Chapter 12

3 2 0
                                    

"Ano na idol?" kanina pa kinukulit ng tatlo si Dyn, mga kalokohan nila na di ko na kinaya.

Ano daw ba kasi yung first project ni Dyn para daw mapaghandaan nila pero ayaw sabihin ni Dyn dahil ako daw dapat mauna ang makakaalam. Sorry nalang sakanila girlfriend kasi muna HAHAHHA

"Malalaman din naman yan ni Ciara kapag sinabi mo ngayon eh, ayaw mo nun isang sabi apat agad makakaalam." kanina pa to nangungulit si Kiana eh palibhasa kasi fan ng mga artista.

Sa totoo lang wala sanang mga engot ngayon eh pano ba naman kasi nung nalaman na susunduin ako ni Dyn ay sumama na rin sila at nag aya pa talaga ng street foods ha. Grabe na to maningil mga kaibigan ko ha.

"Bukas na bukas promise malalaman niyo."

"Nako pre sure na yan ha, dami mo ng utang sakin." hanggang ngayon ba naman ay di parin nag babago si Zywren? Kala mo naman babae kung makatampo eh

"Anong oras kayo uuwi?" isang malaking pagkakamali na itinanong to ni Dyn HAHAHAHAH

"Pre ngayon nalang ulit tayo nag kita nagmamadali ka na kaagad na masolo si Ciara?" selos na selos ah

"Dyn amin na muna kaibigan namin oh."

"Nako Dyn kami nauna diyan, paalala ko lang kapag yan sinaktan mo babaliin ko buong katawan mo!" Si jillian pinapauwi lang eh dami na kaagad alam.

"Hahaha kalma jill di ko sasaktan to, nagtanong lang ako kung anong oras kayo uuwi eh kasi mag gagabi na at mahirap bumyahe." concern lang pala yung bebe ko dami na agad ng sinasabi yung tatlo

"Maya na kami uuwi, kayo ba?" buti naman at naging maayos kausap tong si kiana

"Kapag nakauwi na rin kayo, malapit lang din naman apartment namin eh."

"di ka pagod mahal?" bulong ko sakanya dahil magagawan ko naman ng paraan na mapauwi tong tatlo eh.

At isa pa kagagaling niya lang kasi sa meeting nung sinundo niya ako kaya baka pagod na to at hindi lang maka ayaw sa mga kaibigan namin.

"hindi pa naman.."

"Dyn kapag sumikat ka anong unang- una mong gagawin?" na curious din ako diyan eh, buti nalang tinanong ni kiana

"Papakasalan kaibigan niyo." Woah di man lang nag isip, sagot agad ah.

Siyempre ako na to eh, di pa ba papakasalan? HAHAHAHHA kinilig na naman ako.

"Sus wag pigilan ang kilig Cia, kitang kita namin yang mukha mo oh." mas lalo akong namula sa sinabi ni jillian kaya tumalikod ako sakanila pero pinagtawanan parin.

"Pero totoo papakasalan mo?" bakit parang sila pa yata yung naninigurado?
May trust issue bang mga to?

"Oo naman bakit hindi? Nasa kanya na lahat. Kung wala nga yang class ngayon eh baka sinamahan niya na ako kahit sa meeting. Tama nga kayo kahit di pako sumikat eh may number one fan nako." sumikat ka man o hindi mananatili parin ako diyan.

Rock of LoveWhere stories live. Discover now