2: Ang pag balik mula sa nakaraan
Sumapit ang hating gabi sobrang bilog ng buwan at nakakasilaw na liwanag ang tumama sa katawan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit wala ako sa katawan ko. Kahit anong pilit kong gawin para sumanib sa katawan ko ngunit kusang lumalabas ako.
Halos hindi ako makapaniwala nag silitawan ang mga babae nakasuot ng puting bestida at may Korana na kulay itim. Nag hawak hawak kamay ang mga babae na sanhi ng paglakas ng ihip ng hangin. Muntik na ako matangay sa sobrang lakas ng bawat hampas ng hangin sa iba't ibang parte ng hardin.
Dahan-dahan lumutang ang katawan ko habang walang akong magawa para pigilan ito. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na nangyari, lumitaw sa harapan ng katawan ko ang lagusan patungo mula sa kung saan. Akmang tatakbo ako para pigilan ito ngunit huli na ang lahat ng hinigop ng lagusan ang katawan lupa ko.
Bumagsak ako sa lupa na una ang pag upo habang walang tigil kaka sigaw ng mag sara at naglaho ang lagusan. “Paano ako nito? Anong gagawin ko ngayon? Isa na lamang ako ligaw na kaluluwa.” napahinto ako sa pagsasalita. Napansin ko ang mga babae ay masama Nakatitig sa akin.
"Cecilia !” paulit-ulit na sambit ng mga kababaihan.
Mabilis ko tinakpan ang mga mata ko gamit ang kamay ko. Isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa akin. Napahiyaw ako sa sakit parang sinunog ako, akala ko pag namatay ang isang tao at maging isang kaluluwa wala ng problema kinakaharap ngunit nag ka mali ako.
“Tama na hindi ko na kaya!”
Dahan-dahan naglaho ako. Nagmamakaawa ako sa mga kababaihan pero hindi nila nais marinig ang mga dahilan ko. Labis ako nag taka sa bilis na pangyayari dumating sa buhay ko. Una namatay ang mga magulang noong sanggol pa lang ako, pangalawa hindi ako tanggap ni Lola sa kadahilanan isa ako malas sa buong angkang ko.
Ang hardin ang naging tahanan ko sa mahabang panahon, hindi ako maaari makalabas sa hardin sa pagkat may kakaiba ako wangis na mahalin tulad sa mga engkanto. Siguro hanggang dito na lang ako, hanggang sa kahuli hulihan ay naranasan ko tanggapin ako ni Lola ng panandalian.
Bago pa man dumilim ang paningin ko. “Hanapin mo Cecilia ang taong naging dahilan ng kamatayan mo. Sana'y magawa mo baguhin ang kapalaran mo sa nakaraan,” mahinahon sambit ng mga kababaihan.
—
Ang sakit ng buong katawan ko, hindi ko magawang ma imulat ang mga mata ko. Ang ingay parang maraming tao ang nakatingin sa akin kahit hindi ko pa sila nakikita. Nararamdaman ko ang bawat kilos nila.
"Mawalang galang na Don Apostol. Ipinatawag ka ni Donya Sonia para sa mahalagang usapin pa tungkol sa paparating na kaarawan ng mahal na prinsesa.”
Inalalayan ako nakatayo ng kung sino man, hindi ko pa alam kung anong nangyari kung bakit ako nag ganito. Binitawan ako ng umaalalay sa akin nang nakatayo na ako ng matuwid ngunit masakit pa rin ang aking ulo.
"Mauna ka na Arabian, nais kong siguraduhin na maayos ang kalagayan ng binibini ito bago ako ay mag tungo kay Sonia.”
“Huwag mo sana patagalin Don Apostol sa pagkat naghihintay ang Donya. Baka ako na naman a—”
“Naunawaan ko Arabian. Ika'y makakaalis na, sabihin mo kay Sonia na huli ako makakarating,” inis na sambit ng lalaki.
"Pasensya na sa akong bastusan nagawa , masusunod Don Apostol.”
Narinig ko ang bawat yabag na papalayo ng lalaking kausap ng Don. Dahan-dahan ko iminulat ang mga mata ko ngunit ako'y na bigla sa tanawin bumungad sa akin harapan. Lumingon ang lalaki sa akin saka ngumiti bago mag salita.
"Kumusta Binibini?” malambing na sambit nito.
Hindi ako makapag salita sa halip nakatitig ako sa gwapong mukha. Ang tangos ng ilong, makapal ang kilay, namumula ang labi at higit sa lahat gusto gusto ang mga mata kulay bughaw na titigan.
"Maraming salamat ginoo, nag abala ka pa sa akin. Maayos na ako, mawalang galang ako'y uuwi na.”
Umalis ako sa harapan ng lalaki na wagas makatitig dinaig pa ang adik sa kanto. Hay nako nasaan na ba ako, tumingin ako sa palibot ngunit hindi ko inaasahan na sa ibang lugar ako.
Kakaiba ang kanilang kagamitan, kasuotan at istilo ng pananalita. Mukhang nandito ako sa loob ng malaking mansion base sa malawak na sayawan ng mga tao naririto.
"Binibining Cecilia!”
Napatigil ako sa pag tingin at napalingon kung saan nanggaling 'yon. Humahangos itong lumapit sa akin, nangunot naman ang noo ko.
'Ako ba 'yon tinawag niyang Cecilia? ʼ
“Binibining Cecilia, nandito lang pala kayo. Kanina pa kita hinanap,” hingal na wika nito.
Napataas naman kaagad ang magkabilang kilay ko. “Sino si Cecilia? At sino ikaw?” mahinang sambit ko.
Gulat itong pag-angat ng tingin sa akin. Tiningnan ko ang kabuohan niya at masasabi ko sa itsura niya ay para siyang katulong?
Mukha isa talaga siyang katulong, katulong pero yun damit niya ay para sina-unang panahon, katulad din ng suot ko.
'Nakakapagtaka. Siguro ito ang sinasabi ni Lola na katulong na tutulong mag alaga sa hardin. ʼ
“Binibining Cecilia! Ang iyong balikat ay nagdurugo !”
Panay siya tawag sa akin ng Cecilia, eh Sabrina ang pangalan ko! Kita ko rin ang pag aalala niya base sa mukha niya.
“Magandang pangalan Binibining Cecilia ang iyong ngalan. Pasensya na Arabian ako ang may sala kung bakit may sugat siya sa balikat.”
Napantingin naman ako sa lalaking may sabi na siya ang may sala. “Ikaw naman pala ang may sala ngunit wala kang ginawa para akoʼy tulungan!” naiinis ko sambit.
“Ipagpaumanhin Binibini, sinusubukan kita tulungan ngunit ika'y nag paalam na umuwi.”
“Ikaw pala ang may sala Don Apostol. Ikaw ang mananagot sa pag pa gamot kay Binibining Cecilia.”
Hindi sumagot ang lalaki sa halip may inabot siya sa katulong na balot ng tela.
Hindi ko na lang sila pinansin, nag iisip ako paano ako na punta dito. Nanlalaki ang mga mata ko na maalala ang nangyari kanina.
“Omg hindi ito maaari!” sigaw ko.
Ka agad naman lumapit ang katulong sa akin. "Binibining Cecilia anong nangyari sa iyo?” hindi ko siya sinagot.
“Binibining Cecilia? Ang mabuti pa umuwi na tayo sa tahanan ng iyong ina.”
Hinila ako ng lalaki na ka agad ko naman naintindihan ko. Binitawan niya ako na mapagtanto pumayag ako.
Huminto ako sa ilalim ng puno saka umupo sa damuhan na ikinabigla ng lalaking katulong.
"Binibining Cecilia tila ika'y nagbago, parang hindi ikaw ang dating ikaw na kilala ko.”
Hindi ko siya pinansin sa halip pinunit ko ang suot kong saya. Itinali ko sa sugat ko.
" Binibining Cecilia? Malilitikan ako na iyong ina kung ika'y makita sa kalagayan iyan,” Kinakabahan sambit nito.
Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi sabi nito. Kanina pa ako nagtataka kung sinong Cecilia yang, para tawagin akong Binibining Cecilia. Hindi bale na nga, ang mahalaga ay buhay ako.
“Ay kalabaw!”
Na bigla ako ng maka kita ng kakaiba wangis na tao na dumaan.
“Binibining Cecilia Huminahon ka, ang iyong nakita ay sinumpang sakit. Kung napapansin mo may kakaiba kulay ang balat niya sa mukha. Ang mabuti pa ay umuwi na tayo, baka tayo ay maabutan ng dilim sa daan.”
Sabagay may punto siya. Napagtanto ko nasa ibang panahon ako at lugar ngunit hindi ako sigurado kung saang lupalop ako napapad.
Sumunod ako sa kaniya na hindi ko siya kinausap. Nakasunod lang ako sa kaniya sa takot na baka ako ay maligaw. Lumipas ang ilang minuto sa wakas huminto ang lalaking katulong sa harap ng tarangkahan.
“O diyos ko!”
BINABASA MO ANG
Del Pasado Romantico (Completed)
LosoweIsang babaeng nag mula sa kasalukuyang subalit dinala siya ng mga kababaihan sa nakaraan ngunit sa mundo ng Engkanto. Isang babae mula sa nakaraan ang misteryuso nag laho. Sa kaniyang pag dating hindi niya inaasahan may naghihintay na misyon dahil...