From Dyn
Mahal sorry di ako nakapag update o nakapag reply man lang sa mga chat mo. Kinuha kasi yung phone namin at ganon din ang gagawin ngayon at sa mga susunod pang mga araw. Eto kasi yung gusto ng management eh pero ibabalik din naman nila yung phone namin kaagad. Sorry talaga kung hindi na ako makakapag update, ingatan mo sarili mo mahal babawi ako sayo kapag naka uwi na ako pangako.
From Dyn
Wag kalimutang kumain bago pumunta ng school ha kung sakali mang makuha ko yung phone ko ay mag rereply kaagad ako sayo pero sa ngayon ay kukunin na nila. Mag update ka parin kahit hindi ko man mababasa ngayon ay babasahin ko parin sa susunod dahil gusto ko malaman yung mga ganap mo sa araw- araw na wala ako mahal. I love you ingat ka palagi.
Buti nalang at pagkagising ko kinabukasan ay nakapag reply na ito pero nakakalungkot lang na hindi na ako makakapag call sakanya at hindi na siya makakapag reply saakin. Eto talaga yung literal na kahit ayaw mo ay gagawin mo nalang para sa pangarap mo kaya kahirap mahirap ay iniintindi ko yung sitwasyon ni Dyn dahil para rin naman yun sakanya.
"Nakakapagreply na at lahat ganyan pa rin yang mukha mo, pauwiin mo nalang" Sabi ni Kiana habang nag aayos ng mga gamit niya. Eh kung siya kaya pauwiin ko ano?
Palibhasa kasi eh hiniwalayan na ng jowa kaya chill lang sa buhay yung bruha.
"Nakapag reply nga ngayon lang naman, kinukuha yung phone nila. Need mag focus eh"
"Pero anong teleserye? Di ba siya nakapag sabi sayo kung anong teleserye o movie yung ginagawa nila?" Nakalimuutan ko din ang tungkol diyan dahil di naman siya nakapag sabi tungkol sa project niya
"Di ko rin alam, di rin niya kasi nasabi eh atsaka biglaan kaya ang alis niya nun" Pagka meeting kasi nila eh kinabukasan umalis na kaagad siya papuntang baguio.
"Ay hala behh di mo alam? Pano nalang pala kung may partner siya dun? edi selos kana niyan?" Kita mo si jillian nakikisali pero nakakadagdag naman ng sakit ng ulo ko.
Kailan pa kaya sila may masabing matino? yung di madadagdagan yung pag ooverthink ko. Yung side ko naman sana yung papanigan nila no? Yung nag cacare sana sila sakin kaya nga minsan eh napapaisip ako kung kaibigan ko bang mga to o sadyang napaka traidor lang nila.
"Asa kang mag seselos ako jill. Sakin parin uuwi yan" Ako daw papakasalan eh kaya sakin parin uuwi.
"Sus di mo sure Cia, di nga makakapagreply sayo eh." Malamang busy nga eh!
"Sumbong ko kayo ang eepal niyo!" Nakakainis na yung tatlo kuhang kuha talaga nila inis ko. Ang aga-aga eh baka masabayan ko na yung galit ng prof mamaya dahil sa mga pinanggagawa ng mga to.
"Pano mo kami masusumbong eh diba nga di sa makakapaggamit ng phone?" isa pa tong si Zywren kala mo naman di seloso.
"Ewan ko sainyo bahala kayo diyan sa buhay niyo!"
Sa sobrang inis ko sakanila ay nauna na akong naglakat papuntang school pero maya- maya lang ay ramdam ko kaagad yung pagsunod saakin ng tatlo. Kailan pa kaya sila mapapagod kakainis sakin? Di nga ako stress sa pag aaral ko stress naman ako sakanila.
Pagkarating ko nang school ay di ko sila pinansin at umupo nalang ako, bahala sila sa buhay nila!
Todo kinig ako sa mga prof hanggang sa matapos yung klase namin at di ko parin sila pinapansin. Hindi lang yun nauna pa akong lumabas ng room kaya tuloy ay todo habol sila saakin. Parang mga bata na kami tignan sa mga ginagawa namin.
"Uyy cia mamansin ka naman!'
"Wag ka ng mag tampo Ciara oh" Zywren na takot masumbong kay Dyn
" Joke lang namin yung bebe Ciara alam namin kung gaano ka loyal si Dyn at kung gaano ka niya kamahal kaya sige na pansinin mo na kami." Bahala kayo diyan di nyuko madadala sa mga ganyan.
" Di na namin uulitin promise!" sigaw pa ni jillian kaya yung iba ay napatingin na saamin.
Nagsimula nang sumigaw eh kaya hinarap ko na at baka mag sigaw pa ulit, nakakahiya baka kung ano isipin ng mga tao. Iba pa naman kung gumana ang mga utak ng mga tao baka isipin nila eh nag aaway talaga kami kahit ang totoo ay nagtatampo lang yung tao.
" Magluluto kami para sayo basta pansinin mo lang kami" sabi pa ni jillian, kaso sa pagkakaalam ko eh siya lang yung marunong mag luto sakanilang tatlo.
"jill di kami marunong!" bulong pa ni Zywren pero rinig ko naman
" Anong lulutuin ko? pritong itlog?" isa pa tong si kiana. Di mo alam kung bumubulong ba talaga to oh normal lang na nagsasalita.
" Ahh basta magluluto tayo! Final na yun at dahil diyan ngiti ka muna Ciara"
"Ngiti na bebe namin" ginagawa akong bata palagi ng babeng to eh.
"Oo na ngingiti na!" sige smile ciara kahit pilit, eh kasi naman! Bakit sobrang mag effort tong mga to? Sadyang tinotopak lang ako kanina eh!
"Dali na uwi na tayo, gabi na para sa inyong tatlo girls" ayan na concern na yung tatay namin kaya nag lakad na kami ulit pauwi.
Paguwi namin nagbihis lang kami at nagsimula na mag luto yung tatlo. Si jillian na ang eenjoy sa ginagawa niya at yung dalawa naman na di mo alam kung seryuso ba sa ginagawa nila oh nagpapanggap lang na alam yung mga pinanggagawa nila. At para naman may ambag ako pumunta na ako sa maliit naming sala at inayos yung mga gamit naming apat na gagamitin mamaya kapag mag aaral. Pagkatapos kong mag ayos ay nag update na ako kay Dyn dahil yun naman ang gusto niya.
To Dyn.
Good evening love!! Naka kain kana ba? kamusta araw mo? Masaya ka ba diyan, nag eenjoy kaba? Kakauwi lang namin galing school at yung tatlo ay nag luluto ng dinner namin kasi daw nag tampo ako sakanila. Uwi kana pinagtutulungan na ako ng tatlo dito. Pero joke lang hintayin ko talaga yung pag uwi mo yieee for sure sikat kana niyan mahal. Fight lang for the future. Nga pala pinapatanong ni kiana kung anong teleserye daw ba yan o movie kasi aabangan niya. Alam ko naman na di ka makakapag reply kaagad pero hihintayin ko message mo mahal. I love youuu po at miss na miss na kita sobra, ingat ka diyan ha.
YOU ARE READING
Rock of Love
Ficção AdolescenteThis is the story of love that started with music. Music that everyone is obsessed with. Pero sinong mag aakala na ang isang babae ang nahulog mismo sa taong minahal ang musika. Sa taong naging musika na ang buhay. Dyn Marc is the boy who will do ev...