CHAPTER 26
TULAD NGA ng sabi ng mama ni Clifford kahapon na pupunta sila kila Rian, kaya nandito sila ngayon. Pinag-uusapan na nila ang tungkol sa kasal nila. Sumang-ayon naman ang mama at papa na ikasal na sila. Tuwang-tuwa pa nga ang ina niya, pero ang ama, yun pinagbuhat muna ng sakong bigas si Clifford. Napatawa na lang siya sa inaasta ng papa niya dahil mukha itong nagseselos.
"Oy, balae, dito na lang kayo matulog at kumain," napatigil siya sa paghuhugas ng pinggan ng marinig niya ang sabi ng kaniyang ina.
"Uuwi ako ngayon, balae, may pupuntahan pa ako," sagot ni Clifford sa ina niya.
"Ah, ganon ba, balae?" Bumalik ang ina ni Clifford sa ginagawa. Nakita niyang tumango ang ina ni Clifford.
"Baby, hindi ka pa ba tapos d'yan?" Nagulat siya ng yumakap ito sa bewang niya.
"Don ka nga," pilit niyang tinataboy ito.
"Eh, ayoko, dito lang ako," paglalambing na boses pa nito.
"Pag hindi ka umalis d'yan, ikaw yung papahugasan ko nito!" Galit na sigaw niya kay Clifford. Hindi talaga ito nagpatinag. Kaya naman hinawakan niya ang kamay nito at nilagay doon ang sponge at naiinis na pinagsalitaan ito.
"Oh, ikaw na maghugas, ayaw mo huh? Sige, maghugas ka d'yan," nakita niyang naka-poker face ito at pinandidilatan siya.
"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan," tinuro pa niya ang mga mata nito. "Sige na, maghugas ka d'yan." Dagdag pa niya. Kaya walang nagawa si Clifford kundi hugasan ang mga pinggan na pinasa sa kanya ni Rian. Ngumiti naman si Rian habang pinagmamasdan ito at umalis doon.
"Yan, karma mo 'yan."
Nakita niyang nag-uukay ng sabaw ang kaniyang ina, siguro para sa niluluto nilang baboy o ano. Naramdaman naman siya nitong nasa likod kaya napatingin ito sa kanya.
"Tapos ka nang maghugas?" Tanong nito.
"Si Clifford pinatapos ko," turo niya kung saan siya nanggaling kanina.
"Ba't si Clifford?" Takang tanong ng ina.
"Makulit kasi, ayon, pinahugas ko ng pinggan," sagot niya ditong namiywang.
Nakita niyang naglalaro si France kaya nilapitan niya ito.
"Baby, kumain ka na?" Tanong niya ditong nilalambing.
"Upo, momma. Look, momma, oh, mukhang clown si Kuya Alex," tinuro nito ang kaharap na si Alex. Napatingin naman siya doon. Mukha nga itong clown, kundi si Chucky.
"Gwapo na ba ako, ate?" Tanong nitong winawagayway pa ang mukha niyang pakpak sa likod. Napangiwi naman ang mukha at mga labi niya doon.
"Mukha ka ngang nasa horror movie, yung Chucky ba yun?" Sigaw niya dito. Napa-iktad siya ng may yumakap sa bewang niya.
"Eh, kung ako ba? Gwapo ba ako?" Tanong nito sa kanya. Nilingon niya naman ito at nakita niyang si Clifford.
"Tapos ka nang maghugas?" Tanong niya dito, habang nakayakap pa rin ito sa bewang niya. Tumango ito habang ang baba ay nasa balikat niya na.
"Alisin mo," tinapik-tapik niya ang kamay nito na nasa tiyan niya. Hindi nito inalis.
"Ayoko, pinahugas mo na nga ako ng pinggan tapos hindi mo pa ako papayakapin," naglalambing ang tono ng boses nito.
"May mga bata, ano kaba?" Pilit niyang inaalis. Pero nagmamatigas talaga ito kaya naman hinawakan niya ang kamay nito at hinila sa bintana ng terrace nila.
"Dito tayo?" Tanong nito.
"Tama ba 'yan?" Tanong niya, at namangha na lang siya nang madilim na pala sa labas. Hindi niya talaga namalayan na gabi na. Tinignan naman niya ang relo.
YOU ARE READING
MY PROFESSOR IS MY EX BOYFRIEND (COMPLETED)
Romansa(UNDER EDITING) He was scared of his mother. If he did not go to the US, he would also lose his sight and food. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and lea...