"Kung ano man po yung sinabi ko sainyo ma sana po tanggapin niyo nalang, sana po wag niyong ipagkakalat dahil kakayanin ko naman po" Bilang nanay ko karapatan niyang malaman lahat-lahat ng nangyari sakin at ang mga rason kung bakit sobra akong nasasaktan ngayon.
"Di ka na ba talaga mapipigilan anak? Di niyo na ba maayos yan?" Kahit ilang ayos pa ang gagawin ma di na maibabalik kasi may sira na.
" Dun ko na rin ipagpapatuloy ang pag aaral ko ma, susuportahan mo naman ako diba? Di ka naman magagalit sakin diba?" Wag naman ma ikaw nalang ang nag iisa kong kakampi at karamay sa lahat.
"Bilang ina Ciara di ako magsasawang susuportahan ka di rin ako magagalit sayo anak. Buhay mo yan, nandito lang ako para maabot mo lahat ng pangarap mo. Ingatan mo lang ang sarili mo yun lang ang hinihiling ko sayo." This is the reason why people say that they're mom is there real bestfriend and i 100% agree.
Kahit anong pagsubok ang mangyayari, nanay mo lang ang magiintindi sayo at hindi ka iiwan. Dahil anak ka nila and i would do the same para sa magiging anak ko.
"Mahal kita ma, salamat po sa lahat-lahat" naiiyak nako..
"Nako wag kang umiyak makakasama yan sa apo ko. Palagi kang tumawag at kapag manganak ka pupuntahan kita dun, di ka naman pababayaan ng mga kaibigan mo eh." Yup mga kaibigan.
Nang malaman nila ang nangyari saakin ay galit na galit sila lalo na si Zywren. Kung may pagkakataon lang daw ay di siya magdadalawang isip na susuntukin si Dyn kaso sinabi ko sakanila na wag na dahil hindi naman kailangan at ayaw ko na rin naman dahil masakit na.
Nang sinabi ko rin sakanila na mag iibang bansa ako at dun na mag aaral ay gusto din nilang sumunod saakin, di ko alam kung bakit ako binayayaan ng ganitong mga kaibigan. Akala ko nga di sila papayagan eh pero kinumbinsi daw nila ang kanilang mga magulang na mas maganda daw yung med sa ibang bansa at mas high tech daw kaya napa oo din nila kaagad yung mga magulang nila. Napakaswerte ko na kahit sa ganitong sitwasyon ay meron akong sila na makakapitan.
"Sige na anak, umalis na kayo ihahatid kayo ng daddy mo at baka ma late pa kayo sa flight."
"Sige po ma, mag ingat kayo dito ha. Mahal ko po kayo"
Tinulungan niya akong ibaba lahat ng mga gamit ko at inilagay sa sasakyan, nandun na rin yung tatlo at nakaupo na sa loob ako na lang talaga yung inaantay nila. Bago ako pumasok ay kumaway muna ako kay mommy, babalik naman ako eh di ko nga lang alam kung kailan.
Siguro kapag humilom na ang lahat ng sugat. Kapag okay na ako, kapag kaya ko ng humarap ulit sakanya kasi malay natin bigla kaming magkita diba?
Tahimik lang kaming lahat sa sasakyan. Nakapag usap na kami ni daddy kagabi pero di pa ako nakakapagpasalamat sakanya. Nakita ko kung paano siya mag timpi ng galit dahil ang kaisa-isang prinsesa niya ay umiiyak daw at nasasaktan. Ni wala man lang daw siyang magawa, pero di niya alam na lahat ng sakripisyo niya para saakin ay sobra sobra na.
Sobrang swerte ko sa pamilyang meron ako at inintindi lahat ng gusto kong mangyari, lahat ng mga desisyon ko. Pano nalang ako kung hindi sila ang naging mga magulang ko?
Pagkarating ng airport ay binaba nila Zywren lahat ng mga maleta namin habang ako naghahanap ng pagkakataon na kahit sa ilang minuto ay makapag pasalamat man lang ako sa tatay ko. Nang makalayo-layo na ang tatlo kong kaibigan ay agad kong niyakap si Daddy.
"Dad thankyou po sa lahat lahat, at pasensya na po kung ganito yung nangyayari saakin. Kahit malayo po ako ay pinapangako ko na kapag uuwi ako ay may doctor ka na po . Ingat po kayo ni mommy. Mahal na mahal ko po kayo." Sa kabila ng madamdamin kong message ay tinawanan lang ako ng tatay ko at niyakap pabalik. Alam ko naman na ayaw niyang umiyak eh pero bakit tumawa talaga?
"Ikaw ang mag iingat dun anak, hindi kita sinisisi sa kung ano man ang nangyayari sayo basta wag mo lang pababayaan ang katawan mo dahil dalawa na kayo ng apo ko. Bumalik ka kaagad, mahal rin kita. Sige na malapit na flight niyo."
Humalik lang ako sa pisnge ni papa bago kumaway at sumunod na sa mga kaibigan ko.Naamoy ko na ang panibagong buhay para sa sarili ko at para sa magiging anak ko. Kung matutupad man ni Dyn ang pangarap na hinahangad niya ay ngayon pa lang masaya na ako para sakanya. Hindi ko pwedeng ipagpapatuloy ang buhay ko ng may galit sa puso ko. Gusto ko kapag nag simula ako ulit ay wala ng galit at sakit. Pero inaamin ko masakit, konti lang dahil hanggat kaya ko kakayanin ko.
"Please always remember na nandito lang kami para sayo Ciara."
"Ikaw na yung friend ko Cia basta ninong kaagad ako."
"Aalagaan ko kayo ng baby mo basta always remember ninang jillian ha!"
Pagkasakay kaagad ng eroplano yan kaagad yung lumalabas sa mga bibig nila. Pero ang saya ko na hindi ako mahihirapan habang mag bubuntis dahil nandyan sila na handang sumunod saakin kahit saan man ako mapunta. Always ready sila eh.
"Oo na ninong at ninang na kayo, basta hayaan niyo akong magpahinga" Ang haba pa kasi ng byahe eh at ang lakas pa ng energy nila baka di ako makasabay.
"Oo na matulog kana mahal na reyna, gigisingin ka lang namin kapag kakain kana"
At ganon nga yung nangyari, natulog ako buong byahe at ginigising lang nila kapag kakain na. Handa pa nga silang makipag palitan saakin ng pagkain dahil baka daw ayaw kong kainin yung akin kaso nakakahiya na kaya tumanggi ako. Wala pa naman ako sa stage na lahat inaayawan ko na, kailangan mag ready na sila kapag malala na yung mga cravings ko.
Pagkarating namin sa US ay agad kaming sumakay ng taxi para makapunta sa dating bahay ng tita ko. Wala na kasing nakatira dun kaya okay lang daw na kami muna ang gagamit. Malapit din kasi yun sa parang city nila rito sa states kaya hindi na kami mahihirapan pa. Yung sasakyan naman ay bukas may ipapadala daw yung tita ko, isa sa mga sasakyan niya na minsan lang ginagamit. Kaya dito ko sa states pinili dahil wala na masyadong iisipin pa at kompleto na sa lahat. Yung bahay ay lima yung kwarto at apat lang kami kaya sigurado na yung pang lima ay para sa baby ko.
YOU ARE READING
Rock of Love
Teen FictionThis is the story of love that started with music. Music that everyone is obsessed with. Pero sinong mag aakala na ang isang babae ang nahulog mismo sa taong minahal ang musika. Sa taong naging musika na ang buhay. Dyn Marc is the boy who will do ev...