Svetlana"Okay, class dismissed."
Nagsitayuan na ang lahat nang matapos ang klase. Kaniya kaniyang bitbit ng mga gamit sabay palabas ng room dahilan para sa pagsiksikan ng mga estudyante.
Nanatili akong nakaupo, hinihintay na makalabas ang lahat bago ako tumayo at tuluyang lumabas. The warmth of the sun that shines through the corridor welcomed me. Deretsyo akong naglakad hanggang sa maramdaman kong may sumabay sa akin. Lumingon ako only to find out that it was Hellion.
I immediately stop from walking and face him.
"Hey," he greeted me while I smiled.
"Hey, good morning." bati ko sa kaniya. "Sorry, hindi kita napansin. Kanina ka pa ba?" I asked.
"Nope."
Marahan akong tumango sa naging sagot niya. He even insist in carrying my bag. Hindi ako pumayag pero makulit siya. Wala na akong nagawa nang kunin niya ang bag ko.
"Thank you." pagpapasalamat ko na lang sa kaniya.
"Nah, hindi ito free."
I raise my eyebrow. I attemp to reach for my bag pero inilayo niya ito at itinaas. What can I do? Hindi ko naman maabot iyon dahil mas matangkad siya sa akin. Nag tungkod pa ako ng mga paa pero hindi ko talaga maabot.
In the end, I gave up.
"Hindi ko naman sinabi sa'yo na dalhin mo bag ko, eh." reklamo ko.
"Simple lang naman ang payment, eh."
I gave him a questioning look, gesturing him to continue at what he was saying.
"Have lunch with me." he said.
Ilang minuti muna ako nanahimik bago sumagot at tumango sa kaniya. Wala naman siguro mawawala kung sabay kaming mag lunch 'di ba?
"Sure." nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Great! Anong oras ba next class mo?" tanong niya at patuloy na naglakad. "Sa SM na lang tayo mag lunch? I say, Jollibee?"
"Sige ba! Mamayang alas-tres pa naman next class ko. Ikaw ba?"
"Oh, ala-una, eh." ani niya.
Irregular student si Hellion kaya hindi kami magkaparehas ng schedule. Sa pagkakaalam ko, Engineering dapat siya pero nagshift siya na naging dahilan nga kung bakit siya naging irregular.
Patuloy kaming naglakad hanggang sa makapunta kami sa harapan ng sasakyan niya. I sitted on the shot gun sit since nakakahiya naman kung umupo ako sa likot at ipamukha siyang driver ko.
"Taga saan ka nga ulit? Sorry, forgot about it." tanong niya sa kalagitnaan ng pagba-byahe namin.
"Oas." I simply said.
"Oh. I'm assuming kilala mo si Dustin?"
Literal na nahinto ako sa sinabi niya. Kilala niya si Dustin? How come? Alam ba niyang ex ko si Dustin? Ang awkward naman neto. Sa dinami-daming magiging kaibigan ko, talagang kakilala pa ni Dustin.
"Y-yeah." maikling sagot ko. "Bakit mo natanong?"
"Ah, pinsan kasi siya ng barkada ko. Palagi kasing magkasama 'yung dalawang 'yun dati. From what I can remember, taga Oas din siya kaya nagbabakasakali akong kilala mo siya and you did!" mahaba niyang paliwanag.
BINABASA MO ANG
👤Albay Series 1: Perfect Strangers
Genç KurguWe're all taught from an early age not to talk to strangers but talking to them is actually a good thing. That's what Svetlana though after her boyfriend dump her. She burst out her feelings to a stranger and it actually make her feel good. _______...