Ang malakas na tunog dulot ng pagsalpok ng sasakyan ni Cristine ay pumailanlang sa buong lugar na iyon. Hindi halos makakilos ang ilang nakasaksi. Nag-uusok na ang kotse ni Cristine.
" Tingnan n'yo,baka buhay pa! ",wika ng nag-uusyoso. Ilang sasakyan na din ang huminto dahil nagkakagulo na.
Nilapitan nila ang duguang si Cristine.
" May pulso pa,pero napakahina! ",sabi ng isa. Pinilit nilang alisin ang katawan ng dalaga. Naipit kasi dahil sa pagkakayupi ng sasakyan nito. Ilang sandali lang,ang tunog ng paparating na ambulansya ang nagpahawi sa mga nag-uusyoso. Nailabas na din ang duguang katawan ni Cristine buhat sa kotse nito. Agad na inasikaso ang dalaga upang dalhin sa ospital.
....
Panay na ang silip ni Euseph sa pintuan ng kanyang condo. Gabi na ngunit hindi pa nadating si Cristine. Tinatawagan n'ya ito ngunit naka-off ang phone nito. Bigla na lang uminit ang ulo n'ya sa hinalang kasama nito ang Carlos na iyon. Hindi na talaga makapaghintay pa di Euseph. Tinawagan na n'ya si Len.
" Len,kasama mo ba si Cristine? ",tanong ni Euseph ng sagutin ng dalaga ang tawag n'ya.
" Ha? Maaga s'yang umalis. Nagpaalam na uuwi na dahil masama daw ang kanyang pakiramdam. ",sabi ni Cristine.
" Pero wala pa s'ya dito. Mag-aalas-otso na. ",wika ni Euseph.
" Ganoon ba? Tatawaggan ko nga. ",sabi ni Len.
" Naka-off ang phone n'ya. Hindi kaya kasama s'ya ni Carlos? ",nagsalubong na ang kilay ni Euseph.
" Wala na sa Manila si Carlos. Bumalik na sa Bagiuo matapos tapatin ni Cristine na hindi nito mahal si Carlos. ",ang bida pa ni Len.
" Ha? Kung ganoon,nasaan s'ya? ",biglang kinabahan si Euseph.
" Wait,Euseph. May incoming call ako. Daddy ni Cristine. Saglit lang ha. ",paalam ni Len bago sinagot ang tawag ng Daddy ni Cristine. Nagstand by ang tawag ni Euseph.
" Tito,napatawag po kayo. Kamusta na po? ",ang bati ni Len.
" L-len,si C-cristine. Ang anak ko! ",wika ng ama ni Cristine,sinabayan pa ng hagulhol.
" Tito,anong nangyari? ",biglang kinabahan si Len.
" Naaksidente ang anak ko. ",wika ng papa ni Cristine.
" No! Where is she? How is she? ",bumukal na ang luha ni Len. Hindi na magawang magsalita ng ama ni Cristine. Ibinigay na lang nito ang ospital kung saan dinala ang anak.
Napahawak naman si Len sa upuan. Nangalog ang kanyang kalamnan.
" Ok ka lang ba? ",tanong ni Arbie,binigyan ng tubig ang umiiyak na kaibigan.
" Anong nangyari? bakit ka umiiyak? ",maiiyak na din si Arbie.
" Si Cristine,naaksidente! ",hagulhol na si Len. napahagulhol na din si Arbie. Nagayakap ang magkaibigan. Naalala ni Len si Euseph. Muling kinausap ang binata.
" E-euseph. ",umiiyak pa din si Len.
" Hey,what wrong? ",hindi maalis ang kaba ni Euseph.
" Si Cristine,naaksidente. ",wika ni Len. Ibinigay na lang n'ya ang ospital na kinaroroonan ni Cristine at pinatay na ang kanyang tawag. Nagmamadali na silang umalis ni Arbie para puntahan ang kaibigan.
Nangalog ang tuhod ni Euseph. No choice s'ya kundi isama si Madelaine. Nagmamadali na din n'yang tinungo ang ospital. Halos magkasabay na dumating sina Euseph at sina Len sa ospital.
" Tita,kamusta na po si Cristine? ",umiiyak na tanong ni Arbie. Hindi makapagsalita ang mama ni Cristine,lupaypay na ito.
" Tita,ano ba? Ano na ang nangyari kay Cristine? ",hagulhol na naman si Len.
Sa loob ng ICU...
" Dok,humihina po lalo ang pulse rate ng pasyente! ",wika ng nurse.
" Ihanda ang electric shock! ",utos ng doktor. Kita nitong bumababa lalo ang pulso ng pasyente.
" One,two,three! ",wika ng doktor bago itinapat ang aparato sa dibdib ni Cristine. Ngunit walang ipinagbago.
" Isa pa! One,two,three! ",ulit ng doktor,binomba na naman ang dibdib ni Cristine. Ngunit wala na talagang pag-asa.
50...40...30..20..10...9..........0
tot,tot,tot,tot,tot,tot,tot,tot,
Ang tunog ng aparatong nakakabit kay Cristine. Senyales na tuwid na ang linya. Hanggang sa idineklara ng doktor na patay na ang pasyente. Isang nurse ang lumabas upang ipaalama sa pamlya ng pasyente ang masamang balita.
" Hindi! Hindiii! ",ang sigaw ng mama ni Cristine bago ito panawan ng ulirat.
Nagyakapan naman sina Arbie at Len habang humahagulhol. Sabay pang napalupasay sa semento ang dalawa.
Tila naman isang bomba para kay Euseph ang narinig. Nagwala ito dahil gustong pumasok sa loob.
" Cristine,wag mo akong iwan! Cristine,gumising kaaa! ",sigaw ni Euseph habang umiiyak.
" Nandito si Madelaine. Wag mo kaming iwan,parang awa mo na. ",sabi pa ng binata.
" Cristine! Cristine,mahal na mahal kita! Wag mo akong iwannn! ",sigaw pa ni Euseph. Niyakap ang malamig na katawan ni Cristine.
" Gumising ka! Gumising kaaaa! ",hiyaw pa nito.
" Wag mo akong iwan! Mahal na mahal kita! Cristine! Cristineeee! ",paulit-ulit na sigaw ni Euseph habang yakap-yakap ang walang buhay na katawan ni Cristine.
Ngunit tila ang himala ay hindi laan para kay Cristine. Tila hindi para sa isa't-isa ang dalawa. Walang nagawa si Euseph kundi ang umiyak. Umiyak ng umiyak habang yakap ang bangkay ng babaeng pinakamamahal.
Bakit? Bakitttt? ",malakas na palahaw ni Euseph.