"Hindi naman kami na inform na kahit sa pag rereview pala eh dapat mag partner." kala mo naman walang partner si kiana eh sadyang nasa kabilang building nga lang
"Ingay niyo." kitang nag rereview yung tao eh
"Ako kaya kailan magkaka partner?" galing naman mag parinig ni jillian
"Pres! sabay daw kayo mag review ni jillian, nawala daw kasi notes niya." hanggang matapos ba naman ang school year na to eh ako parin ang tatawag kay pres para kay jillian?
"May kasama ako eh.." oh pak HAHHAHAHA tagos sa atay
"Jill wag iyak." pagkatapos kong asarin si jillian ay bumalik na kaagad ang atensyon ko sa notes na hawak ni Dyn.
Tahimik lang kaming nag rereview, walang tanungan basta wala talagang ingay. Ano pa bang aasahan ko? eh parehas na naming alam to.
"What if sagutin mo na si Dyn para naman couple goals kayo sa graduation." kung alam mo lang kia.
Akala ko may sasabihin si Dyn tungkol sa sinabi ni Kiana eh pero ngumiti lang yung loko at nilagay yung notes sa mukha niya. Oo papasok yan sa utak mo! iniwan ba naman sakin kakulitan ni kiana!
"Kami naman na talaga." o yan para tapos agad!
"Isa kayong malaking traidor!!" ay kailangan sabay- sabay? grabe nag practice yata tong mga to eh.
At isa pa tong si Dyn tawa lang ng tawa di man lang ako tinulungan.
"Kailan pa?"
"Ba't di kayo nag sabi?!!"
"Ano to? Lowkey relationship?!!"
"Ang traidor niyo!!"
oh kalma isa- isa lang, hirap talaga pag di na update yung kaibigan mo eh kala mo naman ang laki- laki ng utang mo sakanila.
"Kailan pa? Last two weeks. Ba't di namin sinabi? bakit kailangan ba lahat alam niyo? at oo lowkey sana to kung di lang kayo maingay!" yan sagot lahat!
"Hayaan niyo na kaming mag review guys Hahahhaha."
"Nako Dyn, di niyo naman kailangan mag review alam naman namin na matalino na kayong dalawa." minsan lutang din ako
"Di porket matalino na ay di na mag rereview, minsan may mga lessons parin na hindi namin alam no." sus nagsabi yung matalino sa math
Bukas na kasi yung start ng final exam namin kay eto kami at todo review. Sino ba naman kasi yung may gusto ng bagsak na grado? Gagraduate ka na ngalang ba't hindi mo pa itotodo.
Hanggang uwian ay review parin kami ng review takot talaga na bumagsak yung grado. Kahit yung tatlong maiingay ay biglang tumahimik at notebook nalang yung inaatupag eh.
Pero ako di ko na kaya yung antok ko kaya naman humiga ako sa balikat ni Dyn at ipinikit ko yung mata ko. Napansin niya yatang gusto kong matulog kaya inayos niya kaagad yung position niya para naman maging komporable ako kahit papaano. Hindi lang yun hinalikan niya pa yung noo ko kaya yung tatlo ay parang biglang nabulunan na ikinatawa naman ni Dyn.
Napasarap yata ang tulog ko at hindi ko namalayan na malapit na pala akong bumaba.
"Pagod ka?"
"No love, inaantok lang talaga."
"Pahinga ka later ha mamaya na ulit yung review."
"Ikaw din, malapit na akong bababa."
"Ihahatid na kita?" di ko alam kung siya lang ba yung lalaki na kahit alam niyang pagod na siya eh gagawa parin talaga ng paraan para lang di ka mahirapan at maging ligtas ka.
"Wag na pagod ka rin eh, at isa pa kaya ko naman , ikaw yung magpahinga." makikipagtalo pa sana siya sakin ng huminto yung jeep na sinasakyan ko para makababa ako.
Hinalikan ko nalang siya sa noo and the i mouthed i love you and take care na naging dahilan ng pag smile niya.
Pagkarating ko sa bahay ay di ko kinalimutan na mag update agad sakanya bago ginawa yung mga kailangan kong gawin.
Hindi lang sakanya ako nag update pati narin sa mga kaibigan ko dahil mahirap na mag tampo hirap pa naman manuyo.
Buong gabi ay nag aral lang ako kasabay ni Dyn. Yes we study together yun nga lang naka video call lang dahil malayo pa sa entrance yung bahay namin at isa pa gabi na.
Di ko namalayan na mag hahating gabi na pala kung hindi lang sinabi ni Dyn.
"Love... let's sleep na." awwss inaantok na bebe ko
"Sure love.. Goodnight po."
"Good night love, i love you." ba't ang sweet neto?
"I love you more." pagkasabi ko nun ay inend niya kaagad yung call dahil alam niyang kapag ako pa yung aantayin niya ay aabot pa ng ilang minuto.
Pagkagising ko kinaumagahan ay nag ayos na ako dahil alam kong mauuna naman si Dyn sakin sa labas at nakakahiya na. Nang matapos nako mag ayos ay nagpahatid kaagad ako kay mama sa labas at for the first time mas nauna na ako ngayon keysa kay Dyn.
Nag hintay lang ako ng ilang minuto at narinig ko na kaagad yung boses niya.
"For the first time maaga ka yata love HAHAHAH" ganda naman ng mood neto.
"Yup para di ikaw yung palaging nauuna." kaso 2 days nalang yung class namin eh actually exam days.
Pagkatayo ko palang sa inuupuan ko eh kinuha na niya kaagad yung bag ko, di na ako umangal dahil baka mag tampo pa. Pagkarating namin ng school ay naabutan namin yung mga kaibigan namin na kabado. Todo memorize ng mga notes eh. Imbis na pakialaman sila ay hinayaan ko nalang dahil alam ko naman na kaya nila yun at kakayanin nila.
" Good luck sa exam love, una nako"
"Good luck din sayo.."
Pagkaalis ni Dyn ay dun lang ako kinabahan dahil dumating na yung proctor ng section namin.
Sa pagkakaalam ko ay isa to sa mga head ng school namin kaya kahit yung mga maiingay sa room namin ay bigla nalang nanahimik. Inayos din nila yung seating arrangement para daw iwas cheating.
Nagsabi muna ng rules yung proctor bago namigay ng mga test paper. Kapag ako yung sumasagot ng exam ay palaging inuuna ko yung enumeration dahil dun ako hindi masyadong nahihirapan at pagkatapos nun ay balik nako sa umpisa ng test paper hanggang sa matapos ko yung exam. May part ng exam na sobrang nahirapan ako pero agad ko rin namang nakuha yung sagot kaya mabilis ko na lang din natapos yung exam.
Kahit bawal ang maingay ay hindi talaga maiiwasan ng mga kaklase ko ang mag reklamo lalo na sa Second sub na test paper. Hindi madaling intindihin yung questions at 1 hour and 20 minutes lang yung binigay samin. Para sa iba ay matagal na ang ganong oras pero para naman sa iba ay ang bilis- bilis lang ng oras at isa nako dun kaya kahit sinasabi nilang matalino ako ay naprepressure din ako pero thank god ay natapos ko rin naman ng hindi nakaabot sa time.
Pagkatapos nun ay nag tuloy- tuloy lang yung exam hanggang sa matapos ito. Dun ko na rin narinig lahat ng reklamo ng mga kaklase ko pero imbis na mag reklamo ako ay nag ayos na kaagad ako ng mga gamit dahil may nag hihintay sa labas.
"You did a great job love.." yung alam mong pagod kana pero may isang tao talaga na kayang paalisin yun gamit lang yung salita.
"You too love." Niyakap ko kaagad siya ng mahigpit dahil kahit umupo lang ako dun at sumagot ng mga exam ay nakakapagod parin talaga.
YOU ARE READING
Rock of Love
Teen FictionThis is the story of love that started with music. Music that everyone is obsessed with. Pero sinong mag aakala na ang isang babae ang nahulog mismo sa taong minahal ang musika. Sa taong naging musika na ang buhay. Dyn Marc is the boy who will do ev...