Warning ⚠️
R-🔞Please skip if you want.
Sa bandang receptionist pa lang nagtatalo na kami.
"Isang beses lang, Cari!" Kung alam ko lamang na may balak itong ganito sa pagpunta namin sa marangyang hotel, hindi na sana ako sumama.
Hindi na sana ako pumayag pa na ayusin namin ang aming relasyon.
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo?!" Halos bulyaw ko pabalik.
Napahilamos ito sa mukha, kanina pa siya kabado. Namumutla na parang ano mang oras ay mahihimatay. Tumanda ang itsura sa dami ng pinakakautangan niya.
I tried to pay them kahit maghingalo na ang savings account ko, sagad na.. walang perang maikakaskas palabas sa mga cards namin. Huwag na siyang gumawa ng mali kasi hindi na kaya ng aking konsensya.
Sa isang exclusive room kami pinapasok. Hinahatak ko ang aking kamay ngunit ayaw bumitaw ni Cariño.
Pumatak ang ilang butil ng luha na mabilis kong pinahid sa dalang panyo.
"Magpapakasal na tayo pagkatapos nito, Cari. Wala ng magiging problema. Do it for us, isipin mong ako yung lalaki. Promise, it will only happen once." Paki-usap niya.
Hinaplos niya ang aking buhok at humalik sa aking pisngi. Kahit anong ngiti nito ayaw mawala ng takot at galit na ngayon ay umuusbong sa aking puso.
Mahigpit akong kumapit sa kaniyang damit.
"Hindi ko kaya." Umiling ako.
Iba na lang, please!
Tuwing linggo, alas tres ng hapon hanggang ala-sais ng gabi nakikinig ako sa loob ng simbahan. Ang sermon ni father, ang aral sa huwag gagawin ang isang bagay na ayaw mo ring gawin sayo.
Nakinig ako ngunit hindi ko isinabuhay.
Ito.... pagbabayaran ko na ang aking kasalanan...
Ako naman ipambabayad ni Cariño sa taong pinagkakautangan niya.
Isang mahigpit na yakap ang sinagot niya sa akin bago ko maramdaman ang tila may tinurok ito sa aking balikat.
"I love you and I'm sorry, Cari." Bulong nito sa akin.
Biglang anong... maraming pumasok na kalalakihan pare-parehas ang suot na amerikana, malaki ang mga katawan at nakakatakot ang aura.
Ilang segundo lamang ang pagitan nang pareho kaming hinatak palayo sa isa't-isa, siya palabas habang ako ay papasok sa impyerno.
"Mahal na mahal kita Cariño." Huli na ito, dahil bukas hihiwalayan na kita. Wala nang balikan o aayusin sa ating dalawa. Ang ginawa mong ito sakin ay napakasakit, dinurog mo ang buo kong pagkatao.
Nagising akong iba na ang aking damit.
Mula sa simpleng itim na long sleeve dress na aking suot kanina, pinalitan nila ako ng puting manipis na bistidang pantulog.
Bakat ang may katamtamang kong dibdib nang mapadako ako sa napakalaking salamin. Ang desenyo pala ng damit ay tumatakip lamang sa dalawang nipples ko.
Ang init.. na uuhaw ako...
Masakit ang ulo ko tapos mainit pa aking katawan. Batid kong nasa isang malaking kwarto ako na may pabangong humahalimuyak sa buong silid.
Hindi madilim at hindi rin naman maliwanag saktong makikita ang buong kwarto na hindi sumasakit ang mga mata ko.
It's my scent, my perfume parang nabasag ang bote kaya't kumakalat ang amoy.
Sapo ang noo tumayo ako.