakaharap na ako sakanya ay kaya kong sabihin na kaya ko siyang sabayang mag aral." matalino rin naman ako ah, bakit hindi nalang ako?
"Pero alam mo kung ano yung mas ikinatutuwa ko? Mahilig din pala siya sa musika. Akala ko nga nung una ay props niya lang yung guitara na hawak niya pero hindi. Nung nag simula na siyang tumugtog, dun ko nasabing hulog na hulog na ako sakanya Cia." magaling din naman ako ah.... maganda naman yung boses ko, ako nalang kasi..
Akala ko masakit lang maisosobra pa pala to? tama na uy hirap umiyak sa harap niya, ayoko namang mag mukhang tanga dito HAHAHHA. Kung alam ko lang na ganito pala to ay sana di nako sumama edi sana di pako nasaktan.
Napabalik yung tingin ko sakanya ng magsimula na siyang tumugtog sa guitara niya, akala ko ba practice? ba't parang damang dama na niya yung kanta?
" Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko, ikaw ang nasa isip ko... Ang nais ko ay malaman mo.. Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay, pagibig ko sayo'y ibibigay.. Ang nais ko ay malama mo hmmm, Na mahal kita..." Kahit ilang beses ko pang marinig yung boses niya ay di ako mag sasawa kaso di para sakin yung kanta nato eh. Akala ko tapos na siya may dugtong pa pala.
" Sana'y pagbigyan ang daramang ito... Sana'y masabi mo na mahal mo rin ako."
"Ang ganda nung kanta.." yun lang, yun lang ang nasabi ko.
"Ciara Dianne Ang nais ko lang na malaman mo ay.... mahal kita. Maaari ba kitang ligawan?" ha?
tama ba yung pagkakarinig ko? di pa naman ako nabibingi dba? Panong ako yung tinutukoy niya kanina? So sarili ko lang din pala yung pinagseselosan ko. Teka baka naman its a prank to ha!
"Kung biro yan sinasabi ko sayo Dyn wag ka ng magpapakita sakin!"
" Ciara Dianne Millado di ako nag bibiro dahil simula kanina ay ikaw na yung tinutukoy ko. Kaya please payagan mo akong ligawan ka." Hanep! di parin ako makapaniwala!
All this time ay wala parin pala talagang kwenta yung ka oahan ko kanina dahil ako naman pala talaga yung tinutukoy.
"Ahm... Dyn." wala! di ko alam sasabihin ko.
"Im sorry Cia kung nabigla kita pero pwede ka pa namang mag isip di naman ako nag mamadali, kaya kong mag hintay. Kaya kitang hintayin Ciara."
"Dyn...pumapayag na akong ligawan mo."
YOU ARE READING
Rock of Love
Novela JuvenilThis is the story of love that started with music. Music that everyone is obsessed with. Pero sinong mag aakala na ang isang babae ang nahulog mismo sa taong minahal ang musika. Sa taong naging musika na ang buhay. Dyn Marc is the boy who will do ev...