CHAPTER 21HINDI namalayan ni Rian na gabi na, at hindi man lang siya ginising ni Betty. Siya na lang tuloy ang kakain mag-isa mamaya.
Bumaba siya ng hagdan at nakita niyang nakapatay ang mga ilaw sa baba, kaya binuksan niya ang mga iyon. Pero hindi pa siya tuluyang bumaba nang pumunta muna siya sa kwarto nina Aillyn para tingnan kung nandito na ba ito o wala. Tiningnan niya iyon, pero wala si Aillyn doon, at ang katabi ng anak nitong matulog ay si Betty. Dahan-dahan niyang sinarado ang pintuan para hindi marinig ni Betty ang pagsara at magising.
Bumaba siya at kumain dahil kanina pa nanghihingi ang tiyan niya ng pagkain. Habang kumakain, kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tiningnan kung anong oras na.
1 AM na, at hindi pa rin umuuwi si Aillyn. Saan kaya ito nanggaling na naman?
Nasa kalagitnaan siya ng pagsubo nang makita niyang si Aillyn ay pumasok sa pinto. Naghinay-hinay pa ito sa pagsara ng pinto, at nang tuluyan nang maisara, tumingin ito sa taas bago bumuntong-hininga. Aakyat na sana ito nang bigla siyang sumigaw.
"Hoy!" Napatalon si Aillyn sa gulat.
"Ay, chokoy!" Hinawakan nito ang dibdib at tumingin sa gawi niya. Naiinis na lumapit ito sa kanya.
"Ikaw! Bakit ka ba nanggugulat? Alam mo bang muntik na akong atakihin kanina?!" sermon nito sa kanya.
"Alam mo? Mukha kang magnanakaw kanina," sagot ni Rian habang isinubo ang kanin mula sa hawak niyang kutsara. Napatingin ito sa kanya, saka bumaba ang tingin sa pinggan niya.
"Kumakain ka?" tanong nito. Naiinis naman si Rian. Kitang-kita nitong kumakain siya, pero nagtatanong pa.
"Hindi ba obvious?" sagot niya. Umupo ito at tinangkang agawin ang kutsara niya, pero hindi ito nagtagumpay dahil inagaw niya agad iyon pabalik.
"Ano ka, siniswerte?" sigaw niya rito. "Kumuha ka nga ng pagkain doon," utos niya habang tinuturo ang kaldero. Pinandidilatan lang siya nito bago siya iniwan sa mesa at pumunta sa kaldero para maghain.
Pagbalik nito sa mesa, umupo ito sa tabi niya at tiningnan siya na parang nagtatanong.
"Saan ka galing?" tanong ni Rian. Napansin niyang namumula ang pisngi nito. "Bakit ka namumula?" tanong niya uli at hinawakan ang pisngi nito. Agad namang tinapik ni Aillyn ang kamay niya.
"Alisin mo nga 'yan," sabi nito. Inalis naman niya kaagad.
"Saan ka nga galing?" tanong niya uli.
"Sa o-ospital," sagot nito na parang nauutal.
"Weh? Baka sa iba na 'yang pag-oospital mo ah," biro niya habang tinutusok ang tagiliran nito.
"Issa, Rian!" sigaw nito. Tumigil naman siya agad.
"Saan nga?" muling pamimilit niya.
"Fine, kay Kio."
Susubo na sana siya nang marinig iyon.
"Anong ginagawa mo doon?" takang tanong niya.
"Pinuntahan, malamang. Nag-alala kasi ako sa kanya," sagot nito.
"Yun lang ba?" tanong niya habang tinitigan ito nang may pagsusuri.
"Bahala ka nga diyan," sagot nito bago tumayo at inilagay ang pinggan sa lababo. Tumayo na rin siya.
"Mauna na ako sa taas, matutulog na ako," paalam nito. Tumango siya at hinugasan ang pinagkainan nilang dalawa.
Pagkatapos niyang maghugas, umakyat na rin siya at pumasok sa kwarto para tabihan ang anak sa pagtulog.
Maaga siyang nagising para pumunta sa palengke dahil wala nang stock na pagkain sa bahay, ayon kay Betty. Naligo na rin siya, nagbihis, at nag-ayos. Habang nag-aayos, pumunta ang anak niya sa kanya.
"Momma?" malambing na sabi nito habang niyakap siya.
"Ano yun, baby?" tanong niya bago ito buhatin.
"Punta tayo mall," sabi nito nang nakanguso at may kasamang puppy eyes. Napangiti siya dahil sa kakyutan ng anak niya.
"Okay, baby. Sabihan mo si Tita Betty mo na paliliguan ka at pupunta tayo sa mall, ha?" sabi niya rito. Nagsisigaw ito sa tuwa at agad bumaba para puntahan si Betty. Napangiti siya.
"Ang batang 'yon talaga," iling niya sa sarili.
Ilang minuto rin niyang hinintay si France na maligo at magbihis. Nang handa na, lumabas na sila ng bahay at sumakay sa kotse niya. Masaya ang anak niyang sumakay doon.
Habang nagda-drive, nagkakantahan silang mag-ina. Madali lang silang nakarating sa mall at agad pumasok.
"Momma, bili tayo ng ice cream!" hinila siya nito papunta sa tindahan ng ice cream. Binilhan niya ito, at masaya nitong tinanggap at sinimulang dilaan.
Nakangiti siya habang tinitingnan ang anak. Naglakad sila papunta sa bilihan ng damit para bilhan si France ng bagong mga damit.
Pagkatapos noon, pumunta sila sa Divisoria upang mamili ng mga ulam at pagkain na dadalhin sa bahay, dahil wala nang stock roon.
Nang matapos na silang mamili, napatingin si Rian sa relo.Napanganga siya nang makita niyang mag-aalas singko na ng hapon. "Bakit ang bilis ng oras? Mukhang hindi naman kami nagtagal dito," nasabi niya sa sarili.
Pumasok na silang mag-ina sa loob ng kotse. Masaya pa rin si France, ngunit biglang nagbago ang lahat nang may tumutok na kutsilyo sa leeg ni Rian. Nanlaki ang kanyang mga mata, at ang kaba ay mabilis na bumalot sa kanyang dibdib. Naalala niya bigla ang isang malabong memorya-ang eksenang ito ang tila dahilan kung bakit siya nawalan ng alaala.
Mas lalo pang idiniin ng lalaki ang kutsilyo sa leeg niya.
"Mag-drive ka," malamig na utos nito.
Napakapit si Rian nang mahigpit sa kanyang anak. "Momma," mahinang sabi ni France, ang takot ay halatang-halata sa boses nito.
"Baby, stay calm, okay? Hindi... h-hindi nila tayo sasaktan," sambit niya habang pilit na pinapakalma ang anak, kahit ramdam niyang nanginginig na rin siya sa takot.
"Pero, Momma... yung knife po..." sabi ng bata habang itinuro ang kutsilyo. "Nasa leeg niyo po..." dagdag pa nito, at doon na napaiyak si Rian.
Ngumiti siya nang pilit upang hindi tuluyang manghina sa harap ng kanyang anak.
"Tumahimik kang bata ka!" sigaw ng lalaki kay France. "Buhay ka pa pala? Akala namin, patay ka na," dagdag nito habang mas lalo pang idiniin ang kutsilyo sa leeg ni Rian.
"Sige, paandarin mo na," muling utos nito.
"A-asan mo ba kami dadalhin?" tanong ni Rian, nanginginig ang boses.
"Hindi ka ba susunod? Gusto mo bang patayin kita dito mismo sa loob ng kotse mo?" galit na sigaw ng lalaki.
Dali-daling pinaandar ni Rian ang kotse. Habang nagmamaneho, pilit niyang inaalam kung saan sila dadalhin. Kinabisado niya ang bawat liko, bawat puno, at bawat sulok ng dinaanan nila. Alam niyang kapag nagkaroon ng pagkakataon, dapat mabilis silang makakawala ng anak niya.
Habang patuloy ang biyahe, unti-unting dumilim ang daan. Wala nang mga bahay, at puro malalaking puno na lang ang makikita. Nararamdaman niyang naninigas na ang kanyang katawan sa takot. Tanging mga kamay niya lamang ang naigagalaw dahil iyon ang gamit niya sa pagmamaneho.
Hindi niya alam kung nakatulog na ang anak niya o gising pa ito, ngunit ramdam niya ang bigat ng sitwasyon.
"Huminto ka diyan," malamig na utos ng lalaki.
Huminto siya sa harap ng isang kubo na mukhang matagal nang inabandona. Sa palagay niya, walang ibang tao roon. Pinilit niyang manatiling kalmado kahit gusto na niyang sumigaw sa takot.
Pinalabas sila ng lalaki, kaya binuhat niya agad si France. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa anak-para bang walang sinuman ang maaaring kumuha nito mula sa kanya. Alam niyang delikado ang sitwasyon, at kahit ano ang mangyari, ayaw niyang may masamang mangyari sa anak niya.
"Natatakot ako," nasabi niya sa sarili. Ngunit sa kabila ng takot, alam niyang kailangan niyang maging matatag para kay France.
YOU ARE READING
MY PROFESSOR IS MY EX BOYFRIEND (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING) He was scared of his mother. If he did not go to the US, he would also lose his sight and food. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and lea...