CHAPTER 17
"I-ito ba 'yong bahay nila mama?" Tanong niya kay Aillyn habang tinuturo ang katapat na bahay. Bago lang sila nakarating dito sa Pangasinan.
Tumango-tango ito. "Oo, 'yan nga." Sagot nito sa kanya habang naka-cross arm. Nilibot niya naman ang paningin sa kabuuan nito. Ang paligid ay malinis naman at marami ring kahoy ang nakapalibot. Pero bakit ganon, wala pa rin daw siyang maalala?
"Pasok na tayo?" Tanong nito sa kanya, tumango nalang siya at umuna naman si Aillyn sa kanya tsaka siya sumunod sa paglalakad.
"Tao, po?" Tawag ni Aillyn sa loob ng bahay nila.
Binuksan naman nito kaagad. "Ano po yu-" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng makita siya.
"A-ate?" Tanong nitong nakatingin sa kanya. Hindi ito nakagalaw sa kinatatayuan.
"Oo, siya ang ate mo. Asan pala ang mama mo Lex?" Tanong ni Aillyn, pero hindi parin ito gumagalaw sa kinatatayuan. "Hoy Le-" hindi rin ni Aillyn natuloy ang sasabihin nang yumakap na ito kay Rian.
"Ate, miss na miss kana namin" sambit nito kay Rian, ginantihan naman iyon ni Rian nang yakap. "Bakit hindi ka na umuuwi ate? At bakit ang tagal mong pumunta rito?" Dagdag pa nitong kapatid niyang nakayakap parin sa kanya, nakaramdam naman siya ng pangungulila at awa. Dahil doon Tumulo ang luha niya.
"S-sorry huh, hindi nakauwi si ate dahil... " inisip niya kung ano ang sasabihin. "D-dahil may trabaho si ate at busy." Pagsisinungaling niya dito dahil alam niyang mag-aalala ito kung sinabi niya ang totoo dito.
"Pero, bakit po hindi kayo nag papadala?" Tanong nito sa kanya, ilang segundo rin siyang hindi nakasagot dahil iniisip pa niya ang isasagot. Pero ilang minuto rin yun nag tagal nang magsalita na siya.
"A-ah, kasi hindi ako nakuha noong una" sagot niya dito at pinunasan na ang luha. Humarap na siya dito nang kinalas ang yakap. "Sila mama? Gusto kong makita sila." Iyak na naman niyang sabi dahil miss na miss niya na ang mga ito.
"Nasa palengke po ate, at silang Julie naman nasa paaralan pa." Tumango naman siya. "Halika ate dito tayo sa loob, ikaw rin po ate Aillyn." Pagyaya nito sa kanilang dalawa sa loob.
Tumingin muna siya kay Aillyn bago nagsalita."Ahm, ilan ba tayong magkakapatid Lex?" Tanong niya dito, nagtaka naman ito.
"Bakit ate? Hindi niyo po alam?" Takang tanong nito sa kanya. Tumingin naman si Aillyn sa kanya, at ginantihan rin niya ito namay halong pagsisinyas na tulungan siya.
"Ah kasi Alex, hindi kasi siya na informed na madami na pala kayo" sambit ni Aillyn sa kapatid niyang si Alex. Badaw ito.
"Oo ganon nga Lex, hehe." Sagot niya dito.
"Ah ganon po ba," sagot nito. "Pero ate, Rex po ang tawag niyo sa akin hindi po Lex" lumungkot ang ekspresyon ng mukha nito. Nanghihingi na naman ang mga mata niyang tumingin kay Aillyn.
"Ah, hindi ba yun pwede Lex itawag sayo?" Tanong ni Aillyn dito.
"Kasi sabi ni ate noong bata ako pag Rex daw tinawag niya sa akin ibigsabihin no'n baby niya ako" ngusong sabi nito, natawa naman siya Doon.
"Ah, ganon ba" sagot lang ni Aillyn.
"But I can call you Rex if you want" sabi niya dito. Ngumiti naman ito.
"Sige po, ate " yumakap ito sa kanya nang masaya, napatingin naman sila kaagad sa pinto nang may pumasok doon.
"Alex pakilagay it-" nalaglag nito ang dinadala nang makita siya nito.
"Rian?" Tawag nito sa kanya, napatayo naman siya Doon bigla.
"Mama?" Sagot niyang naiiyak.
"Anak, bumalik ka" tumakbo ito papalapit sa kanya at niyakap siya nitong mahigpit.
"Alam mo bang miss na miss kana namin ng papa mo at mga kapatid mo" bakas sa tono ng boses nitong may pangungulila, ginantihan rin niya ito ng yakap at umiyak nalang sa bisig.
"A-ako rin po, miss na miss kona kayo" nanginginig naman ang boses niyang sinabi ang mga salitang iyon, dahilan siguro sa pangungulila din niya sa mga ito.
"Bakit ba hindi ka na umuuwi? At wala na kaming balita sayo" kinalas na nito ang pagkakayakap.
"Ah, kasi po m-" hindi niya natuloy ang sasabihin ng napatingin siya sa pintuan ng pumasok doon ang medyo kakunutang lalaki.
"Papa?" Tawag niya dito.
"Rian?" Sagot nito, "anak, bumalik ka" tumakbo din ito papalapit sa kanila.
"Ate,Rian" sabay na sabay na sambit ng kaniyang mga kapatid nang makita siya, lumapit din ito sakanilang tatlong nagyayakapan, natuwa nalang siya Doon at napaiyak. Nag group hugs silang lahat pati narin si Alex nakisali narin. Puno ng kasiyahan ang puso niya dahil nakita niya ang kaniyang pamilyang masaya at kumpleto kahit nakatira lang ito sa bahay nilang kubo.
"Aillyn, dito ka nalang kumain. Magluluto ako ng masarap at bukas ka nalang bumisita sa mama mo"rinig niyang sabi ng ina niya kay Aillyn. Habang siya ay nasa sopa lamang nakikipagkwentohan sa kaniyang mag ka kapatid.
" sige po tita, mukang masarap ngayong niluluto niyo ngayon" ngumiti naman ang mama ni Rian sa narinig at pati rin siya napangiti.
Binalik niya naman ang atensiyon kay Julie nang magtanong ito sa kanya. "Ate, ano bang nangyari doon sayo? May asawa kana ba? May boyfriend ba?" Halo halong tanong nito nang ikinatawa niya. Ginulo niya ang buhok nito nang biglang naalala niya si France.
Patay, si France.
"Wala pa akong boyfriend at asawa." Sagot niya kay Julie.
"Ah, ganon po ba." Sagot lang nito. Ngumiti naman siya.
"Ate, bakit Hindi mo alam kung ilan tayong magkakapatid?" Natigilan siya sa sinabi ni Alex at napatingin kay Aillyn na ngayon ay naka upo na sa tapat na sopa.
"A-ah, kas-" Hindi na naman natuloy ang sasabihin niya nang tinawag na sila ng kanilang ina.
"Rian, Aillyn halina kayo ni Rian at makakain na. " tawag nito sakanilang dalawa. "Julie, yung mga kapatid mo tawagin mo at kakain na tayo" pagsabi nito kay Julie. Hinila naman siya kaagad ni Aillyn dahil Hindi pa siya tumatayo sa inuupuan niya at nagtataka na ito.
"Nahihiya ako Aillyn" sabi niya dito, pilit naman siyang hinihila ni Aillyn.
"Baliw ka ba? Pamilya mo lang sila tapos mahihiya ka?" Sagot nito. Hindi nalang siya nagsalita nang tuluyan nalang siyang hinila ni Aillyn patungong sala.
Nilagyan siya ng kaniyang ina ng kanin, ulam at sinalinan narin ng juice, natuwa naman siya sa ginawa nito.
"Kumain ka lang, anak." sabi ng ina niya.
"Sige po" sagot niya dito.
"Kumusta naman kayo, Aillyn, Rian?" Tanong ng ama niya sakanilang dalawa ni Aillyn.
Ngumiti naman si Aillyn bago nagsalita."Okay lang po tito." Sabi niya dito.
"Ah, ganon ba?" Sumubo naman ito ng kinakain. "Bakit pala Hindi naka uwi si Rian noong nakalipas na tatlong taon?" Susubo na sana siya sa kaniyang kinakain nang marinig iyon.
Sa tuwing tatanungin nila ako niyan parang naninikip ang dibdib ko at naa-alala ang nakaraan. Please, Tama na, sumasakit na ang dibdib ko.
Napahawak siya sa kanyang dibdib. Napatingin naman sila lahat sa kanya.
"Rian, ayos ka lang?" Tanong ng ina niya sa kanya.
"Wala po, gusto ko lang po ng tubig." Kumuha na siya ng tubig at ininom iyon. Naninikip ang dibdib niya.
"Rian, okay ka lang?" Tanong ni Aillyn nang pabulong.
"Iinomin ko lang ito ng tubig." Sagot niya dito, tumango naman ito.
"Tapos na po ako, at uuwi nalang po kami ni Aillyn" bakas sa mukha niyang nag-aalala na siya sa kanyang anak dahil si Betty lang ang kasama nito at nandon naman ang anak ni Aillyn.
"Huh? Bakit, Hindi ka ba matutulog dito?" Tanong ng kaniyang inang nalukot ang nuo sa narinig. "Hindi dito nalang kayo matulog, gabi na at mapano pa kayo sa dadaraanan niyo." Dagdag pa nito.
"Ah, kasi po... " napa-isip muna siya nang isasagot. "May anak po kasing naghihintay si Aillyn doon" sagot niya dito. Nasiyahan naman siya sa nasagot. Napanganga narin ang kaniyang Ama at mga kapatid pati narin ang ina niya.
"May anak ka na?" Sabay nilang tanong kay Aillyn."
-elsheisLady
YOU ARE READING
MY PROFESSOR IS MY EX BOYFRIEND (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING) He was scared of his mother. If he did not go to the US, he would also lose his sight and food. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and lea...