Chapter 16

4.3K 106 4
                                    

Mabilis ang naging recovery ni Madelaine. Kaya agad na naiuwi ito sa condo ni Euseph. Hindi pa din iniiwan ni Carlos si Cristine. Lagi pa din itong nakaalalay sa dalaga.

" You don't have to do this. Ok na ang lahat sa amin. ",minsan ay sinabi ni Euseph kay Carlos. Nasa condo kasi nito si Carlos,binibisita na naman si Cristine.

" I insist. Kasiyahan kong alagaan si Cristine. ",sagot naman ni Carlos.

" I can do that! Isa pa,baka kung mapaano na naman si Madelaine kapag nalamn nito kung sino ka talaga. ",sabi ni Euseph.

" Kay Madelaine nga ba talaga ang problema? ",tanong ni Carlos.

Buhat sa pinagkukublihan,lumabas si Cristine. Nahahalata n'yang mainit na ang tensyong nakabalot sa dalawang lalaki.

" Carlos,umuwi ka na. Gabi na oh. Salamat talaga ha! ",ang sabi ni Cristine.

" Ikaw pa. Basta hindi kita iiwan. Kung kailangan mo ako,nandito lang ako. ",sabi ni Carlos,tinitigan pa si Cristine. Ngumiti lang si Cristine.

" Sige na. gagabihin ka masyado. salamat ulit. ",pagtataboy na ni Cristine sa binata. Kita n'yang nagbabaga na ang mga mata ni Euseph.

" basta,mag-iingat ka. Ano man ang mangyari,tawagan mo agad ako ha! ",bilin ni Carlos,bahagyang binalingan si Euseph.

Nagtitimping naikuyom na lang ni Euseph ang kanyang kamao. Ano s'ya,rapist?.

" Ok! Bye! ",hinila na ni Cristine si Euseph. Kumaway pa ito sa binata. Nang maisara ang pinto,sininghalan s'ya ni Euseph.

" Dito pa talaga ginagawa ang landian n'yo! ",singhal ni Euseph,ngunit pabulong.

" Edi magdala ka din ng kalandian dito! ",taas kilay na wika ni Cristine,sinabayan ng talikod. Ngunit hinila paharap ni Euseph ang dalaga. Isinandal ito sa dingding at tinitigan. Tila naman nanlalambot ang tuhog ni Cristine, Lihim s'yang napalunok. Ramdam naman ni Euseph ang kasabikan. Kasabikan na muling mahalikan ang labi ni Cristine. Unti-unti n'yang inilapit ang mukha sa mukha ng dalaga.

" Let me go. ",anas ni Cristine,itinungo ang kanyang ulo. Pilit n'yang kinakalaban ang tunay na nararamdaman. Ayaw n'yang sa pangalawang pagkakataon ay masaktan ulit ng lalaking ito. Tila natauhan naman si Euseph,binigyan n'ya ng daan upang makaalis si Cristine. Nasundan na lang nito ng tingin ang papalayong dalaga. Bahagya nasuntok ang pader.

Nagmamadali namang pumasok si Cristine sa kwarto nila ni Madelaine. Agad s'yang napaupo. Huminga ng malalim.

" Mommy. ",ang tawag ni Madelaine.

" Baby,im here. ",tinabihan ni Cristine ang bata.

" Nasaan si daddy? ",tanong pa ni Madelaine.

" Nasa labas,Baby. ",sagot ni Madelaine. Tumayo ang bata at lumabas,pagbalik nito,hila-hila na si Euseph.

" Dito ka na din matulog,daddy. ",ang wika pa ni Madelaine.

" Ha? Hindi tayo kasya sa kama,baby! ",agad na wika ni Cristine.

" Kasya tayo. Maliit naman ako eh! ",sabi pa ni Madelaine. Humiga na ito sa gitna,bahagya pang tinapik ang magkabilang bahagi ng kama,nangangahulugang humiga na ang dalawa. napilitan tuloy ang mga ito na mahiga sa tabi ng bata.

" Dear God,thank you po dahil magkakasama na ulit kami nina Mommy at Daddy. Amen. ",dasal ni Madelaine. Lihim na napahinga sina Euseph at Cristine.

" Daddy,kiss mo na si Mommy. Para tutulog na tayo. ",wika pa ng bata.

" Baby,sabi ng Doctor,bawal kang magpuyat. kaya matulog kana. ",wika ni Cristine.

" Kaya nga,Mommy. Magkiss na kayo ni Daddy para makatulog na ako. ",wika naman ng bata. Napahinga ng malalim si Cristine.

" Halik na! ",wika ni Cristine kay Euseph,nandilat ang mga mata.

" Wag na. Galit pa. ",tampo pa kunwari si Euseph.

" Mommyyy! ",nguso ni Madelaine.

" Hindi ako galit ah. Halik na. ",sabi ni Cristine,pinalambot ang tinig. Pero nanggigigil.

" Baby,saan mo gustong halikan ko si Mommy? ",nagtanong pa si Euseph sa bata.

" Lips. ",agad na sagot nito. Binalingan ni Euseph si Cristine. Tiningnan na tila ba,wala na silang magagawa dahil yun ang gusto ng bata. Lihim na napasimangot. Saka ngumit ng pilit.

" Dali na! Antok na ako! ",sabi pa ni Madelaine.

Inilapit na nga ni Euseph ang mukha sa mukha ni Cristine. Hindi naman kumikilos ang dalaga. Pero tila sasabog ang dibdib n'ya sa sobrang kaba. Hanggang sa naramdaman na lang n'ya na lumapat ang labi ni Euseph sa labi n'ya. Pilit na ginagalugad ang kanyang bibig. Gustong tugunin ni Cristine,ngunit nangingibabaw ang takot at galit kung magpapadala na naman s'ya sa kanyang emosyon. Kaya sinikap n'yang wag tugunin ang halik nito. Naramdaman naman ni Euseph na balewala kay Cristine ang ginagawa n'ya,kusa na itong huminto sa paghalik sa dalaga.

" Yehey! Goodnight Mommy and Daddy! ",masayang wika ni Madelaine,hinalikan pa ang dalawa at nahiga na sa kama. Humiga na din sina Euseph at Cristine. Ngunit hindi mapakali si Euseph. Ibang-iba na talaga si Cristine. Marahil ay dahil sa lalaking iyon. Pero bakit nakakaramdam s'ya ng sakit? Hindi maipaliwanag na sakit. Sa kaalamang iba na ang iniisip at nilalaman ng puso nito. Ngayong magkasama ulit sila,tila kay layo naman nito sa kanya. Magdamag na nag-isip ng paraan si Euseph kung paano maibabalik ang dati. Ang samahan nila ni Cristine. At gagawin n'ya lahat mabawi lang ulit ang dalaga.

MAHALIN MO NAMAN AKO (SERIES 2: DESPERADA'S) By: Reinarose (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon