Chapter 19

2 2 0
                                    

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang kahihintay kay Dyn na umuwi. Hindi naman talaga ako magigising kung wala akong nararamdaman na may humahalik saakin.

"Nakauwi kana pala." Alam kong lagpas hating gabi na at sobrang pula na ng mukha ni Dyn. Eto yung sinasabi ko na hindi siya umiinom eh.

"Yes l-love." Akala ko titigilan na niya ang kakahalik saakin pero hanggang makatayo parin ako ay patuloy niya akong hinahalikan.

"Dyn mag pahinga kana, lasing ka lang." Baka kung saan pa kasi to mapunta.

"N-no Love! d-di ako lasing." Di daw siya lasing pero halos mapunit na niya ang damit ko kakahabol saakin mahalikan lang ako.

"Tara na sa kwarto." Sa sala kasi ako nakatulog kanina.

Nang makarating kami sa kwarto ay di ko inaasahan ang bigla niyang pagtulak saakin sa kama namin kaya di ko napaghandaan at tumama yung likod ko. Akala ko tatabi na siya saakin para matulog pero dinaganan ako at pilit na hinahalikan. Wala naman saakin yun dahil baka namimiss niya lang ako, dahil baka na mimiss niya lang yung mga halik ko dahil isang buwan din kaming di nag kita.

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Dyn at panay halik siya sa leeg ko pababa, aaminin kong nakikiliti ako pero kasi lasing lang siya. Akala ko titigilan na niya ako ng pinilit niya ako ulit halikan sa mga labi ko hanggang sa hindi ko namalayan na tumutugon na rin pala ako sa mga halik niya, para kaming mga uhaw na uhaw sa isa't isa.

Akala ko hanggang dun nalang pero akala ko lang pala dahil may nangyari saamin ni Dyn, nagalaw niya ako at nasa matinong pagiisip ako at kung mag bunga man ay hindi niya magiging kasalanan dahil binigay ko ang sarili ko.

Masakit ang gitnang bahagi ng katawan ko dahil pinilit kong tumayo at pumunta ng banyo para makapag linis ulit. Nang makabalik na ako sa kwarto ay nakita kong mahimbing na ang tulog niya kaya umupo nalang ako sa tabi niya.

Pinapaalala ko sa sarili ko na pwede akong humindi pero di ko ginawa, pwede ko siyang pigilan nang hinalikan niya ako pero di ko ginawa dahil mahal ko. Buong puso kong binigay ang katawan ko sakaniya dahil mahal ko siya. Ang inaalala ko lang ay baka makalimutan na niyang may nangyari saamin dahil lasing siya, dahil baka dala lang yun ng kalasingan niya at hindi niya naman gugustuhin na may mangyari saamin.

Napaluha na lang ako nang makita ko yung dugo senyales na naibigay ko yung katawan ko sa lalaking mahal ko. Wala akong pagsisisihan, wala akong ikagagalit dahil gusto ko to at ginusto ko to.

Humiga ako sa tabi niya kahit ang hirap gumalaw, sobrang sakit talaga! Akala ko nga biro lang nila na masakit kapag una pero shuta mee masakit nga! Sa sobrang sakit ay nakatulog ako kaagad eh.

Nagising nalang ako ulit sa alarm ng phone ko dahil may klase pa ako. Tinatamad akong buksan yung mata ko kaya kinapa ko yung katabi ko dahil gigisingin ko sana siya pero laking gulat ko na wala na siya sa tabi ko kaya no choice at minulat ko ang mata ko para tignan siya sa labas, baka nandun at nag kakape.

"Dyn nasan ka?" tawag ko pa sakanya pero walang sumasagot kaya dali- dali kong kinuha yung phone ko para sana tawagan siya ng message niya kaagad ang unang bumungad saakin.

From Dyn.

Good morning love, maaga ako ngayon kasi may lakad kami ng manager kasama si Zeilda. Nakapagluto na rin ako ng breakfast mo at oo nga pala binilhan kita ng napkin dahil meron ka yata love natagusan yung kumot natin pero okay na nalabhan ko naman na eh. Ingat ka papuntang school.

Yun lang wala man lang i love you? update ka sakin ha. Walang ganon? nagmamadali yata ah. At anong natagusan? sabi na nga ba at malilimutan niya eh.

Di na ako nakapag emote dahil wala na akong oras at naglinis nalang ako para makapaghanda na ako papuntang school. Nasanay na ako na maagang pumupunta ng school at isa ay kasabay ko yung tatlo na pupunta ng school.

Pagkatapos kong mag linis ng katawan ay nag bihis na ako at kumain. Minadali ko pa nga yung pagkain ko dahil kanina pa kumakatok yung tatlo  . Sinabihan ko naman na pumasok pero sa labas lang daw sila mag aantay. Kaya kahit pag sisipilyo ko ay sobrang bilis na rin.

"Tara na" Aya ko sakanilang tatlo.

Habang nag lalakad ay kanina ko pa pinapanalangin na sana hindi nila mapansin yung paglakad ko . Hindi naman masakit kaso nga lang ay may kaunting hapdi parin.

"Uncomy ka yata, meron ka?" bulong ni kiana kaya tumango nalang ako, sabi nga ni Dyn eh may tagos ako kaya sige kunwari meron nalang ako ngayon kahit wala naman.

Hindi na siya nag tanong pa ulit at pinagpatuloy nalang namin ang paglalakad hanggang sa makarating ng school. Kagaya ng nakasanayan ay minsan hindi na kami nag uusap kung hindi naman kailangan kaya nag aaral nalang kami pagkapasok ng room, advance reading para naman may maisagot sa prof namin mamaya. Habang nag babasa ay ramdam ko yung pag vibrate ng phone ko.

From Dyn.

Mamaya gagabihin na naman ako, sasamahan ko si Zeilda sa dinner kasama family niya. Matulog ka ng maaga, wag mo na akong hintayin. Ingat ka.

Gaano na ba sila ka close ng Zeilda na yan at sasamahan niya pang mag dinner kasama ang family neto. At sa pangalawang pagkakataon ay ni isang i love you ay wala akong nakita.

To Dyn.

Okay.

Sana naman sa simpleng salitang yan ay malaman niyang may nagtatampo sakanya. Kung dati ay napaka kompleto niya magpadala ng message ngayon naman akala mo nagtitipid. May bayad na yata kada letrang tinatype niya eh.

Rock of LoveWhere stories live. Discover now