VIVID
MARCUS
“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ko sa anim kong mga kaibigan na kung umupo sa sofa ay kala mo sila ang may-ari ng bahay. Dumating sila kasabay nang paglabas ni Mom ng bahay kaya sila nakapasok dito. Ako na lang ang naiwan dito sa bahay.
“Dude, chill.” si Jonas ang unang nagsalita sa kanilang anim. Mukha rin namang siya ang nagpasimuno ng pagpunta nila rito ngayon nang hindi ko alam. “Nandito kami para bigyang kasagutan ang lahat ng aming katanungan.”
“Anong pinagsasabi mo?” naiiritang tanong ko. Masyado kasing maarte ang pagkakabigkas ni Jonas. Iniisip niya siguro na magtutunog makata siya sa ganoʼng paraan ng pananalita niya.
“Well kasi obviously, marami kaming naririnig na rumors inside the campus about sa inyong dalawa ni Frankie.” sabi pa ni Jonas. Tinignan ko ang bawat isa sa kanila at lahat sila ay tumango sa sinabi niya.
“Paʼno ba naman kasi eh hindi ka nagsi-seen sa group chat natin. Andami naming tanong sa ʼyo roʼn pero hindi ka naman sumasagot. Kaya naisipan naming puntahan ka rito.” apila ni Adrian sa akin. Nasisi pa ako.
“Alam na namin ʼyung tungkol sa pagiging librarian mo at kasama mo si Frankie doon, ʼdi ba?” naging seryoso si Seven. Mula boses, postura, at ang ekspresyon sa mukha niya.
“Ano ba kasing nangyari sa ʼyo, Zachary? Sabi ni Cyrus nag-usap kayo ni Frankie kahapon. Ano ba talagang meron sa inyong dalawa?” tanong ni Andy. Gulong-gulo na rin siya.
Sa lahat sa aming magkakaibigan silang dalawa ni Seven ang halos walang alam sa mga kaganapan. Pero nakakasali pa rin naman sila sa bawat usapan namin at hindi sila nagdadalawang isip na magtanong kapag may hindi sila alam.
“Tsaka bakit hindi mo man lang sinasabi sa amin?” Bakas sa tono ni Primo na mayroon siyang tampo.
“I like Frankie.” pag-amin ko. Hindi ko na napigilan ang sarili na sabihin ang totoo. Hindi ko naman habang buhay na maitatago iyon mula sa kanila. Malalaman at malalaman din naman nila kahit hindi ko sabihin.
Natahimik silang lahat at halata sa mukha nila ang pagkabigla dahil halos malaglag ang mga panga nila.
“Guys, kilala niyo ako. Hindi ako palasabi ng mga nararamdaman ko. You all know how quiet I am and that I donʼt want to talk about myself.” dagdag ko pa. I really wasnʼt that type of person who can easily express my feelings in front of people, even to those closest to me. Hindi naman sa nakakahiya iyon para sa akin, sadyang mahirap talaga.
“Para saan pa at magkakaibigan tayo? Marcus naman, ang tagal na nating magkakasama. Para naman kaming others.” Ngayon naman ay lumabot ang boses ni Seven. Doon ko napagtantong may pagkakamali ako bilang kaibigan nila. Karapatan nilang malaman ang nangyayari mula mismo sa akin. What made them felt bad was that they heard it from someone first before they could even hear it coming from me and I was on deep regrets because of that.
Umayos ng upo si Adrian. “So you do like her?” tanong niya sa akin.
I nodded without thinking. The truth was so vivid that I donʼt even need to think twice.
“Kailan pa?” dagdag na tanong ni Adrian.
Napatanaw ako sa malayo at muling inalala ang mga oras na magkasama kami ni Frankie sa library. I was certain that I fell for her with every single second we spent our time with each other. “I just realize it few days ago.” saad ko.
Kumunot ang noo ni Adrian at hindi na siya nagsalita. It was the time that Cyrus spoke. “Kailan nga ulit ʼyung huli kang nagkagusto sa babae?”
“Si Liana ʼyung huling babae na nagustuhan ko.” Napangiti ako sa ideyang iyon. I still treasure those memories and those days. “Sheʼs honestly the first one too.” I added.
“Ngayon na lang ulit...” Adrian utters as if he was reminiscing. “Itʼs been years since you last fell in love.”
Napansin ko na ang lahat sila ay nakatingin sa akin. Napayuko ako at itinago ang aking ngiti. “Yeah.”
“Nililigawan mo na ba si Frankie?” Primo cuts off the awkward silence by continuing the topic.
I was dumbfounded by that simple question. Itʼs either yes or no. Kapag sinabi kong OO, ibig sabihin ay sinagot na niya ako noʼng sinabi niyang gusto niya rin ako. Kung sasabihin ko namang HINDI, it would appear as unrequited.
I just said, “She told me she likes me too.”
“Edi kayo na?” asked Andy.
Umiling ako, “Nope. Not unless we make it official.”
“So ngayon, M. U. lang kayo?” Jonas clarifies as he, Primo and Andy moves forward to hear me loudly.
Tumango lamang ako. Sa ngayon, iyon lamang ang bagay na nasisiguro ko. I canʼt see what is ahead of us. Who knows if tomorrow, her feelings start to fade.
“Ligawan mo siya. It would be super weird kung kakaamin niyo pa lang sa isaʼt-isa, kayo na agad.” Cyrus said. Well, that was what Iʼm intending to do.
“Dude, ganoʼn na kasi sa panahon ngayon.” ani Seven.
“Yeah, I agree. Kapag gusto ka rin ng taong gusto mo, kayo na agad matik na ʼyon.” dagdag ni Primo sa sinabi ni Seven.
Ngumisi si Seven habang tinitignan si Primo. “Wow naman Calixto, marunong ka na pala sumang-ayon sa akin?”
“Shut up, seryosong usapan ʼto.” We all know itʼs serious when Primo deepens his voice.
Napabuntong hininga na lang si Cyrus sa maikling pagtatalo ng dalawa. Tama naman ang sinabi nila pero kahit na pareho na ang nararamdaman ng dalawang tao sa isaʼt-isa, dapat pa rin nilang kilalanin ang isaʼt-isa. It kinda sounded that they also donʼt like that idea of getting instantly in a relationship just by being liked back.
“Matagal ko nang kilala si Frankie. Masasabi kong hindi niya magugustuhan ʼyung ganoʼn lang. She reads books in any genre, particularly romance—that was her favorite among all genres. That said, she would never settle for less. She would never settle for the bare minimum.” makahulugang sabi ni Cyrus. That was a good advice, coming from a person that had been with her since they were young. I put my trust on all his advice.
“Youʼre a bookworm too. Youʼve probably read some romance novels, right?” asked Adrian who stands by my side.
“Yes.” I nodded.
“Then I know you know what to do.” Adrian affirmed.
I was full of confidence on myself that whatever decision Iʼm making, it will be consistent. “I will court her and prove her that Iʼm worthy of her golden yes.”
“ʼYun oh!” Andy and Jonas cheered in sync.
Lahat sila ay tumayo para lumapit sa akin. Inakbayan nila akong lahat. This kids had been eating a lot these days. Hays.
“Baka Marius Cuslov ʼyan!”
Ginulo ni Adrian ang aking buhok. “Now, we better have a plan on helping this guy right here.”
The hope burning inside me, I can see how vivid it was getting everytime I heard her name, everytime I remember her.
BINABASA MO ANG
Missed Pages ✔︎
Novela Juvenil[COMPLETED] TO HEAL SERIES BOOK 1 August 17, 2022 - August 29, 2023