"Good luck my future doctor!"
"Good luck din sayo my future artist and singer, daming pangarap ah" Pasali naman sa mga pangarap mo lods
Inaasar ko siya habang naglalakad kami papuntang school dahil kanina pa niya ako tinatawag na future doctor.
"Oh by the way, pupunta nga pala ako later sa station ng tv show dahil may small projects daw sila na ibibigay sakin, you know bagohan pa lang ako kaya tiis daw muna sa mga small projects." Owemjiii im so proud talaga, lahat naman nag sisimula sa maliit na projects eh, di nako makapag intay na makikilala siya ng lahat.
"Pasok kana future doctor ichachat nalang kita later pag nakauwi nako, at ikaw din mag chat ka kapag naka uwi kana." daming habilin ah palibhasa ngayon lang kami mahihiwalay pero magkikita parin naman mamayang gabi.
"Sure my idol, advance congrats sa project i love you!!"
Pagkapasok ko pa lang ng room ay naninibago nako.Parang nung nakaraan lang kami naka graduate ni Dyn kasama yung mga kaibigan namin eh. Speaking of mga kaibigan mahihiya na sana ako sa room na to dahil wala akong mga kilala eh, akala ko lang pala yun.
Ang nakangiting mukha ni Kiana, Jillian at Zywren ang nakita ko habang nakatingin sakin. Teka, paano? Panong nangyari na ditong school din sila? at mag kaklase pa talaga kami ha!
"Surprisee!!" sigaw pa nila shittt nakakahiya sa mga kaklase namin.
"Teka? panong nangyari na dito din kayo nag aaral" takang tanong ko sakanila kasi naman nung tinanong ako ni jillian dati eh dalawang school yung sinagot ko na pagpipilian ko.
"Simple lang dito kami nag enroll eh." ahh talaga zywren uso ngayon mamilosopo?
"Alam ko kaya nga naka pasok kayo eh, pero sigurado ba kayo na mag memed din kayo?" sapagkaka alam ko kasi eh iba iba desisyon nila sa buhay niyan dati eh
" Alam mo bestfriend di man kami kasing talino mo eh handa ka parin naming sabayan no at isa pa andyan ka naman para tulungan kami." ahh ganon? So nag med ang mga to dahil nandito ako?
"Ewan ko sainyo kiana, nakakasakit kayo ng ulo!"
"Pahalikan mo nalang kay Dyn, sweet niyo nung nag enroll ka dito eh kaya nga di na kami nakalapit."
"Isa ka pa jill sabi mo susundan mo si pres." todo pangako pa yan na kung nasan daw si pres ay nandun din daw siya mag aaral ending ako parin yung sinundan
"Ciara ayoko na mag tampo ka no at isa pa girl sa UP yun nag enroll, di ako matalino maganda lang talaga ako."
"Teka nga upo ka muna Cia, ikaw na mamili ng upuan mo alam naman namin na ayaw mo magpadisturbo oras ng klase eh." Buti di pa yun nakakalimutan ni Kiana
Kapag kasi oras ng klase ay gusto ko di kami magkakilala dibale nalang kapag may group activities or projects. Hirap kasi mag focus kapag mamayat- maya ay may tumatawa sayo. Magkatabi yung tatlo na naka upo sa second row kaya pinili ko nalang yung nasa unahan nila para naman rinig kaagad mga pinagsasabi ni prof.
"So anong update na sainyo ni Dyn? pa chismis naman beh" kiana niyo hanggang ngayon chismosa parin.
" naging kayo lang di kana nakapag update samin, nakakatampo na!"
"Oo na magkwekwento na."
"Bilisan mo" ay atat na atat ah di makapag hintay.
"Sa ngayon ay magkasama kami ni Dyn sa iisang apartment. At--"
"Ano?!!! sa iisang apartment??" nakakahiya na!! napatingin yung ibang classmate namin eh! nag oover react na tong si Kiana, sumigaw pa talaga.
Di man lang kasi muna ako pinatapos salita agad eh. Sana man lang patapusin akong mag salita yung dalawa di pa nakakatulong at nag react din agad.
"Patapusin niyo muna ako." parang awa niyo na di tayo matatapos sa kwentuhan nato kung di niyo ako papatapusin!
"Oo na simulan mo na ulit." sana naman jillian wag ka ring sumigaw.
"So yun kagaya ng sabi ko ay magkasama kami ni Dyn sa iisang apartment para hindi narin kami masyadong mahirapan pa at isa pa pinayagan kaya kami ng mga magulang namin."
"Really pinayagan kayo nila tita? Sanaol na lang, pano nalang kaya kami ni bebe ko?" ewan ko sayo kiana, sabihan mo itanan ka, tignan natin kung mag sasanaol kapa.
"Guys hindi naman kasi kami nagdedesisyon ng padalos- dalos lang no. At kung sakaling di kami payagan edi hindi pero wala eh lakas ng tiwala nila samin eh." ang yabang ko naman nun HAHHAHAH
"So saan nag aaral ngayon si Dyn?" eto yung bestfriend ni Dyn na binalewala simula nung maging kami HAHAHAHHA kawawang Zywren kahit sa career ba naman ng kaibigan ay di updated.
"Di na nag aaral si Dyn."
"Baket?"
"Hala why?"
"Ba't di na nag aral"
tatlong tanong pero iisang sagot lang naman yung kailangan nila.
"He pursue his dreams. Alam niyo naman na pagkakanta talaga yung gusto niya simula pa lang umpisa diba? Kaya ayun pinasok niya na rin ang pagiging artista." gulat silang lahat eh. Simula nung naging kami kasi ni Dyn ay hindi naman kami napalayo sakanila ayun nga lang naging busy kami.
Palagi na kasi nun sumasali si Dyn sa mga singing contest at hindi ko rin naman maaya yung mga kaibigan ko kapag nanunuod ako dahil may kaniya- kaniya naman kaming mga gawain.
"So he's going to be an idol na?" akala ko nawala na yung pagka conyo ni jillian, akala ko lang pala yun.
"Yes may small projects na siya na gagawin, yun nga yung pupuntahan niya later eh." Sana mag tuloy- tuloy na yun talaga.
"Hala beh artista na yung jowa mo!!"
"Truelala!!"
"Oh god! magaartista na yung bestfriend ko"
Di ko alam kung nasobrahan lang ba talaga sila sa balitang nakuha nila o napaka oa lang talaga nila. Buti nalang talaga at walang mga pake yung mga kaklase namin dahil ang iingay nila. Halos boses na nila yung maririnig sa buong room!
"Who said you can scream? Before gossiping in the morning, remember that studying is what you will do, not talking to your seatmate!!"
Agad naman kaming napayuko sa kahihiyan dahil ang aga-aga at first day of school eh nasigawan kami. Di naman namin kasi alam na nandito na yung prof. Tindig palang nakakatakot na.
Dito na ako yata titiklop, dagdagan pa nung titig niya na akala mo may ginawa kang masama. Ganito ba talaga kapag college? bakit parang sa iba hindi naman ah.
YOU ARE READING
Rock of Love
Fiksi RemajaThis is the story of love that started with music. Music that everyone is obsessed with. Pero sinong mag aakala na ang isang babae ang nahulog mismo sa taong minahal ang musika. Sa taong naging musika na ang buhay. Dyn Marc is the boy who will do ev...