"Sa wakas!! graduate na tayo!"
"Ayoko ng mag research!!"
"yiee yung dalawang love birds couple goals nga naman" nang asar pa nga
Kanina pa kami natatawa sakanila ni Dyn dahil ilang ulit na nila kaming inaasar at meron pa talagang picture taking sa iba't ibang mga building. Di pa natatapos yung ceremony eh parang ayaw ko na, nakakapagod yung mga pinag gagawa namin.
At isa pa tong si Dyn na kanina pa naka yakap sakin at paulit- ulit sinasabi kung gaano daw siya ka proud saakin. Actually proud ako saaming dalawa dahil di ko inaasahan na aabot kami sa ganitong sitwasyon.
"I will always be proud of you love.... buti nalang nakilala kita edi sana pabaya ako ngayon sa study ko." oo nga naman pala at ako yung inspirasyon niya kaya biglang nag aral ng mabuti. Ang yabang ko naman nun HAHAHHA
"Be proud of yourself too love... Congrats sating dalawa mahal na mahal kita.." nakatalikod ako sakanya habang siya naman ay nasa likuran ko at nakayakap. Ramdam ko kung paano niya pinaulanan ng halik yung tuktok ng ulo ko atsaka yung noo ko.
Never pinaramdam sakin ni Dyn na hindi ako kamahal- mahal at sana magtagal pa to, dahil bukod sa pamilya at kaibigan ko siya rin ang isa sa mga inaasahan ko na makakasama ko hanggang sa huli.
"Love birds tama na yan magsisimula na daw, kailangan ng bumalik sa line." kanina pa kami tinatawag ni jillian at kiana ng love birds kasi kanina pa daw nag uumapaw yung ka sweetan namin.
Kagaya nga ng sabi ni Kiana eh bumalik na kami sa line namin at kailangan namin mag hiwalay ni Dyn dahil magkaiba yung section namin pero nasa iisang strand parin naman.
Kailangan daw kasi by section kapag mag mamarcha papunta sa uupuan. Kakaexcite nga eh. Nang ma kompleto na kami ay dun na nila kami sinabihang mag umpisa ng lakad at nauna yung strand at section namin kaya todo smile yung mga classmates ko kahit ang iba sakanila ay kabado. Nang makita ko si mama ay grabe yung iyak niya kaya feel na feel ko na worth it lahat ng pagod at hirap ko, kasama niya pa talaga yung mama ni Dyn. Legal na pala kami both side baka nahuli na rin kayo sa chismis eh.
My mom and Dyn mom mouthed congrats to me na kaagad ko namang pinagsalamatan.
Nang makaupo na ako sa upuan ko ay hinintay lang namin yung ibang section at strand ng school bago nag simula yung ceremony. Maraming ng opening speech pero ang pinakahinihintay ng lahat ay ang Speech ng Summa cum laude.
"Let's all hear the speech of our Summa cum laude Ms. Ciara Dianne Millado" yes po im the summa cum laude and guess what my man is the magna cum laude kaya todo asar yung tatlo na couple goals daw kami.
Pagkatayo ko sa upuan ko ay yumuko kaagad ako sa harap at sa mga tao dito bilang respeto bago pumunta sa stage. Kabado pero masaya ako.
"Good day everyone. People know me as Ciara and i wouldn't have been able to get here if it wasn't because of my parents. So I'm very thankful for the support that my parents and friends gave to me. To my teachers I thank you for tirelessly teaching us. By flooding us with new knowledge that we can take to the next stage of our lives. Classmates and to my fellow students finally we have overcome this challenge in our life and next time we will face another challenge and I'm sure we will overcome this because we know that we only want one thing, and that is to make our parents proud. We have been through so much that we have come to the point where we have fallen but we will not give up because a good future awaits us all.And to the one man who accompanied me through the challenges of my life, I can only say one thing to you and that is that I love you and I will never be tired of supporting you." gulat si Dyn ng dahil speech ko , di niya kas inaasahan yun pero kahit di ko man sabihin ay alan niyang lubusan akong nagpapasalamat sakanya.
Pagkatapos ng speech na yun ay nagpatuloy na ang awarding at kagaya ng inaasahan ng lahat ay ako at si Dyn ang may maraming nakuhant Awards. We deserve it naman kasi alam namin ng pinaghirapan namin to.
Bago kami pumunta sa restaurant na pina reserve ng pamilya namin ni Dyn ay nag picture muna kaming lima, ako si dyn, kiana, jillian at zywren. Best high school life ever!
"Jillian, wag kalimutan mag pa pic kay press HAHAHHA" paalala ko kay jillian bago kami umalis.
Nang makarating kami sa restaurant ay handa na ang lahat ng pagkain at todo bati naman yung mga magulang ni Dyn saakin at ganon din yung magulang ko kay Dyn. Sobrang saya ng feeling ko ngayon. Hinding hindi ko to malilimutan!
Habang kumakain ay kinuha ni Dyn yung kamay ko sa ibabaw ng mesa at pinag holding hands niya sa ilalim kaya tuloy ay isang kamay lang yung gamit ko kung kumain. Walang masyadong tanong yung mga magulang namin kaya mabilis lang maubos yung pagkain namin.
"Ma... may pupuntahan kami ni Dyn.." pagpapaalam ko sa nanay ko pero lahat sila ay tumingin saamin. Iniisip yata nila na tatakasan namin sila, kaya nga nagpapaalam eh.
"Di ako magtatanong kung saan kayo pupunta pero umuwi kayo ng maaga." agad naman kaming umalis pagkasabi ni mama ng ganon
Ako nalang yata yung hindi nakapag paalam dahil si Dyn ay kanina pa nakapag sabi.
Nag commute lang kami hanggang sa marating na namin yung daan papunta sa Secret Garden. Yes dun kami pupunta. Kagaya ng dati ay masukal parin ang daan pero agad rin naman naming narating ang destinasyon namin. Sa sobrang pagod ay parehas na kaming nakahiga sa damuhan habang tinitignan ang dilaw na kalangitan.
"Anong plano mo sa college?" tanong ni Dyn
"Med, mag pro- proceed ako sa med school dahil yun ang pangarap ko eh ikaw?"
"Gusto nila mama mag engineer ako pero alam mo naman yung pangarap ko diba? Gustong gusto ko yun maabot kaya ngayon palang ay mag au-audition nako sa maraming singing contest at mapalad na sana sa susunod ay mapili bilang artista." He really want to be a singer and an artist at the same time. Saksi ako kung paano niya paglaanan ng oras ang musika.
"Kahit alin pa diyan sa mga pangarap na yan ang gusto mong abutin, palagi mong tatandaan na nandito lang ako at handang sumuporta sayo.." Hinding hindi kita iiwanan sa kahit anong laban mo basta wag mo rin akong iwan mahal..
"Mahal na mahal kita Ciara.."
"Hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo Dyn."
YOU ARE READING
Rock of Love
Teen FictionThis is the story of love that started with music. Music that everyone is obsessed with. Pero sinong mag aakala na ang isang babae ang nahulog mismo sa taong minahal ang musika. Sa taong naging musika na ang buhay. Dyn Marc is the boy who will do ev...