I thought it was easy to fall in love and just throw it away when you feel like you don't want it anymore. It's like air, you feel it but you can't touch it. Like water, you can touch it, but you can't hold it.
Love is the most dangerous poison in this world. And they say too much to love will kill you. It's true, right?I walked slowly when the door opened. Wearing a white dress, I saw how people inside the church were looking at me when I entered, and even the man in front of me. The man I love the most, the man I never thought I could dream of in my entire life.
I smiled widely when I saw his tears falling down his cheeks. I shook my head. This is the day you've been waiting for. Is it tears of joy? You should be happy, my man. You deserved it.
Unti unting pumapatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan ng maalala ang nakaraan. Kung paano niya nabago ang buhay ko, kung paano niya ako pinulot at binuo ulit. At kung paano ko siya minahal ng husto.
"Si Elio ba 'yon?" Tanong ni Becky. Sinundan ko ng tingin kung saan naka direkta ang kanyang mga mata.
Umismid ang katabi ko sa naging reaksyon ko. I smirked too.
Elio is with a pretty girl. Hindi ko na ulit sinulyapan ang dalawa. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Isang oras lang ang break namin. At Hindi ito sasapat para sakin, sa bagal ko kumain.
"I thought, Elio was courting you? Anong nagyari?" tanong ulit ni Becky. Kanina pa siya pasulyap sulyap sa likuran namin.
Umiling lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi na sinagot ang tanong ng kaibigan,
kasi hindi ko rin naman alam ang isasagot. Dahil ganoon rin ang pagkakaalam ko. He was courting me six months straight ago, until last week I didn't see him. Tapos ngayon, makikita ko siyang may kasamang iba?Mabuti na lamang at hindi ko siya sinagot. At least now I know.
Nilagpasan ko ang lamesa nila at hindi nilingunan.
"Nakakatitig siya sayo kanina" si Becky ulit nang makarating na kami sa room.Tinignan ko ang oras sa aking relo bago binalingan ng atensyon ang kaibigan. Nasa likuran ko siya.
"Akala ko ba nililigawan ka niya, pero bakit may kasama siyang iba? " lito niyang tanong.
"I don't know. At isa pa wala akong pakialam sa kanya Becky"
"Binasted mo ba siya?" may paratang sa tono ng pananalita niya.
"I didn't. Pero ganun na rin siguro iyon. Hindi ko rin naman siya sasagutin" Seryoso kong sinabi.
Marahan niyang hinampas ang balikat ko at sumimangot.
"Hindi porket pinsan mo siya ay kailangan ko na siyang sagutin. We're friends. And beside the girl he was with earlier is prettier than me. They look good toge-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nakita ko siyang pumasok sa loob ng classroom.
Halos tumigil ako sa paghinga nang lumapit sa kinaroroonan ko... at inilapag ang mga gamit sa katabi ko na upuan.
Inirapan ko ang sarili ko. I almost forgot na katabi ko nga paala siya sa lahat ng subject. Umayos ako sa pagkakaupo at hindi na ulit siya tinignan, kahit pa si Becky na nasa likod ko.
Nakatuon lang ang tingin ko sa harapan walang nagsasalita sa aming dalawa. Hanggang sa natapos nalang ang isang subject.
Maingat kong inayos ang mga gamit ko.
Thank god. This is our last subject, I don't want an another three hours with him. It's suffocating."Aella, I'm sorry hindi kita masasabayan pauwi. Nasa labas na kasi si Nic" pagpapaalam ni Becky. Nilingon niya ang katabi ko na tahimik na nag aayos ng mga gamit.