Unang araw at sabay natin sinalubong ang bagong taon. Inaasar pa kita na masarap sobra ang coffee jelly na ginawa ko, hindi ko mawari kung totoo ba ang sinasabi ko.
Akala ko magiging mabuti ang taon na 'to sa atin ngunit hindi pala..
Nagkasunod-sunod ang mga problema natin lalo na sa relasyon natin. Nung malapit na ang iyong kaawaran, sinubukan kong magtipid para maregaluhan kita sa iyong kaarawan. Dahil sinabi mong hindi ka nakakatanggap ng regalo sa birthday mo.
At ito na nga, ang iyong kaarawan. Sinabi kong gusto ko makipagkita sa'yo ng maaga, bago pumasok.
Binilhan kita ng stuff toy na ice bear kasi ang cute eh. Nakakatuwa lang kasi kineep mo 'yung bigay ko. Vinideohan ko pa kasi gusto ko maging memorable ang birthday mo kaso nagerror pagvideo ko hehehe sorry.But still i'm still happy and proud for you, andaming problema ang dumating sa buhay mo pero ito ka buhay na buhay. I hope maging matagumpay ka sa lahat ng pagsubok.
After nito maraming nagbago pa lalo. Katulad ng naging busy tayo sa practice para sa theater, kasi isa ka sa actors. Nakakatuwa kasi sa tuwing umaacting ka, nakinang mga mata mo. Sarap talaga sa pakiramdam makita ang minamahal mo na gagawin ang lahat tumaas lang ang grades, nagsusumikap para sa kinabukasan.
Nanood pa tayo ng mayonnaise concert nun kahit saglit, lahat ng first time sa'yo ko lang naranasan talaga.
YOU ARE READING
PARA EL AMOR DE MI VIDA
Novela JuvenilTwo people met and fell in love with each other, but because of some unexpected circumstances, they had to let go of each other. Both are hurt, miserable and full of false hope. Maybe they need to heal themselves and grow individually. Will their li...